NATATAWA AKO SA term na "hopeless romantic." At natatawa ako sa mga taong kinakabitan ng mga salitang 'yun—mga masyadong idealist, mga masyadong madrama sa pag-ibig, masyadong expressive. Oo, alam ko, naging ganoon ako dati kay Anna. Hindi ko naiwasang maging mapangarap para sa kanya, tungkol sa kanya, at tungkol sa amin. Totoong ginusto kong ibigay lahat sa kanya, maski pa ulap o mga bituwin (kahit man lang metaphorically). Pero anyare? Eto, magkasama kami sa bahay pero hindi dahil sa mag-asawa kami. Magkasama kami sa iisang kwarto pero hindi dahil kasal kami. Tinitiklop niya mga damit ko pero hindi dahil asawa ko siya. Nakakatawa. Pinangarap ko 'yung ganitong sitwasyon dati, pero hindi sa ganitong konteksto.
Habang nagtitiklop siya at ako e nakatitig sa kanya, hindi ko napigilang magtanong, "Alam mo namang driver lang ako dito, 'no?"
Napatingin siya saglit sa akin, at sumagot, "Oo. Bakit?"
"'Di mo naman kailangang gawin 'yan sa mga gamit ko," sabi ko. Hindi siya tumugon. Imbes na kulitin pa siya, nagpasalamat na lang ako, na nginitian niya lang. Nagbalik ako sa sinusulat ko: Days of Ghost. Well, brainstorming pa lang naman ginagawa ko, at hindi ko pa naitutuloy 'yung chapter; sa bagay, part naman ng pagsusulat 'yung proseso ng pakikipagbuno sa sariling utak.
Anyway, hopeless romantic.
Iniisip ko kasi kung pwede kong gawing hopeless romantic 'yung bidang babae doon, na despite ng kalagayan niya bilang "Tagasundo" e may mga mararanasan pa rin siyang kilig moments sa mga paghahatiran niya ng kamatayan—na medyo dark kung tutuusin. Alam mo 'yun? Mamamatay na lang 'yung tao mahahanapan pa niya ng kakikiligan? Malaki magiging role ni Jeric sa mga mararamdaman n'ong bida, at oo mangyayaring iibig siya sa lalaki kahit pa sa ganoong sitwasyon. Kasi nga, "hopeless romantic".
Ngayon, challenge sa akin na gawing nakakakilig 'yung kamatayan, or at least makulayan pa rin 'yun ng pink. O imposible bang kiligin sa dalampasigan ng pamamaalam? Na sa kalaliman ng kamatayan, totoong pag-ibig lang ang mahalaga at hindi mga superficial fleeting feelings tulad ng kilig? Ano kaya? Goal ko sa kwentong ito na ipakitang pwede pa ring ipakita ang ka-cute-an ng pag-ibig kahit pa sa mga madidiliim na bahagi ng buhay ng tao...o, baka sa madidilim na bahagi ng buhay niya, makakapagpakita lang siya ng tunay na pagmamahal? Ano bang alam ko? Ano bang alam ko sa pagsasama ng kamatayan at pag-ibig? Ah. Si Mama. Naaalala ko na naman si Mama. Kaunti na lang maiisip ko nang si Mama inspirasyon ko sa Days of Ghost.
Kaso sa pagkakaalala ko, walang nakakakilig sa pagkakataong nawala na siya sa amin. Hmm. Ituloy ko pa ba 'yung gusto kong itahak sa kwento? Sa bagay, dahil lang naman kay Wendy kaya parang gumigiya 'yung kwento sa romance e. Walastik, dapat nakahiwalay katauhan ko sa kwento ng mga isinusulat ko e. Kaso wala e, tao lang ako e. Sumpa na naman siguro sa isang manunulat na tao lang siya, social animals na apektado ng paligid. But then, tao siya kaya nagsusulat siya, kasi nga apektado siya ng paligid. Sumpa talaga.
"Ano'ng iniisip mo?" tanong sa akin ni Anna, nag-aayos naman ng mga gamit niya.
"'Yung sinusulat ko," sabi ko.
Tumingin siya sa akin saglit. "Inaabot mo na 'yung pangarap mo; nakakatuwa."
Napaisip ako: pangarap ko na bang maging writer kahit noong high school pa? Ang alam ko e nagustuhan ko lang talagang maging manunulat noong time na nag-drop na ako sa college. Pero na-realize ko, generic lang naman 'yung sinabi niya. Na nakakatuwang inaabot ko na pangarap ko—maski anumang pangarap 'yun. Hindi ko alam kung bakit ko pa pinag-isipan 'yung sinabi niya. Pero, bigla kong naisip: Bakit siya, hindi niya abutin pangarap niyang maging teacher? Bakit siya nandito sa bahay at pumapasok bilang yaya?
"Ano?" tanong niya sa akin, nakatitig na pala ako sa kanya.
Tinanong ko na rin siya, "Ba't nagyaya ka?"
"Ano'ng masama sa pagiging yaya?" defensive niyang tugon.
