DINAMPOT NI TATAY ang regalo ko at inalog-alog ito habang pinakikinggan ang nasa loob, at muling inilapag kung saan ito dinampot. "Napakakuripot mo talagang bata ka."
"Nagmana po 'ko siguro kay Mama, 'no?"
"Oo, mas malala 'yun," aniya. Ang inaasahan ko e magugulat siya na ako pa unang nagbukas ng kwentuhan tungkol kay Mama, pero siguro e hindi na kailangan 'yun. At inaasahan ko ring magkakagulatan kami, magkukumustahan nang masyadong melodramatic, pero siguro e hindi na rin namin kailangan 'yun. Sumenyas siya na sumunod ako sa kanya. Sumunod ako sa kanya.
Nagpunta kami sa mas tahimik na lugar, sa labas, sa may likuran ng kusina ng Kucina. Malamig at tahimik ang gabi, parang natutulog na ang mga insekto. Kumikislap sa langit ang mga bituwing maayos lang na nakakasilip dahil hindi masyadong polluted ang lugar, at ang buwan ay nakatago marahil sa ilang mantsa ng mga ulap.
"Ilan na nabebenta mo?" tanong ni Tatay pagkaupo namin sa isang banko doon na gawa sa kahoy. "'Yung libro mo," paglilinaw niya. Alam na rin niya. Sino kaya ang nagsabi? Malamang si Kael.
"Huli ko pong balita nasa sandaang libo na po," sabi ko.
"Bale 'yan na talaga kinabubuhay mo? 'Yang pagsusulat?"
"Opo," tugon ko, na hindi ko naiwasang tapusin sa isang ngiti. Tumango lang siya.
Ilang minuto kaming tahimik, na medyo nakakailang kung tutuusin. Pero sa presensya ng tatay ko, parang mas gusto ko ang katahimikan. Hindi naman kami masyadong nag-uusap talaga kahit dati pa, siguro dahil na rin puro tungkol kay Mama ang gusto niyang ikwento pero ayaw kong makinig. Hanggang sa nakasanayan na.
"Congrats, 'Nak," pagbasag niya sa katahimikan. "Namunga rin pagtitiis mo."
"Salamat, 'Tay," sabi ko. "'Di ko magagawa 'yun kung 'di n'yo po 'ko pinayagan."
"Buti na lang; kundi e pinagsisihan ko nang hinayaan kita d'yan," he exhaled in relief. "Buti nagtiwala ako sa'yo." Mula sa peripheral ko nakita kong lumingon siya sa akin, kaya napalingon din ako sa kanya. "Magtiwala ka rin sa sarili mo, ngayong may pinagdadaanan kang mahirap na pagpipilian."
Alam na ni Tatay...o mas mabuting sabihing ramdam niya; hindi ko na kailangang ipaliwanag ang tungkol sa dilemma ko. Huminga akong malalim, tumingala sa eleganteng kisame ng mundo. "Sa tingin n'yo okay lang 'yun?" Hindi siya sumagot. "Feeling ko po kasi sa pagsusulat lang ako makakapagdesisyon nang tama e."
"Pa'no mo ba masasabing tama desisyon mo?"
Nagkamot ako ng manipis na balbas. "'Pag 'di n'yo 'yun pinagsisisihan?"
"Ilang taon na simula nang mag-drop ka sa college?"
Hindi ko alam kung para saan ang tanong ni Tatay, pero sumagot pa rin ako. "Hmm... seven years?"
"Sa loob ng pitong taong 'yun, 'di mo ba naisip na sana e pinagpatuloy mo 'yung pag-aaral mo?"
"Dumating din po."
Tumango siya. "Masasabi mo bang pinagsisisihan mo desisyon mong mag-drop?" Umiling ako—walang bahid ng duda sa sagot ko. "Ngayon, tama ba 'yung desisyon mong 'yun?"
Pumihit saglit ang utak ko—hindi ibig-sabihin na tama na ang desisyon ko e hindi ko na 'yon pagsisisihan. At, hindi ibig-sabihin na mali ang desisyon ko e pagsisisihan ko na. Of course, maling mag-drop sa college. Pero, hindi ko 'yun pinagsisisihan. Pero bakit? Bakit wala akong maramdamang guilt sa paglaglag sa college? Well, syempre kasi writer na ako. E paano kaya kung hindi ako naging writer? Ngayon kaya e pinagsisisihan ko na ang pagtigil sa pag-aaral?
The answer is a resounding "No". Sigurado ako ngayong nagkukumahog pa rin ako sa isang maliit na apartment, pilit jina-juggle ang pangarap at ang tungkulin kong mabuhay. Siguradong ngayon e nagtitiis pa rin ako.
BINABASA MO ANG
Pages
General FictionHindi naman masyadong romance itong kwento ko. More on a big chunk of a writer's life, na karamihan e may kinalaman sa pag-ibig na nagpaikot sa buhay ko (both in a dizzy and functional way). O baka hopeless romantic lang talaga ako. Ewan.