Page 51

10 0 0
                                    

WRITER'S BLOCK. MAY sarili akong theory sa writer's block:

Kapag marami nang characters ang nagkukwento sa writer tungkol sa mga kwento nila, mawawalan na siya ng kakayahang makinig sa lahat ng mga 'yun. Kaya matitigil siya. O kung hindi na sila nagkukwento at tititigan lang siya, hindi niya rin maiintindihan ang iniisip nila. Kaya hindi siya makakapagsulat.

Kasalanan ba ng characters niya na marami (o wala) silang sinasabi? Hindi. Kasalanan ba ng writer kung hindi niya mailalapat sa papel ang mga sinasabi nila? Oo. Kung nabingi siya sa sobrang ingay o katahimikan ng mga tauhan niya, kasalanan na niya 'yon. Kung hindi sapat ang kakayahan niyang ikwento ang mga kwentong nagpapasulat sa kanya, sarili na niyang pagkukulang 'yon. At walang ibang paraan para mapunan ang pagkukulang na 'yun kundi sa pamamagitan lang ng mga karanasan. Kaya napakahalaga ng mga experience ng isang writer para makapagkwento sa papel.

May mga experience na maganda, may mga masama, at may mga mundane na nalilimutan na lang basta. Pero minsan, may mga karanasang hindi mo kaagad malalaman kung maganda ba o masama pero gugustuhin mong kalimutan—mga regrets sa buhay mo.

Dahil sa nagawa kong kasalanan, bida man ako sa sarili kong kwento, naging kontrabida ako sa kwento ng isang taong mahalaga sa akin: kay Nora. Hindi ko siya napansin at sinaktan pa kahit nalaman ko na ang damdamin niya sa akin. Sa kabila ng mahabang panahon ay nagtyaga siyang hintayin ang isang tulad kong hindi alam kung saan tutungo. Pero tao siya at may sariling bait, kaya nagsawa na rin siya. Nangalay. Naiintindihan ko siya. Sino ba naman kasi makakapagtiis na hintayin ang isang tulad ko? Gayunman, gusto ko pa ring ayusin kung ano ang gusot namin. Magsisinungaling ako kung sasabihin kong hanggang kaibigan lang ang gusto kong maging relasyon namin, kasi matagal ko nang napagtantong mahal ko siya, kahit pa wala siya sa...I mean, kahit pa wala ako sa piling niya. Gusto ko siyang makasama.

Pero sa dami ng kasalanan ko sa kanya, napagtanto kong wala na akong karapatang maranasan pa ang ligaya at lungkot na maidudulot ng pagmamahal niya. Kaya kahit magkaibigan lang sana, kahit man lang makabawi ako kahit papaano, sana, sana tanggapin niya ako ulit.

Kaso malabo. Hindi niya ako pinapansin kahit ilang beses na akong bumabalik sa counter para um-order sa kanya...tapos ililipat niya sa isa pang crew 'yung counter kapag ako na 'yung haharap. Bale nagiging subject ako sa on-the-spot niyang pagtuturo sa crew niya. Tapos babalik siya sa counter pagka-order ko. Baka naman nagkakataon lang? Well, kung apat na beses nang nangyayari malamang e sadya niya na 'yun. Nasusuya na nga ako sa matatamis na nakain ko e. Well, sino bang nagsabing magiging madali? Hindi porke't madali akong natanggap ng iba e mabilis akong matatanggap nitong babaeng ito. Higit kasi siya na nasaktan ko.

Hindi naman ako pinanghihinaan ng loob. Hindi man niya ako pansinin ngayon, alam kong sa mga susunod na araw e papansinin niya rin ako.

~*~

Kinabukasan, Martes, pumunta ulit ako sa Bread Corp. Syempre, naroon ulit sa counter si Nora. At syempre, hindi pa rin siya ang humaharap sa akin sa tuwing umo-order ako. Pero dahil nasuya ako sa matamis kahapon, isang beses na lang akong um-order, ilang biskwit lang at isang tasa ng kape. Tapos nagsulat na lang ako hanggang tanghali, at umuwi pagkatapos.

~*~

Lumipas ang hanggang Sabado, pero ganoon pa rin ang nangyari. Siguro nga e wala na talaga siyang balak na pansinin pa ako. Nagbago ako ng taktika: hahayaan kong siya ang lumapit sa akin.

Bumalik ako sa counter. Syempre, umiwas siya, at nagpunta pa sa loob ng kusina. Apektado pa rin siya sa akin; mas gusto ko na 'yun kaysa sa hindi niya ako pansinin.

