DALAWANG ARAW AKONG lagalag. Lagalag = walang maisulat. Nagsulat lang ako sa journal ko, at walang ibang nilalaman 'yun kundi si Nora, at ang mangyayari sa amin ngayong alam na niyang may anak na ako. Pero, kahit anumang mangyari sa amin, hinding-hindi ko idadamay ang anak ko. Bunga man siya ng saglit na kaguluhan at tawag ng laman, may sarili siyang buhay na kailangan kong ingatan sa lahat ng anggulo. Kung hindi matanggap ni Nora si Andrea, wala na akong magagawa. Malulungkot ako syempre, pero 'yun na lang kaya kong gawin para sa bata.
Bibigyan ko ng pagkakataon ang puso ko na pakinggan kung ano ang magiging reaksyon ng itinitibok niya. Pupunta ako sa selebrasyon ng kaarawan ni Nora.
BINABASA MO ANG
Pages
General FictionHindi naman masyadong romance itong kwento ko. More on a big chunk of a writer's life, na karamihan e may kinalaman sa pag-ibig na nagpaikot sa buhay ko (both in a dizzy and functional way). O baka hopeless romantic lang talaga ako. Ewan.