Page 65

14 1 0
                                    

"SIGURO AY GAYA ng dati, tatanggihan mo ulit ako."

Nag-"AWWW..." ang mga tao sa sinabi ng lalaki.

"Pero gaya pa rin ng dati, hindi ako titigil na ligawan ka. Kung kailangan kitang suyuin nang habambuhay, gagawin ko, dahil kailangan kita. Kung—"

Natigil ang pagsasalita ng lalaki nang makita niya akong malapit na sa dance floor. At ang lahat ay tumingin na sa akin. Pati na rin si Nora. Ang mga mata niya ay may kakaibang hatak sa akin na parang gusto niya akong hablutin siya mula sa kanyang pwesto. Maya-maya pa, mula sa kaliwa ko, may nag-abot ng isang wireless mic. Sinasabi ba nilang maglitanya rin ako? Suddenly, it became a competition. Patuloy lang sa pagtugtog ang piano.

At sa atmospera, alam kong dapat ko ring labanan sa salita ang lalaki, for the entertainment of everyone. Pero hindi nila ito araw—araw ito ni Nora, kaya para sa kanya ako kikilos. Wala akong pakialam kung nasira ko ang diskarte ng lalaki. Wala akong pakialam sa iisipin ng iba. Wala na akong pakialam sa lahat ng bagay sa mundo. Sa pagkakataong 'yon, dalawang katotohanan lang ang lumulutang: si Nora ang kailangan ko, at kailangan ako ni Nora.

Naglakad na ako palapit sa kanya, iniabot ang puting rosas na naguguluhan niyang tinanggap. Nakatitig ako sa kanya, at nakatingala siya sa akin, nag-aabang ang bahagya niyang nakabukas na mga labi, may hinihintay ang kanyang mga mata.

Tumingin ako sa lalaki, na nakatunganga lang sa amin, hawak ang isang bungkos ng pulang rosas at ang kanyang pusong ginawa na ang lahat hanggang sa mga pagkakataong 'yon. Pero marahas ang pag-ibig, at dadaanan n'on ang lahat masunod lamang ang hilig nito. Oo, maski pa masagasaan ang puso ng iba. Tinapos ko na ang paghihirap niya.

Itinapat ko ang mic sa bibig ko. "Hindi nadadaan si Nora sa salita. Believe me, I'm a writer." Tumigil ang mundo ng lahat ng naroon, maski ang piano ay tumigil na rin. Tumingin ako sa mga mata ni Nora. Hinuhukay niya ang isipan ko. Hinayaan ko siya.

Sa panliligaw, dapat marahas ka. Maingat, oo, pero marahas. Kung magagawa mo 'yon, mapapasagot mo ang nililigawan mo. Dahil magagawa mo lang ang mga 'yon nang sabay sa taong mahal mo talaga. Ibinagsak ko ang mic na gumawa ng malakas na feed back, at napangiwi kami ni Nora, pero hindi naaalis ang tingin namin sa isa't isa. Tapos ay napangiti ako. At napangiti rin siya. Gusto ko siyang halikan sa pagkakataong 'yon dahil napakaganda niya. Pero mas pinili kong hatakin na lang siya palabas sa lugar na 'yon, patungo sa kung saan siya makakahinga nang maluwag.

~*~

"Salamat, Peter," sabi ni Nora. Naglalakad kami sa isang parke na ilang minutong byahe ng motor ang layo sa Kucina. Pinaliliguan kami ng liwanag ng buwan, sinasabayan sa paglalakad ng mga bituwin.

"Salamat saan?" tanong ko.

"Hindi talaga ako komportable sa mga gan'on," sabi niya.

"Saan?"

"Sa public...confessions? Tama bang term 'yun?"

"Ewan ko," sabi ko.

"Ano ba 'yan, writer ka ba talaga? Dapat marami kang alam sa gan'on," reklamo niya. She's a bit jollier than before, na parang bumabalik na ang dating Nora na nakilala ko. Siguro ay nakainom na nga siya nang bahagya, though hindi ko naman maamoy 'yung alak sa hinga niya.

"Alam mo kung ba't 'di ka komportable sa mga gan'on?"

Tumingin siya sa akin. "Bakit?"

Tumingin ako sa kanya; napatitig saglit sa mga balikat niyang malayang dinadampian ng malamig na hangin. Sinagot ko siya, "Kasi 'di mo naman sila gusto. Effective lang 'yung romantic gestures kung may romance na in the first place."

PagesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon