"Parang libro ang buhay ng isang tao.
At sa librong 'yun, siya lang ang may karapatang magsulat.
Sulat lang nang sulat.
Hanggang sa matigilan siya, dahil mamamalayan na niyang
may isa pang panulat na nakasingit sa ilang pahina ng libro.
Para kanino 'yun? Siya ang bahalang pumili.
Basta, kailangang maging handa siyang
magkaroon ng dalawang writer ang libro niya,
hindi lang siya.
Bibigyan niya ng panulat
ang isang taong pagkakatiwalaan niyang magsulat din sa buhay niya.
At kailangan niyang matanggap ang magiging resulta noon."
BINABASA MO ANG
Pages
General FictionHindi naman masyadong romance itong kwento ko. More on a big chunk of a writer's life, na karamihan e may kinalaman sa pag-ibig na nagpaikot sa buhay ko (both in a dizzy and functional way). O baka hopeless romantic lang talaga ako. Ewan.