"Ano'ng hanap n'yo, sir?" Humarap sa akin ang isa sa mga crew, na namumukhaan kong siyang nagbigay sa akin ng survey ilang araw na ang lumipas—dahil na rin sa kaunting freckles niya sa mukha. "Drew" ang pangalan sa kaliwa nitong dibdib. Siguro nanggaling kay Drew Barrymore. "Sir?"

"Hmm? Ah..." Lumipad na naman utak ko. Nginitian ko siya bago sumagot, "hanap ko 'yung pansin ng ma'am mo."

Tumuon siya nang bahagya sa counter at pabulong na nagtanong, "Manliligaw n'ya po ba kayo?"

"Hindi, may malaki lang talaga akong atraso sa kanya."

Napabuntong-hininga si Drew. "Buti naman po. Balita ko kasi nambubugbog si Ma'am..."

Biglang nagbukas ang pintuan ng kusina at lumabas si Nora mula roon. To cover up, sinabi ko kay Drew, "Limang piraso lang n'ong Pedronito, tsaka isang tasa ulit ng kape."

"Sir?" pagtataka niya. Pero agad naman niyang nakuha. "Ah, yes sir, limang Pedronito po tsaka isang tasa ng kape. Pakihintay na lang po sa table n'yo." Mabilis na umalis si Drew at inasikaso ang order ko.

Paalis na sana ako nang magsalita si Nora: "Aware ka namang pwedeng um-order ka na lang sa table, 'no?" Sa wakas, kinausap na niya ako.

"Yup," tugon ko. Naghihintay pa siya ng paliwanag pero hindi ko siya pinagbigyan at umalis na lang ako. Pag-upo ko, nakita kong nakatingin lang siya nang matalim sa akin; nginitian ko na lang siya at umirap siya. Nagpatuloy na lang ako sa pagsusulat.

Maya-maya lang, dumating ang in-order ko. At ang naghatid sa akin: walang iba kundi si Nora. Pagbaba niya sa isang plato ng Pedronito at ng isang tasa ng kape, umupo siya sa kabilang dako ng lamesa at humalukipkip. Mukhang effective ang taktika ko ngayon. Kumuha ako ng isang piraso at isinubo 'yun. Masarap 'yung Pedronito, at mukhag favorite ko na sa lahat ng natikman ko roon.

Painom na ako ng kape nang magtanong si Nora, "Talaga bang mang-aasar ka?"

Sumimsim ako bago sumagot. "Hindi kita inaasar." Nagbalik ako sa sinusulat ko.

"E ano'ng ginagawa mo ngayon?"

Nagpatuloy lang ako sa pagsusulat. Mukhang kinainis niya iyon at isinara niya ang laptop ko, pero tumama lang sa kamao ko ang screen. Alam kong galit siya at may karapatan siya roon, pero nainis pa rin ako dahil sa pag-istorbo niya sa pagsusulat ko. Nginisian niya lang ako. Tinanggal ko ang kamay ko sa laptop at isinara itong maigi. "Iistorbohin mo talaga ako sa pagsusulat?" tanong ko.

"Oo, para umalis ka na," aniya.

Inayos ko lang laptop ko at inilagay na sa bag. Pinapanood niya lang ako.

Habang inaayos ko ang pagbabayad sa phone kong naka-sync na sa lamesa, nagtanong ulit siya, "Hindi ka ba talaga aalis?"

Tinignan ko siya. "Pati ba naman sa pagbabayad, pipigilan mo 'ko?" Hindi siya nakaimik, at nagpatuloy lang ako sa pag-aayos ng transaksyon. Pagkatapos noon ay tumayo ako, kumuha ng isang Pedronito at kinain 'yon. "Masarap magsulat dito," sabi ko, "sayang, komportable pa naman." Umalis ako sa café dala-dala ang laptop at ang itinanim kong pananabik niya sa presensya ko.

You see, kapag naisip ng isang babae na hindi ka niya basta-basta mapapaikot sa mga kamay niya, mas nagiging curious siya sa iyo. So, sa bigla kong pagkawala pagkatapos ng ilang araw na sunud-sunod na pang-iistorbo, hindi niya mapipigilang makaramdam ng pananabik sa presensya ko, which will lead to her speaking with me a bit nicer. Well, at least, 'yun 'yung theory. Ewan ko kung effective kay Nora. Bahala na kung ano ang gagawin niya.

PagesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon