NAGAKAROON LANG NG buhay ang party nang dumating na si Nora. Gusto ko sanang i-describe 'yung itsura niya kaso wala talaga akong alam sa fashion—ang alam ko lang e nakalugay ang buhok niyang kumikinang ng pula, nakasuot ng skyblue na casual dress, off-shoulder at above the knee. Basic na basic, pero mas maganda siya kaysa sa kaya kong isalarawan, dala na rin siguro ng katotohanang nadadala niya ang sarili niya nang maayos.
Magiliw siyang ngumingiti at nagpapasalamat sa lahat ng mga bisita niya, sumasabay ang bahagyang pag-alon ng buhok niya sa kanyang bahagyang pagtungo sa mga ito. Nakita ko si Kim na mabilis yumakap sa kanya, na natatawa naman niyang tinanggap. She might be her bestfriend, I think. Mukhang credible ang sinabi niya sa aking dapat layuan ko na si Nora. Napatingin si Nora sa lamesa namin at bahagya niyang inangat ang kamay niya para batiin kami. Well, mukhang hindi na ako pwedeng umalis.
Isa sa mga natatawa akong konsepto ng birthday celebration ng mga mayayaman e kailangan may emcee o host ang birthday nila. Well, it's more of an event than anything, kaya siguro kailangan ng mga ganoon. Sa bagay, nakaka-enjoy pa rin namang manood ng mga kaganapang nakasentro kay Nora. She's carrying the attention pretty well; mukhang sanay na siya sa ganoong spotlight. Mas mukha tuloy siyang artista kaysa may-ari ng isang café.
Nag-umpisa ang selebrasyon sa pagpapakilala ng host kay Nora bilang ang celebrant. Tapos kinumusta ni Nora ang lahat, nagpasalamat, at hiniling na sana e mag-enjoy sila sa gabing 'yon. Pagkatapos e parang nagkaroon ng talk show sa stage, kung saan guest star ang celebrant at host ang...well, host. Tungkol lang naman sa mga success sa buhay niya at sa plano niya pa sa hinaharap, the usual boring stuff. Syempre, ang highlight pa rin naman ng mga ganoong uri ng kwentuhan e ang love life niya, lalo na't bading ang host...o ewan, baka kahit anong event ganoon ang highlight basta Pinoy.
Host: "So Ms. Nora, it's not really a secret na marami kang manliligaw, and the reason why is not even a mystery. What's really mysterious is the fact that you haven't given anyone a chance."
Nora: [natatawa] "Yeah."
Host: "Can I ask why? I mean, big names are trying to pursue you."
Nora: [tumikhim] "Naka-focus kasi ako ngayon sa career ko; my Bread fills my hands right now."
Host: "A very typical answer, Ms. Nora. I've expected such answer from you, so I actually dug deep – I know, I overdid myself – and find this sweet photo."
[Sa projector sa may likod ay lumabas ang isang litrato ng estudyanteng si Nora, nakayakap sa isang malaking Winnie-the-Pooh, nakatitig sa isang lalaking nakatalikod sa camera—ang picture namin noon na pinagkaguluhan sa Doña; naghiyawan ang mga bisita; si Nora, nakangiti, napapikit, napatakip ng kalahati ng mukha]
Host: [nakangiti] "So, tell me about this picture."
Nora: [tumingin sa host nang matalim pero nakangiti pa rin] "I...uhm, he won that Pooh for me..."
[Maraming nag-aabang sa sasabihin pa niya, pero wala na siyang idinugtong]
Host: "That's it?"
Nora: "Ah... yeap."
Host: "Then, tell me about the tall guy in the picture."
Nora: [napakagat sa labi] "Uhm, I think...you can say he's my first..."
[Dahil sa putol na salita, naghiyawan ang mga tao at tinukso siya; hindi tuloy siya magkandaugaga at parang gusto nang tumayo mula sa kanyang pagkakaupo. Si Kael naman, tinitigan ako nang masama; umiling lang ako]
Host: [sinasapawan ang panunukso ng audience] "Your first what, Ms. Nora? Kailangan mong linawin 'yun, kaloka ka."
Nora: [tumikhim] "Ano, he's my first love."
[Naghiyawan lalo ang mga tao, parang mga kinikilig na mga ewan. Habang ako, nadudurog ang puso at nababaon sa konsensya; dapat masaya akong mai-declare na una niyang pag-ibig, pero mas masakit kasi 'yung context ng sinasabi niya kaysa sa kung paano niya 'yon sinabi]
Host: "Isa ba s'ya sa mga nanligaw sa'yo?"
Nora: [umiling] "He's in love with someone else that time."
Audience: [sabay-sabay] "Awww..."
Host: "So, he's your first heart break din?"
[Tumingin lang sa sahig si Nora, malayo ang iniisip, at hindi sumagot]
Host: "Well, we all share that pain, and girl believe me you will get over it."
Tumayo na ang host, nilapitan siya at inalalayang tumayo. "For now," sabi nito, handling the awkwardness well, "we will celebrate your birthday so cheer up!" Ngumiti lang si Nora. "Ladies and gentlemen, our birthday girl, Ms. Nora!" Nagpalakpakan ang mga tao habang pababa siya sa stage, muling bumabati sa mga nakakasalubong niya, pero wala na ang ngiti sa kanyang mga labi; ako, nakatunganga sa kanya, pinagmamasdan ang kanyang malungkot na kagandahan mula sa malayo.
Bakit ko ba piniling saktan ang isang magandang babaeng tulad niya? Ano bang nakain ko't nagawa ko 'yun sa kanya?
BINABASA MO ANG
Pages
General FictionHindi naman masyadong romance itong kwento ko. More on a big chunk of a writer's life, na karamihan e may kinalaman sa pag-ibig na nagpaikot sa buhay ko (both in a dizzy and functional way). O baka hopeless romantic lang talaga ako. Ewan.