Page 47

12 0 0
                                    

SA ROOFTOP NG gusaling kinabibilangan ng condo nina Kael makikita ang isang recreational area—o, in layman's term, tambayan. Doon kami nagpuntang tatlo pagdating ni Wendy. Pero agad din kaming iniwan ni Kael pagkatapos niya kaming pagtabihin sa isang table, paharap sa iba pang naglalakihang building sa paligid, at sinabing, "Mag-usap muna kayo. Mamaya mahal ka pa n'yan, maunsyami pa kasal namin."

"Loko talaga 'yun," komento ni Wendy pagkawala ni Kael sa paningin namin.

Tumingin ako kay Wendy. She seemed brighter (more blooming?) than how I remembered her. "Congrats sa kasal."

"Thanks, Pete," aniya. "Sana maka-attend ka."

"Wala naman akong invitation," sabi ko.

"Hamo, gagawan kita," kindat niya sa akin. Natawa akong bahagya. Makulit pa rin siya kahit apat na taon na ang lumilipas. Apat na taon. How little she has grown. I mean, literally, halos wala siyang ipinagbago bukod sa medyo pagtaba.

"Hiyang na hiyang ka kay Kael ah?" tukso ko sa kanya.

"Oo, sarap n'yang magluto e," patol niya sa tukso ko. "Wala 'atang ibang alam na gawin 'yun kundi magluto."

"Buti mahilig kang kumain," sabi ko.

Napabuntong-hininga siya, "Oo nga e, lumobo tuloy ako. Tapos ngayon pa n'ya 'ko pakakasalan. Wrong timing din e."

"Magpapayat ka pa n'yan," sabi ko. "Magpataba ka na lang ulit after ng kasal n'yo."

"'Yan 'yung plano, but, haay, wala e, ang sarap kumain!" Napailing ako. Talking with her was nostalgic. Ganoon kami nag-umpisang mag-usap, parang walang patutunguhan pero laging may kasunod, laging hindi natatapos. Sayang nga lang, naisipan kong tapusin kung ano ang mayroon kami.

"Sorry, Wendy," sabi ko. Nakatingin lang siya sa akin at hindi tumugon—binibigyan ako ng pagkakataong magsalita pa. "Naikwento na sa'kin ni Kael 'yung nangyari sa'yo after ng, well, you know." Nilaro ko 'yung daliri ko sa namuong tubig sa bakal na lamesa. "Buti na lang inalalayan ka ni Kael n'ong time na nawala ako."

"Yeah, he definitely helped me," tugon niya. At natawa siya. "Thinking back, literal na isang linggong pag-ibig lang 'yung namagitan sa'tin."

"I also realized that," sang-ayon ko. "It's almost like a fling."

"I think not," tanggi niya. "Isang linggo lang pero minahal talaga kita."

"I know," sang-ayon ko, "I know you did. Kaya nagpabalik-balik ka pa sa bahay para lang malaman kung bumalik na 'ko."

Bahagya siyang nanginig, "Wah, kinikilabutan ako 'pag naalala ko 'yung pinaggagawa ko para lang sa'yo."

"Sorry," paghingi ko ng paumanhin. Sabi kasi ni Kael, halos isang buwang araw-araw na bumibisita sa bahay si Wendy para lang makahagap ng balita tungkol sa akin, kahit pa lagi silang nag-aaway ni Nora.

"But I think it's blessing in disguise," aniya, "dahil d'on e mas napalapit ako kay Kael. Pati rin kay Nora. Halos maging magkapatid na kami. Lalo na n'ong maging kami na ni Kael."

"Yeah, buti na lang at nasa gitna n'yo si Kael, sinamahan kayo sa gitna ng bagyong Pedro," natatawa kong sabi. Ilang sandali kaming tahimik nang maisip kong sabihin ang napagtanto ko noong mamuhay akong mag-isa. "Alam ko ring minahal talaga kita." Tumingin ako sa kanya, nakatingin lang siya sa akin. "I mean, you healed me. Hindi 'yun mangyayari kung joke time lang 'yung naramdaman ko sa'yo." Tumango lang siya bilang tugon. "Kaya – medyo late man – gusto kong magpasalamat sa pagdating mo sa buhay ko. Siguro e 'yung role mo sa kwento ko e pagalingin 'yung sugatan kong puso para magmahal ulit ako, kahit pa hindi ikaw 'yun."

"Ang lungkot naman ng sinabi mo," aniya, nakakunot ang noo pero nakangiti.

"Sorry, it's not supposed to sound sad!" paumanhin ko, "I'm just...I appreciate your presence, Wendy. Salamat sa pagdating sa buhay ko."

Ngumiti siya at bahagyang tumungo.

"Congrats ulit sa inyo ni Kael," sabi ko to end it on a happy note.

"Salamat ulit," pagtanggap niya. "Anong balak mo n'yan?"

Talaga bang masyado akong naging padalos-dalos dati para tanungin nila akong lahat kung anong balak kong gawin? Sumagot pa rin naman ako. "May isa pa akong gustong makausap."

"Sino?"

"Si Anna," sabi ko. "Malaki-laki kasalanan ko sa kanya e. Kung gusto kong ayusin 'yung hinaharap ko, kailangan kong ayusin 'yung nakaraan ko sa kanya."

"Good call," aniya, "kundi e bubugbugin ka na naman ni Nora."

Nagtaka ako. "Alam mo na 'yung detalye na 'yun?"

"Yes," aniya. "Sabi ko naman sa'yo, para na kaming magkapatid ni Nora."

"Ahh." Kaya pala parang hindi na siya masyadong nagulat nang makita niya ako kanina, at hindi na rin niya tinanong 'yung mangilan-ngilan kong pasa sa mukha.

"May hihilingin lang ako, Pete."

"Ano 'yun?"

"Bilisan mong ayusin gusot n'yo ni Nora," pinagdikit niya ang mga palad na parang nagdadasal, "baka pumangit lasa ng wedding cake namin ni Kael."

Natawa ako. "Don't worry, sisiguraduhin kong magkakabati kami, kahit before February pa."

"Salamat!" aniya.

"Ah," bago ko malimutan e binati ko siya sa isang bagay na naabot niya, "congrats sa pagiging CPA."

"Salamat," ngiti niya sa akin. "Though naiinggit ako sa'yo, published ka na!" Nabanggit na rin pala ni Nora 'yun. Napailing na lang ako.

Umakyat na si Kael para tawagin kaming kumain. "Ano, may tututol ba sa kasal natin?" tanong niya kay Wendy.

"Marami," patol ni Wendy sa asar ng fiancé. Instant third wheel ako sa kanilang dalawa.

Natapos ang araw kong nalimutan ko ang pangalan ko sa sarap ng nilutong adobong pusit ni Kael, at sa pagbibigay ni Wendy ng improvised invitation sa kasal nila na isinulat niya lang sa kapirasong table napkin.    

PagesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon