NATAPOS ANG KLASE ni Nora nang 5, at inakala kong uuwi na kami. Pero dinala muna niya ako sa Square, isang malawak na, well, square field sa Doña at kilalang praktisan, laruan, at tambayan ng mga estudyanteng may oras pa at mga gusto munang magpahinga. May mga kainan sa gilid, mga stall ng streetfoods, rice meals, shakes, at kung anu-ano pa, tulad ng (pero mas kaunti kaysa) sa Canteen. Medyo weird na inaya niya akong tumambay muna—unang beses niyang ginawa 'yun sa akin. Hinayaan ko na lang muna siya.
Naupo lang kami sa isang telang apron na inilapag niya, bahagya siyang nakasandal sa akin, tapos tahimik lang kami. Nagpapahangin lang siya kaya hinayaan ko lang siya. At ganoon din ginawa ng ilang mga nasa paligid namin—hinayaan lang kami. Alam siguro nila kung paano pahalagahan 'yung privacy ng mga tao sa loob ng Square.
Pero bigla kong naisip, Paano kung dumating si Tony? sa hindi malamang dahilan. At umalagwa na 'yung isip ko sa kung ano ang pwedeng mangyari...
"Pare!" Mapapalingon ako sa sumigaw, at makikita ko si Tony na naglalakad palapit sa amin, may kasunod na dalawang lalaking kasing angas lang niya. Sa paligid, maririnig kong nagbulungan 'yung ibang kadalagahan, pawang mga kinikilig pero alam na kailangan nilang umiwas. Ang mangyayari, magkakaroon ng maliit na circle kung saan e kami ni Nora 'yung sentro. Parang biglang magkakaroon ng stage, at handang-handa nang mag-perform ang mga goons. E ang mga bida? Handa na ba?
"Ano'ng ginagawa mo dito?" tatanungin ni Nora, walang pagtatago sa ka-badtrip-ang nararamdaman. Badtrip. Bad trip. Ayon sa nabasa ko, nanggaling 'yung expression na "bad trip" sa pagkakataong nag-drugs ka kaso imbes na masarap sa feeling 'yung experience (i.e. good trip) e masama, nightmarish, masakit. Hindi ko alam kung paano napunta sa literatura ng Pinoy, pero somehow in-adapt natin 'yun para maging tayutay sa kawalan ng magandang mood dahil sa external forces (bad mood kapag internal 'yung dahilan, at madalas hindi natin alam kaya imbes na inis (kumpara sa bad trip) e kalungkutan 'yung mas nararamdaman). Badtrip si Nora...o, bad mood?
"Umiiwas ka ba talaga sa'kin para makasama 'yang driver lang na 'yan?" Nakangiti si Tony pero halatang bad trip, at kami ang dahilan. Magtatawanan 'yung dalawa niyang kasama sa turing niya sa aking driver "lang".
Bago pa makalapit sa amin si Tony, tatayo na si Nora at patatayuin niya na rin ako. Habang nagpapagpag ng apron si Nora, marahas siyang hahawakan ni Tony sa kaliwang braso at ihaharap sa kanya. "Aray! Ano ba?!" irereklamo ni Nora, pilit aagawin ang napipilipit nang braso.
Disclaimer: I'm a pretty calm person. Mabilis akong mairita pero madalang akong magalit, sa mga sobrang-sobrang piling-piling mga pagkakataon lang. Sinasala ko pa kasing maigi sa utak ko kung 'yung nararanasan ko e kailangan kong kapootan, at madalas e pinababayaan ko na lang. Ayaw ko kasing magalit kasi pangit sa feeling, kaya iniiwasan ko hangga't maaari. Sa pagkakataong 'yun, makikita kong sasaktan ni Tony si Nora. Sasalain kong maigi 'yung nangyayari... Hmm.
Hahawakan ko 'yung braso ni Tony na humahawak kay Nora. Agad niyang mabibitawan si Nora, impit na mapapasigaw, at mapapaluhod. "Relax lang, pare," sasabihin ko.
"Bitawan mo 'ko!" naluluha niyang pakiusap. Biglang susugod 'yung dalawa niyang kasama, hahawakan ako, kaya mabibitawan ko siya. "Fuck!" isisigaw niya, hawak-hawak 'yung nagpasa kong hawak sa kanya. At dahil hawak na ako ng dalawa niyang kasama, malaya niya akong masusuntok sa tiyan. Mabilis akong babalukot, pero bubuhatin ako ng dalawa niyang kasama. Bubulong 'yung isa, "Babagsak ka ka'gad?" Sasagutin ko siya, albeit sa masikip na pagsasalita, "'Wag kang sumabat, minor character ka lang," na ikakukunot ng noo niya. Matatawa ako sa sarili kong sinabi.
Susuntukin ako ni Tony sa nguso, na saglit na magpapaalon sa paningin ko. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin niya, pero makikita kong tumatawa siya, halatang nanlilibak. Tatawa lang din ako kasi nakakatawa 'yung umaalon niyang mukha. Susuntukin niya ako ulit, sa kaliwang pisngi ko tatama 'yung kamao niya. Somehow, maaayos n'on 'yung hilo ko, at lilinaw paningin ko. Sa sunod niyang pagsuntok, sisipain ko siya. Masasalag niya pero mapapaupo pa rin siya sa damuhan.
BINABASA MO ANG
Pages
General FictionHindi naman masyadong romance itong kwento ko. More on a big chunk of a writer's life, na karamihan e may kinalaman sa pag-ibig na nagpaikot sa buhay ko (both in a dizzy and functional way). O baka hopeless romantic lang talaga ako. Ewan.