DAPIT-HAPON NA NANG magising si Nora. "Ano'ng nangyari sa'kin?" tanong niya.
"Buntis ka," biro ko, na nagpakunot sa noo niya. Nilinaw ko, "Nabuntis ka ng panis na pagkain." Simpleng pagtango lang ang isinagot niya. Mukhang alam niya kung ano ang nakadali sa kanya.
Gusto niyang umupo noon kaya tinulungan ko siyang bumangon. Inayos ko rin ang unan niya upang makasandal siya nang maigi. "Sweet naman," tukso niya sa akin. Pinitik ko lang ang noo niya. Nagreklamo siya, "Aray naman! May sakit na nga 'yung tao o!"
Pinagalitan ko siya, "Ano ba kasing pinagkakakain mo?" Hindi siya sumagot. Umupo na ulit ako sa pwesto ko kanina, sa upuan sa tabi ng higaan niya. "Sa lahat ng pwedeng makadali sa'yo, pagkain pa?"
"Sorry na, hindi ko naman alam e..." nagmamakaawa niyang paghingi ng tawad. Na mukha namang sincere kaya bahagyang lumamig ulo ko.
"Seryoso, ano bang kinain mo't nalason ka?" Nagkibit-balikat lang siya. "Baka may iba pang nadali bukod sa'yo?"
"Wala na," sigurado niyang sagot. Pakiramdam ko tuloy e may foul play, na parang sinadya siyang lasunin. Biglang nag-init ang ulo ko sa pag-iisip na may nananakit sa Nora namin.
Gusto ko sana siyang tanungin tungkol doon, pero pumasok na si Tito Manuel na may dalang mga mansanas. Tumayo ako at inabot ang dala niya. Kanina pang tanghali si Tito sa ospital, at umalis lang para bumili ng prutas.
"O, Papa..." lang ang bati ni Nora.
Maingat na umupo si Tito sa tabi niya at kinumusta siya, "How do you feel, anak?"
"I'm okay, Pa," ngiti niya. Pero, napalitan 'yon ng pag-aalala. "Teka Papa, 'di ba may business travel po kayo ngayon?"
"Don't worry about that. May proxy naman ako, si Tito Gab mo."
"I'm so sorry, Pa, naistorbo ko pa po kayo," maluha-luhang paghingi ng tawad ni Nora. Nakakaawa mukha niya; naaalala ko tuloy 'yung mga panahong mabilis siyang maasar at paiyakin. Nakakatawang bata.
"It's okay," bahagyang ginulo ni Tito ang buhok ni Nora, na nagpangiti naman sa huli. "What's important is, maayos na ang pakiramdam mo. But, be careful next time, okay? Your health first before anything else."
"Yes, Papa, sorry po ulit I made you worry."
"It's okay," pinisil nito ang pisngi ng anak.
"Anyway, bumalik na po kayo sa work n'yo Papa, kailangan po kayo d'on."
"Pero anak, kailangan mo 'ko dito."
"I insist, Pa," pilit ni Nora, "and Pete will take care of me." Saglit akong tinignan ni Tito at tinanguhan. "Don't worry; I'll be okay."
"Okay," pagpayag ni Tito. Hinalikan nito sa noo si Nora, "Take care, okay?"
"Yes, Papa."
Tumayo na si Tito at bumaling sa akin, "Peter, dito ka na muna and watch her, okay?"
"Opo, Tito. Ako pong bahala sa kanya." Lumabas na ito ng kwarto at naiwan na ako sa pag-aalalaga sa isang nalasong dalaga.
"Panoorin daw kita," asar ko.
"Ang ganda naman ng papanoorin mo," pambabara niya sa asar ko. Natawa lang ako. Hanggang ngayon, hindi pa rin ako sanay marinig mag-usap ang mag-ama; automatic kasi silang nagiging conyo.
"'Paghiwa mo 'kong mansanas," demand niya.
"Panoorin lang daw kita, hindi pagsilbihan," tanggi ko.
"Sabi ko aalagaan mo 'ko, at hindi ka umangal!"
"Aba, kung umangal ako n'ong sinabi mo 'yun, baka 'di ako bigyan ng allowance ni Tito!"
BINABASA MO ANG
Pages
General FictionHindi naman masyadong romance itong kwento ko. More on a big chunk of a writer's life, na karamihan e may kinalaman sa pag-ibig na nagpaikot sa buhay ko (both in a dizzy and functional way). O baka hopeless romantic lang talaga ako. Ewan.