"Wala," paglilinaw ko, "pero teacher pangarap mo, 'di ba?"
Napaisip siya, "'Yun ba sabi ko sa'yo dati?"
"Well, it's definitely not being a maid."
"Ba't naman?"
"Maarte ka e," sabi ko, sa pabirong paraan.
Nakuha naman niyang biro 'yun, "Grabe, maarte talaga?"
Tumawa kami saglit, at nangingibabaw ulit ang katahimikan. Pero na-curious talaga ako. "Pero, seryoso Anna, ba't 'di ka mag-aral?"
Napaisip siya saglit, at sumagot, "May mas mahalaga na kasi sa'kin ngayon kaysa sa pangarap ko."
"Ano?" tanong ko.
"Hindi 'ano'; 'sino'," paglilinaw niya.
Nag-isip ako saglit. "Asawa mo?" Pagkasabi ko noon parang biglang may bumara sa lalamunan ko. It's not bitterness, alam ko; it's just a sense of pride na natapakan dahil sa katotohanang akin siya dati. Hmm. Sa tingin ko maling sabihing naging "akin" siya. I didn't – and don't – own anyone.
Natawa siya. "Hindi. Wala akong asawa."
"Magulang? May nangyari ba kina Tita?" tukoy ko sa mga magulang niya—at malamang 'yun, kasi alam ko mayaman sila kaya hindi nila hahayaang magtrabaho si Anna ng ganoon kung wala namang nangyari sa kanila.
"May nangyari," sabi niya, "pero, no, hindi sila." Huminga siyang malalim, at umamin, "Mas mahalaga ngayon sa'kin 'yung anak ko."
Nanlaki mga mata ko, hindi makapaniwala sa sinabi niya. Biglang kumambyo isip ko na nangyayari naman talaga sa panahon ngayon na maagang nabubuntis ang mga dalaga. Pero si Anna? Paano siya nagkaanak e wala naman siyang asawa? Then, bam! Bigla akong binuhusan ng malamig na tubig. "A-ako ba ama?"
Napatitig siya sa akin...at biglang namula at tumawa. "Tungaks! Hindi naman natin ginawa 'yun!"
"Ang alin?" walang ideya kong tanong.
Natawa siya lalo, at diretso niyang sinabi, "Hindi tayo nag-sex!"
Nasamid ako ng sariling laway sa sinabi niya. Samid na nauwi sa coughing fit. Lumapit siya sa akin at tinapik-tapik likod ko. Pagkatapos kong mahimasmasan, umupo siya sa lamesa ko, dalawang piye ang layo sa akin.
Hindi ko napigilang itanong, "Pero wala kang asawa?"
"Wala," aniya, "tinakasan ako ng mokong."
Nagpalatak ako ng dila. "Mga lalaki talaga, 'no?" Ngumiti lang siya.
Tapos, sabi niya, "Sana pala nag-sex na tayo n'on, 'no?"
"Gago," lang naitugon ko nang hindi sinasadya. Maglalagay na lang akong sampung piso sa Swear Jar mamaya.
Pero seryoso siya. "Kung ikaw naging ama ng anak ko, siguradong lilingkisin na kita." Napangiti akong bahagya sa sinabi niya kasi totoo 'yun, napaka-clingy kasi niyang babae. "Kung ikaw 'yun, alam kong aalagaan mo kami nang maayos."
Napasandal ako sa upuan at tinitigan siya, at tumingin siya pabalik. "Masyadong mataas tingin mo sa'kin," sabi ko. Ngumiti lang siya, at nag-iwas ng mga matang bahagya nang naluluha. "Kumusta anak mo? Ini-spoil ba nina Tita?" tanong ko na lang.
"Sa tingin mo magta-trabaho ako kung gan'on sitwasyon n'ya?" tugon niya—oo nga naman. So, mukhang tabingi sitwasyon nila ng mga magulang niya. Nagpatuloy siya. "'Tinakwil ako ni Daddy; kahihiyan daw ako sa pamilya. Totoo naman, tanggap ko naman 'yun. Pero sana hindi nila idamay anak ko." May halong hinanakit sa boses niya, pero hindi 'yon para sarili niya kundi para sa anak niya. "Pero don't worry, nasa mabuting kamay s'ya. Si Papa lang naman ayaw sa'kin; si Mama, hindi ako natiis kaya kumuntyaba ng isa kong tita para alagaan si Reann."
"'Reann'? Name ng anak mo?" tanong ko.
"Yes," aniya. "Gagawin ko lahat para sa kanya."
Napagtanto ko sa pagkakataong 'yon na hopeless romantic ang mga nanay sa kanilang mga anak—to say such cheesy things. Tumingin siya sa wallclock, at niyaya na akong maghapunan.
BINABASA MO ANG
Pages
Ficção GeralHindi naman masyadong romance itong kwento ko. More on a big chunk of a writer's life, na karamihan e may kinalaman sa pag-ibig na nagpaikot sa buhay ko (both in a dizzy and functional way). O baka hopeless romantic lang talaga ako. Ewan.