Page 30

9 0 0
                                    

MAS MADALI RAW na isipin muna ang mundong gagalawan ng kwento bago ang characters at plots. In reality kasi, tao ang nag-a-adapt sa mundo at hindi ang mundo ang nag-a-adapt sa tao. Naturally speaking, tama naman. But I think otherwise. Sa pakikipagbuno ko sa sariling kahambugan, kabaliwan, at kakulangan ng tiwala sa sarili, napagtanto kong hindi man mababago ng isang character ang mundong ginagalawan niya, kaya niyang baguhin ang perspektibo niya which in effect will change how the reader might see his world, which ultimately gives off the effect of changing the world itself. So sa character pa rin ako nag-uumpisa. Therefore, nabuo ko ang sarili kong konsepto ng setting:

Setting = POV X World, where the World is a constant, POV is an independent variable, and Setting is the dependent variable. And it holds true for me in real life. Normal ang tingin ko sa mundo bago ko makilala si Anna. Naging mas makulay ang paligid nang mahalin ko siya. At dumilim nang saktan niya ako. At muling nagliwanag nang makilala ko si Wendy, at muling nagkulay pink ng aminin niyang gusto niya ako at aminin kong gusto ko siya. Walang problema. Pero may gumugulo ngayon sa utak ko. Si Nora. Pinipintahan niya 'yung mundo ko ng napakaraming magugulo, sabog-sabog, at kalat-kalat na kulay. Okay lang sana kung kaming dalawa lang ang nakakaalam at pwede naman kasi naming pag-usapan, o pwede kong sabihin sa kanyang ginugulo niya utak ko. Pero ang "World" ko ngayon ay naka-sentro na sa Internet, sa wide-range communication.

Hindi ko kaagad naisip na dahil naka-post na sa Fb 'yung picture namin ni Nora (naubos isip ko sa kakaisip sa mismong picture), hindi maiiwasang maraming maabot na mga tao ang picture na 'yun lalo na't sikat nga siya.

Limang minuto lang pagkahiwalay niya sa akin, may lumapit na sa aking isang grupo ng mga lalaki. Isang grupo = mga dose sila. Halatang mga gangster kahit walang mga gangster effects sa mga katawan. I hope I'm kidding, pero hindi na sila parte ng pag-alagwa ng utak ko. They're out there and they're all weird. Pero seryoso sila kaya nakakatakot.

"Hoy," sabi n'ong isa sa akin, I assume na siya 'yung leader. "Syota mo na si Nora?" Umiling ako. Tumango siya, tapos naglabas ng phone. "E, ano 'to?" Ipinakita niya 'yung picture na ipinakita rin sa akin n'ong fan ni Nora.

"Mali 'yan," sabi ko, gaya ko sa sinabi ni Nora. Pinanliitan niya ako ng mata, na parang sinisipat kung nagsasabi ba ako ng totoo o hindi. Hindi ko napigilang sabihin, "Ano, maniniwala ka sa lahat ng makikita mo sa internet?"

Narinig kong tumawa 'yung isa niyang kasama na nasa bandang likod. Napalingon kaming lahat sa kanya. Akala ko makakakita na ako ng pambubugbog sa isang kagrupo, pero instead e binigyan nila ng daan 'yung lalaki—maski ng "leader".

"Ano program mo?" tanong niya sa akin nang makalapit na siya. Napagtanto kong siya talaga 'yung boss. May certain charisma kasi ang mga leader. Hindi dahil leader sila kaya sila may charisma, it's the other way around. Well, I think that's how it goes, kaya kapag sinusubukan kong gumawa ng mga leader-type character e binibigyan ko sila ng charisma on that level. I don't have that.

"Tinatanong ka ni Boss!" tulak sa akin n'ong unang kumausap sa akin. Mahinang tulak lang naman, parang tapik lang, gangster-type.

"'Di na 'ko nag-aaral," sabi ko.

"Graduate ka na?"

"Drop-out."

Natawa sila sa sagot ko. Sabi ng boss nila, "Pa'no magkakagusto si Nora sa gan'to?" It is discrimination against the out-of-school youth. Well, maybe not. Pero bullying pa rin. Tinapik niya ako sa balikat, at may sasabihin sana, pero tinignan niya lang ako sa mata, at tumawa. Naglakad na sila palayo sa akin, isa-isa nila akong iniismiran. Natawa na lang ako.

Akala ko tapos na. Pero habang naglalakad ako papunta sa Canteen para sana kumain, may lumapit na namang isang grupo ng mga lalaki sa akin. The same things happened. Tinanong ako kung totoo ba, sabi ko hindi, tinanong kung ano program ko, sabi ko drop-out, tinawanan nila ako, at pinabayaan na. Napaka-convenient na pabulaanan lang 'yung issue na nangyayari sa iyo tapos hayaan lang na matuya ng iba. Kaya siguro nagkakaroon ng bullying culture, kasi mas madaling magpaapi na lang kaysa lumaban pa.

At nangyari ulit 'yun pagkatapos ko namang kumain. Tinanong ako ng isa, "Totoo bang syota mo si Nora?"

Ang sagot ko, "Drop-out ako." Na kinakunot ng noo nila. Na-weird-uhan siguro sila kaya nag-alisan na lang.

Tapos, may isang grupo na naman. This time, hindi na gangster o ano, kundi tatlong babaeng mukhang journalist kasi kompleto sila sa effects ng pagiging journalist: isa ang may hawak na camera (though sa cellphone lang) at sa mic (na parang lapel (na lavalier microphone talaga ang tawag) na nakadugtong sa "camera"), isa ang nagsusulat ng notes, at isa ang nakipag-usap sa akin. Aniya, "Sir, hihingin lang po namin 'yung opinyon n'yo sa picture n'yo ni Miss Nora." Doon ko lang napagtantong interview pala 'yon. Gusto ko sanang tuyain sila kung 'yun ba talaga 'yung gagawan nila ng scoop? Pero naisip kong umalis na lang pagkatapos kong mag-sorry sa kanila. I can't do interviews. Kung may gusto o kaya man akong ikwento, hinding-hindi ang kahit anong tungkol sa akin, unless may tiwala na talaga ako sa iyo para magkwento ng tungkol sa buhay ko.

But I hadn't seen the worst that day.

Ang totoo, naging mabait pa rin ang mga taong nagtanong sa akin despite ng naranasan kong pambu-bully mula sa kanila...kumpara sa sumalubong sa akin nang pabalik na sana ako sa kotse.

"Hah!" narinig kong mapanuyang tawag (kung matatawag bang tawag 'yun) sa akin ng isang pamilyar na boses. Si Tony, may kasamang dalawang lalaking sing-angas niya rin. Hmm. Parang nakita ko na itong nangyari. Hindi ko alam kung bakit, pero hindi ko siya tinakbuhan. Hinarap ko siya. "Sinagot ka na n'ya?" tukoy niya kay Nora.

"Hindi," sabi ko. Hindi siya agad nagsalita, at mukhang hinintay na magpaliwanag pa ako.

Mapanlait siyang tumawa. "Alam ko, tanga ka ba? Sino namang gago magkakagusto sa'yo?" Nakangisi siya, pero kumakawala 'yung galit sa pagsasalita niya. Mali. Ipinahahalata niya 'yun.

At ginatungan ko 'yun. "O, ba't 'tinatanong mo pa?" Hindi ko alam kung bakit pinatulan ko pa siya, pero I was on edge for too long today na kailangan ko na ng outlet. At si Tony ang kawawang biktima na makakatanggap ng init ng ulo ko. Or so I thought.

Dumura siya sa lupa... at bigla niya akong sinuntok sa bibig. Agad akong bumagsak. Nagulantang ako kasi mas malakas 'yung suntok niya kaysa sa na-imagine ko. Sinubukan kong tumayo, pero nanatili akong nakasalampak sa lupa dahil sa hilo. Sinugod niya ako at pinagtatadyakan, na somehow e nasasalag ko. At naramdaman ko na ang adrenaline rush. Unti-unting namanhid katawan ko, just barely enough para maramdaman kong sinasaktan ako. Sinubukan kong tumayo, na nagawa ko naman kahit pinipilit niya akong pabagsakin ulit.

Nag-isip ako ng mga cool moves para mapataob si Tony. Wala akong naisip. Instead, nagsuntukan lang kami. Walang pakialam kung tatama o hindi, walang pakialam sa mga matatanggap o masasalag. Suntok, suntok, suntok. Hindi ko na alam kung ano ang goal ng away, pero gusto naming ungusan ang isa't isa. Kung nasa ibang POV ako at nakita ko 'yung pakikipagbasag-ulo ko kay Tony, malamang makikita ko na 'yung pinakapangit na away na pwede kong makita. Magtatagal pa sana 'yung away namin pero may dalawa siyang kasama, at nakigulo na rin sila. Wala na akong laban sa tatlo.

Bumagsak ako, at pinagtatadyakan nila ako. Hindi ko alam kung bakit, pero naisip ko pa: "Nasa open area kami—hindi ba sila nangangamba na ma-expel dahil nambugbog sila ng outsider?" Masyado na nila akong kinakawawa. Imbalanced na.

Imbes na panoorin kami ng mga nakakita sa amin, pinigilan na lang nila kami. "Tama na, tama na, am'pangit ng laban!" sabi ng isa. Joke lang. Puro "Tumigil na kayo!" lang narinig ko sa paligid—kahit papaano pala e hindi naman laging naghahanap ng mga nag-aaway ang mga estudyante.

Wala akong ibang makita kundi blurred na mga gumagalaw na kulay. Nahirapan akong huminga at masakit 'yung kaliwang tagiliran ko, mukhang napuruhan ng tadyak. At mahapdi ang buong mukha lalo na 'yung bibig ko. Unti-unti na ring kumakawala 'yung isip ko sa utak ko, gusto ko lang matulog, pero nanatili lang akong gising. May mga dumadalo sa akin, tinatanong nila kung okay lang ako. Tanga ba kayo? Binugbog na nga, okay pa rin? 'Yun sana gusto kong sabihin, pero sumesenyas lang ako na okay lang ako. Itinayo nila ako, at nagawa ko namang manatiling nakatayo kahit nahihilo pa. Si Tony naman at 'yung dalawa pa niyang kasama e kinakapitan ng iilan at kinakaladkad palayo. Napatingin ako sa kanang kamao ko na namumula at may bahid pa ng dugo. Hindi ko akalaing darating pa rin pala talaga 'yung time na mababali ko 'yung pangako ko sa sarili kong kung makikipag-away man ako, hindi ko gagamitin 'yung kamao ko.

At sa kamao kong 'yun ay biglang may humawak at iniakbay sa balikat niya.

Si Wendy; suot niya ang mukhang hindi ko natagalang matignan. Nag-aalala siya at nasasaktan.    

PagesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon