Page 49

16 1 0
                                    

MAGTATANGHALIAN.

Nasa kusina ako dahil naglalaro na si Andrea sa sala, making dialogues out of the blue, at napapaigtad ako kapag biglang nag-aaway ang mga tauhan niya. Pero biglang may papasok na character at pagbabatiin sila. Tapos lilipad sila sa buong bahay, hanggang sa mapagod siya at magbalik sa mga laruan niya.

"Pagpasensyahan mo na," sabi ni Anna, nagluluto ng tanghalian. "She preferred running around the house than playing on gadgets, kaya magulo sa bahay."

"Binilhan n'yo na s'ya ng phone?"

"Tablet," tugon niya. "Kaso nabo-bore daw s'ya. Kaya 'yan." Nagsalang siya ng galunggong sa kawali at agad na kumalat ang aroma ng isda. "Honestly, mas gusto ko 'yang ganyan s'ya, active ang katawan; though, minsan nadadapa, nauuntog sa kung saan-saan."

"Tito, Tito!" Patakbong lumapit sa akin si Andrea. I unconsciously held out my hands, at doon niya inilagay ang isang stuffed toy na mukhang pusa. "I need your help!" Hinatak na niya ako bago pa ako makasagot. Tumingin ako kay Anna to ask for permission; she smiled.

Pinaupo ako ni Andrea sa pagitan ng mga laruan at umupo siya sa tabi ko.

"What's the situation, baby?" tanong ko.

"Mr. Han," turo niya sa aso, "and Sir Jumbo," turo niya sa elepante, "is fighting!"

"Why are they fighting?"

"No, no," iling niya at hinawakan 'yung ibinigay niya sa aking pusa, "Ms. Pats should stop them!"

"Oh, sorry," sabi ko. I was amused about the names of her stuffed toys. Paano niya naiisip 'yun? Hinawakan ko si "Ms. Pats" at inilapit sa kanila. Sa inipit at pinaliit na boses, nilagyan ko ng dialogue si Ms. Pats, "Guys, ba't kayo nag-aaway?"

Narinig kong bumungisngis si Andrea, siguro dahil sa boses ko. Iginalaw niya si "Mr. Han" at sa modulated na boses, sabi niya, "Sabi kasi ni Sir Jumbo, hindi ko kayang umakyat ng puno!"

Iginalaw naman niya si Sir Jumbo, at sa parehong modulated na boses ay sinabi niya, "Hindi ko sinabi 'yun!" At tumigil siya. Tumingin siya sa akin, cueing Ms. Pats to speak.

Ms. Pats: E ano bang sinabi mo, Sir Jumbo?

Sir Jumbo: Ang sabi ko, hindi naman s'ya umaakyat ng puno!

Mr. Han: Edi gan'on nga 'yun!

Ms. Pats: Guys, masamang mag-away. Kung patuloy kayong mag-aaway, kakalmutin ko kayo!

Marahas na tumingin sa akin si Andrea. "No, she won't." Kinuha niya si Ms. Pats, iniwan ang iba pa, at tumakbo papasok sa kwarto. I ticked her off, mukhang wala sa character ni Ms. Pats ang mangalmot. And I think she's her favorite, kaya ganoon. Tumayo na ako at bumalik sa kusina. Nagluluto na si Anna ng soup.

"Nainis 'ata sa'kin 'yun," sabi ko.

"Hm?" tanong ni Anna, naka-focus sa niluluto. Pero sumagot pa rin siya, "Moody talaga 'yan, lalo na sa mga laruan n'ya. Maski kami ng Papa n'ya e 'di makasunod sa kanya."

Bahagyang kumirot ang puso ko sa pagkakatantong hindi ako ang ituturing ni Andrea na "Papa" niya. But, it should be that way. Makakagulo lang ako sa kanila kung sakali. Gayunman, I couldn't close the door for us two. "Ipapakilala mo ba 'ko sa kanya? I mean, bilang biological father n'ya."

Tumingin siya saglit sa akin bago sumagot. "Oo naman." Pinatay na niya ang kalan. "Pero hindi pa ngayon; I hope you understand."

"Yeah..." tugon ko. Masyado pang bata si Andrea para mapasukan ng ganoong komplikadong premise sa isip niya. I think. "Yeah, I understand."

Ipinatong ni Anna ang kaserolang pinagsalangan niya ng soup sa lamesa. "Thank you, Peter. Thank you for accepting her."

Hindi ko alam kung karapat-dapat akong pasalamatan pa niya, lalo na't in all sense e iniwan ko siyang mag-isa para dalhin, alagaan, at palakihin si Andrea. Though sinabi niyang inalagaan siya at ang kanyang mga anak nang maigi ni Louis, ang kanyang asawa, hindi ko pa rin maiwasang makonsensya.

Maya-maya lang, narinig naming bumukas ang gate. Hinintay lang naming pumasok ang mag-amang sina Louis at Reann, na mag-aanim na taong gulang na sa tantya ko. Nakatingin sa akin ang batang dumiretso kay Anna, samantalang si Louis naman ay naglapag ng mga gamit sa sala pagkatapos akong tignan ng isang saglit. It seemed he was not curious who I was. Maybe he knew who I am. Pero tumingin pa rin naman siya sa akin at nginitian ako kasabay ng pagtaas ng mga kilay bilang pagbati.

"Mano po." Nabaling ang tingin ko kay Reann nang akma niyang kukunin ang kamay ko, na ibinigay ko naman.

"Bless you," sabi ko, gaya ng sinasabi ng mga matatanda sa akin dati kapag nagmamano ako sa kanila.

"Put your things on your room na," ani Anna sa anak, na agad namang sumunod. Tinulungan na ni Louis si Anna mag-ayos ng hapagkainan, at maya-maya pa ay lumabas na rin sina Reann at Andrea na magkahawak sa kamay.

~*~

Mabuting ama at asawa si Louis. Sa nakita kong kung paano niya napapatawa ang buong pamilya habang kumakain sila, alam kong hindi lilipas ang mga araw ng pamilya niya nang hindi sila masaya.

"I'm glad you found her," sabi ko sa kanya pagkatapos kong humigop ng mainit-init na kape. Nasa may harapan kami, sa tabi ng mga sinampay ni Anna.

"She found me," pagtatama niya sa sinabi ko; hindi ko na tinanong kung ano ang konteksto noon. Nakatingin lang siya sa labas, pinanonood ang mga batang naglalaro sa tapat ng bahay, kasama na si Reann.

Pinanood ko na lang din ang mga bata. Nakakatuwang kahit saturated na ang mga tahanan ng gadgets, hindi pa rin nauubusan ng maiingay na tsikiting ang mga kalsada. Hindi ko mapigilang malungkot sa pag-iisip na hindi ko makikitang maglaro si Andrea sa labas.

"Ano'ng balak mo?" tanong ni Louis, matapos ang ilang minutong katahimikan. Bahagya akong napangiti dahil sa may nagtanong na naman sa akin ng plano ko. Pero alam kong iba ang ibig-sabihin niya kumpara sa iba.

"Wala, p're," sabi ko. "Gusto ko lang talagang mag-sorry kay Anna."

"Kay Andrea, anong balak mo?"

"Ngayon ko lang nakita si Andrea," sabi ko, "ngayon ko lang nalaman 'yung relasyon ko sa kanya. Pero, ewan ko..."

Tumango-tango siya, at nagpatuloy, "Tatay ka pa rin n'ya. Ang alam ko, may karapatan kang kunin anak mo kung gusto mo."

Tumingin ako sa kanya, at napatingin din siya sa akin. "Alam kong mapapabuti s'ya dito."

"Tatakasan mo responsibilidad mo sa kanya?" bahagyang nagbago ang tono niya, pero alam kong para lang subukin ako.

"'Wag mo 'kong bibigyan ng dahilan para kunin s'ya sa inyo," balik ko sa pagsubok niya. Nakita kong ngumisi siya at nagbalik ng tingin sa labas, pinanonood ulit si Reann na nakikipagsigawan sa kalaro.

"Mga tarantado kayo," sabi niya sa hangin. "Pagkatapos n'yo s'yang anakan, pinabayaan n'yo na?" May hinanakit sa pagsasalita niya, pero higit sa sarili ay para kay Anna. "Pero ikaw," nagbalik siya ng tingin sa akin, tumango-tango, "bumalik ka. Kaya mas kaunti lang katarantaduhan mo." Hindi ko alam kung matutuwa ako sa sinabi niya o mayayamot, pero pinili kong tumahimik na lang. At sa mas seryosong tono, sinabi niya, "Aalagaan ko sila, kaya 'wag ka nang babalik dito kahit kailan."

Nagpaalam na ako kay Anna; nginitian lang ako ni Louis at nagtaas ng kilay bilang pamamaalam. Pero tumakbo palapit sa akin si Andrea, ibinigay sa akin si Ms. Pats, bago tumakbo sa likod ng kikilalanin niyang ama. Nagpaalam na ulit ako.

Hanggang sa muli, anak.    

PagesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon