Page 61

9 0 0
                                    

BAGO MAG-UMPISA ANG kainan, kasabay ng sabay-sabay na pagkanta ng "Happy Birthday to You" ay ipinasok ang isang malaking three-layered white chocolate cake, may mga design na Winnie-the-Pooh and friends—mas bagay 'yun sa isang children's party, pero kita ko sa malawak na ngiti ni Nora ang kagalakan niya.

Sa kainan, pansin ko ang pagiging business mindedness ng mga tao sa paligid. Naririnig kong puro business deals ang huntahan nila, chismisan nila ang pag-angat o pagbagsak ng stocks ng ilang kompanya, at pinagdedebatehan nila ang lagay ng global market. Weird people. Pero sa bagay, mukhang ganoon na ang takbo ng isipan nila.

"Huy, kanina ka pa tahimik d'yan," tudya sa akin ni Wendy.

"Sorry, nagsusulat ako," sabi ko.

Tinignan niya ang mga kamay ko. "Pa'no?" tanong niya nang makita niyang parehas kong gamit ang kamay ko sa pagkain.

Tinuro ko ang kanang sentido ko. "Sa utak."

Inirapan niya lang ang kayabangan ko, at natawa ako. Noon ko lang napansin na wala pala si Kael sa tabi niya. "Nasa'n si Kael?" tanong ko.

Ngumuso siya sa isang lamesa na malayo sa amin. Naroon si Kael, kasama sina Tito Manuel, Tita Karen, at si Tatay. "Hindi mo ba sila babatiin man lang?"

Umiling ako. "Hindi na muna ngayon; siguro after ng birthday ni Nora."

"Baka bugbugin ka ba dito ni Papa?" tukoy niya siguro kay Tito Manuel. She's still sharp as ever.

Tumango ako. "I've hurt their princess; I know how it might feel like."

"How? May prinsesa ka na ba?" pabiro niyang tanong.

Tumingin ako sa kanya, "Yeah."

Tumabingi ang ulo niya kasabay ng pagkunot ng noo at ng dahan-dahang pagkawala ng ngiti sa mga labi, "Seryoso? Kanino? May asawa ka na?"

"Her name's Andrea," sabi ko (hindi ko alam kung bakit ko pa ikinukwento sa kanya 'yun). "Anak namin ni Anna."

"You stupid jerk," diretso niyang sabi. "Why are you still pursuing Nora? Gusto mo ng kabit?"

"No!" marahas kong tanggi. "Anna's happily married," pagbawi ko sa bahagyang tumaas na boses, "and I think her husband's a good man. Kaya nilang alagaan si A-Andrea..." Napatikhim ako nang naramdaman kong para akong maiiyak. Uminom akong tubig saglit, at kasabay ng paglunok ang pagpigil ko sa pagpatak ng luha ko. Napabuntong-hininga akong malalim. "That's why...I decided na regaluhan lang si Nora, ta's aalis na 'ko."

"Tatakbo ka na naman, huh?" she said in that condescending tone of hers.

"E ano ba'ng dapat kong gawin? Ayaw n'yo ko sa kanya pero ayaw n'yo ring umalis ako. Ano ba?" Bahagya ko nang hindi nakontrol ang boses ko, at may ilang napalingon na sa lamesa namin. Pero walang pakialam si Wendy at buong-buong ang atensyon sa akin.

"Face your mistakes," madiin niyang sabi, "aminin mo sa kanya 'yang tungkol sa pagkakaroon mo ng anak."

"I already did."

"What?" Hindi siya makapaniwala. "Then, she still invited you?"

"Yeah." Well, that's not the chronology but...yeah, she didn't stop me either.

Napabuntong-hininga si Wendy, hindi makapaniwala. "Stupid girl." That's right. Nora is a stupid girl to even accept a guy like me again.

Biglang nagdilim ang paligid, at muling umakyat ang host sa stage kung saan may natitirang spotlight.

"Hi everyone, have you enjoyed the food?" tanong niya sa lahat, at um-oo naman ang karamihan. "Well, while you enjoy your food, our celebrant will grace us with her singing voice. Let's give it up for Ms. Nora, accompanied by her friend Ms. Kim!"

Pumalakpak ang audience habang umaakyat ang dalawa sa stage. Bumalik na si Kael sa lamesa namin, at dahil madilim ay hindi na niya napansin ang tensyon sa pagitan namin ni Wendy. Nakatayo si Nora at sa harap niya ay isang mic stand, sa kanan naman niya umupo si Kim, nakapatong ang gitara sa kanang hita at may nakatapat ding mic sa bibig.

Humawak sa mic si Nora. "Before we start, gusto kong magpasalamat sa inyong lahat sa pagpunta sa birthday celebration ko; I appreciate you taking off a time from your busy schedules just to come here. Especially sa kuya ko, kay Kuya Kael, and his soon-to-be wife, Wendy." May tumapat na spotlight sa lamesa namin, at nailawan ang dalawang OP sa mga naka-formal na attire. But they belonged here, so everything's good for them. Kaso dahil sila lang ang naiilawan, hindi ko napigilang maramdamang ako lang talaga ang OP sa lahat ng naroon. I realized...I'm just a side character to everyone else in this place, isang extrang nadadampian ng kaunting liwanag ng spotlight na halos isa na lang anino. I should not have come. "This song's for both of you."

Nagsimula nang tumugtog ng gitara si Kim. Soft, smooth strumming. Sa unang kiskis pa lang alam na ng lahat ang rhythm ng kanta. Pumikit si Nora at nag-umpisa nang kumanta.


"Let the bough break, let it come down crashing..."


My world suddenly freezed; she's really a good singer.


"Let the sun fade out to a dark sky."


I was holding my breath, trying to fill myself with her voice.


"Can't say I'd even notice it was absent

'Cause I could live by the light in your eyes..."


Ang nararamdaman kong kawalan ng kwenta...it was slowly vanishing. Nagiging kaisa ako ng audience na nae-enchant ng boses niya.


"I'll unfold before you

What I've strung together—

The very first words of a lifelong love letter.


Tell the world that we finally got it all right;

I choose...you..."


At that moment, dumilat siya at tumingin sa pwesto namin. Nakatingin siya kina Kael. Pero para siyang...may hinahanap.


"I will become yours and you will become mine..."


At nagtama ang mga mata namin. O ewan, madilim sa bahagi ko kaya baka hindi niya rin ako nakikita. But she smiled. And I felt she certainly smiled at me.


"I choose...you...

I choose...you."


Hindi naman ako 'yung tipong madaling umasa. Pero sa tingin ko, hindi lang niya kinakanta 'yun para kina Kael. I deeply felt she's partly singing it for me. Like a confession. Like an acceptance. Stupid, stupid girl.

Tinapos nila ang buong kanta, a very sweet song sang by a sweet girl. Birthday niya kaya dapat lang talagang siya ang sentro ng celebration, but she made it easy for everyone to sincerely give their blessings for her. Kung hindi siya patissier, malamang ay singer na siya.

May lively party pa pagkatapos ng solemnity. Naisipan ko nang umalis, kaya inilagay ko na lang ang regalo ko sa Gift Section, kung saan e napaka-discreet ng mga balot ng malalaking regalo ng iba. Kaso, sa balot pa lang halata nang basura ang sa akin. But I didn't need to feel ashamed. It was my farewell to her. At least today, naka-attend ako sa birthday niya. That's enough selfishness. Ah, I should have written her a letter. Hindi ko naman kasi naisip na pipiliin ko pa rin umalis sa tabi niya. She'd hate me but I know that's better for her.

"Apat na taon, ta's ganyan lang regalo mo?" Napatingin ako sa nagsalita. Si Tatay.

PagesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon