Hello!
Kung natapos mong basahin ang Pages, gusto kong sabihing...congrats! Sa sobrang haba ng kwentong 'to para ka lang tumakbo sa marathon pagkatapos! Kung hindi naman at binabasa mo 'tong note ko ngayon kasi curious ka sa sasabihin ko, hello pa rin.
At syempre, maraming maraming salamat. Maraming salamat sa pagbabasa ng kauna-unahang nobela na natapos ko.
Masasabi kong marami akong natutunan sa pagsusulat ng nobelang 'to, sa larangan man ng pagsusulat o sa personal kong buhay. Medyo creepy na nabuhay lang naman si Peter sa utak ko pero natatagpuan ko 'yung sarili kong natututo sa mga karanasan niya. Weird. Pero masaya sa feeling, lalo na ngayong tapos ko na. Wooh! Ang tagal kong sinulat 'to!
Hopefully e na-enjoy n'yo 'tong Pages sa parehong paraang na-enjoy ko 'yung pagsusulat dito. I know, maraming loopholes at mas mapapaganda ko pa sana 'to, pero okay na ako sa ganito, nagkasundo na kami ni Peter na sa gan'tong paraan ko ilathala 'yung kwento niya.
Kung hindi n'yo 'to masyadong na-trip-an, maraming salamat pa rin sa pag-try na basahin 'to. Hanyo, sa mga susunod kong kwento e pagbubutihin ko pang maigi.
Muli, maraming maraming salamat!
Title: Pages
Status: COMPLETED
Started: 18 February 2016
Ended: 17 October 2018
BINABASA MO ANG
Pages
General FictionHindi naman masyadong romance itong kwento ko. More on a big chunk of a writer's life, na karamihan e may kinalaman sa pag-ibig na nagpaikot sa buhay ko (both in a dizzy and functional way). O baka hopeless romantic lang talaga ako. Ewan.