Page 29

14 1 0
                                    

NOONG MABASA KO 'yung "Si" ni Sir Bob, ang unang-unang umukit sa utak ko (at maski siguro sa lahat ng nagbasa noon) e 'yung reminiscing-type na pagkakasulat ng kwento. Alam kong maraming-marami nang sumulat sa ganoong paraan—'yung reversed timeline—pero first time kong ma-encounter 'yun sa "Si", kaya talagang tumatak sa akin.

Reversed timeline.

Noong matutunan kong i-undevelop 'yung mga characters ko, napagtanto ko ring pwedeng unahin ko munang isipin 'yung dulong plot ng kwentong gustong magpasulat sa akin. Pero to think na pwede rin palang umpisahan 'yung kwento sa mismong dulo at tapusin sa mismong umpisa, nagulantang ako. Simula noon e lagi ko nang iniisip kung paano matatapos 'yung kwento ko—hindi 'yung kwentong sinusulat ko o susulatin ko pa, kundi 'yung mismong buhay ko. Nakaupo ba ako sa wheelchair, sa gitna ng mga mahal ko sa buhay, sa tahanang napupuno ng mga asul na lobo na parang dagat? O magse-72nd birthday ako sa isang kanto, gusgusin, walang nakakakilala sa akin kahit mismong ako? O hindi na ako aabutin ng ganoong taon kasi lalamunin ako ng pagsusulat?

At sino kaya siya? Sino ang Victoria ng buhay ko?

Siguro kung nitong nakaraang Lunes ko tatanungin 'yung sarili ko, ang isasagot ko e si Wendy, though alam kong masyado pang maaga para malaman ko kung siya na nga ba o hindi pa 'yung magiging kabiyak ng kaluluwa ko (hindi naman kasi ako hopeless romantic). But still, wala akong ibang maiisip kundi siya. Pero ngayong Biyernes, my supposedly PA Day 4, nawindang ang katawan, kaluluwa, at espiritu ko. At naguluhan ang puso ko kung ano ang dapat niyang maramdaman. Tumingin siya sa utak ko para maghanap ng tamang daan. Tumingin lang sa akin 'yung utak ko para mabigyan man lang siya ng opinyon. Tumingin ako sa puso ko para maghanap ng tamang input. Sabay-sabay lang naming inismiran ang isa't isa.

Umaga ng Biyernes, kumain ulit ang Buendia Residence sa katahimikan dahil pa rin sa kakaibang tensyon sa pagitan nina Nora at Kael na hindi naman nila pinag-uusapan o inuungkat man lang. Pero tulad din kahapon, masaya ang mood ni Nora sa pagpasok dahil pa rin sa mga Winnie-the-Pooh na nakasabit sa mga game booths. Tinawag ulit kami ni Coevhier, "Sir, isang game ulit para sa maganda n'yong girlfriend?" tukoy niya kay Nora na nakatingin lang ulit sa mga stuffed toys na nakasabit.

Gusto ko na sanang itama ang mali niyang akala na nobya ko si Nora, pero ang sinabi ko lang, "Okay na sa kanya 'yun." Tapos napatingin ako kay Nora at tinaasan ng kilay para tanunging, "'Di ba?". Nginitian niya lang ako para sumang-ayon. Nagpaalam na kami kay Coevhier at lumabas na sa mga booth pagkatapos tumingin-tingin ni Nora.

Pero pagkalabas na pagkalabas namin, sinalubong kami ng isang grupo ng limang babaeng nagliliwanag sa insecurity kay Nora. Kasama roon 'yung tanging babaeng tumuya sa kanya sa nakaraang practicum nila ng paggawa ng tart. At ito ang nagparinig sa amin: "Kaya pala ayaw sa isang prinsipe, hamak na kutsero lang pala ang gusto." Hindi ko kaagad nalaman na kami pala pinatatamaan niya kasi dire-diretso lang si Nora sa paglalakad at hindi sila pinapansin. Pero nang sabihin nito, "Kaya siguro ayaw kay Prince Tony kasi low-class scum lang kaya n'yang abutin," huminto sa paglalakad si Nora at humarap sa kanila.

Nginitian niya ang mga ito at pinamungayan, at sinabi, "Kung gusto n'yo si Tony, isaksak n'yo na s'ya sa bunganga n'yo. Gawin n'yo ha? Mukhang d'on lang kayo sasaya, e." At umalis na. Natigilan ang mga babae. Natigilan din ako. Alam ko namang mataray si Nora sa mga tamang pagkakataon, pero sa time na 'yun e feeling ko parang ginawa niya 'yun para ipagtanggol 'yung "kutserong" "low-class scum" na binanggit nila...kung sinuman 'yun.

Wala na sa mood si Nora, pero na-curious talaga ako. "Sino 'yung sinasabi nila?"

"Sinong 'nila'?"

"N'ong mga babae, 'yung nagsabing gusto mo raw e low-class kutsero lang."

Tumingin siya sa akin, "Pinagtutuunan mo sila ng pansin? Basta may itsura talaga, pag-aaksayahan mo ng nerve cells."

Tumanggi ako. "Hindi naman. Curious lang ako d'on sa sinasabi nilang nagugustuhan mo raw. Pa'no nila nalaman 'yun samantalang ako e 'di ko alam?"

Bahagya siyang natawa. Tawa na hindi makapaniwala. "'Wag mo nang tanungin, Pete. Tsismis lang 'yun."

Napakunot-noo ko. Lalo lang ako naging curious. Pero bago ako makapagtanong ulit, may humarang na namang isang grupo ng mga babae, apat sila. Pero hindi tulad ng unang grupo, nagliliwanag 'yung mata nila na nakatingin sa aming dalawa. Fans ni Nora.

At obvious 'yun sa mga tulakan nila sa isa't isa kahit literal na dalawang metro na lang layo nila sa amin. Tumigil si Nora sa paglalakad at nginitian sila. Nagtilian 'yung tatlo at naitulak na nila nang tuluyan 'yung nasa harap nila. "Ah...ah..." sabi ng dalaga, nakatitig sa kanya, tapos dahan-dahan akong itinuro, tapos dahan-dahang tumingin sa akin, tapos tumitig na parang gustong kabisaduhin 'yung mukha ko. Nag-aalangan at nahihiya itong ngumiti na parang naiihi sa kaba, "Am'pogi n'yo pong driver, kuya."

"What?" natatawa kong tugon. Pogi naman talaga ako (ehem), pero not in the way she had said it na parang heartthrob ako o kung anuman. At paano niya nalamang driver ako?

"Ano'ng kailangan mo?" bawi ni Nora sa pansin ng babae, medyo wala pa rin sa mood. Naramdaman 'yun ng babae at umayos ng tayo.

Tumikhim muna ito, bago dahan-dahang ngumiti ulit dahil sa kilig, at biglang nagtanong, "Boyfriend n'yo po s'ya?" Narinig kong nagtilian 'yung tatlong kasamahan niya. Tapos, noon ko lang napansin na may ilan na ring tumigil na mga estudyante sa paligid at nakatingin sa amin. Big time talaga si Nora for her to merit that kind of attention from her fellow students. Pero bakit inaakala nila na boyfriend niya ako? Porke't sinasamahan ko siya lagi nitong nakaraang, what, apat na araw, boyfriend na niya ako? Ah, saglit lang. Ako ba 'yung low-class na driver na gusto raw ni Nora? Matatawa lang sana ako dahil sa absurdity ng idea na may gusto sa akin si Nora. Pero kinabahan ako. Kinabahan ako at hindi ko alam ang dahilan kaya lalo akong kinabahan.

Napatingin ako kay Nora nang sumagot siya, "Hindi ko s'ya..." at napatingin siya sa akin bago itinuloy ang sasabihin, "...hindi n'ya 'ko girlfriend." Hindi ko alam kung ano mayroon sa pagsasalita niya o kung bakit malungkot mga mata niya, pero nakaramdam ako ng kirot sa puso ko. Hindi dahil nasaktan ako, kundi dahil...nasaktan siya. Huh? Bakit ko naramdaman 'yun? At bakit siya masasaktan?

Nabawi 'yung isip ko nang magsalita ulit 'yung babae, "E, ano po 'to?" kasabay ng paglabas ng phone at pagpapakita sa amin ng isang picture. Naka-post sa Fb ang isang picture namin ni Nora: siya, nakatago at nakayakap sa likod ng isang malaking Winnie-the-Pooh pero kita pa rin na bahagyang nakangiti habang nakatitig sa akin, at ako, na kahit nakatalikod mula sa anggulo ng camera e mukhang nakatingin sa kanya. Kinuha ko 'yung phone at tinitigan itong maigi. That's definitely us, pero may kakaiba kay Nora sa picture na 'yun kaya hindi ko siya kaagad nakilala. Malinaw 'yung kuha, at malinaw sa mata niya na may kakaibang pagkinang na halos mukhang photoshopped na. Nang mabasa ko ang caption ng picture, nag-init 'yung katawan ko na mabilis kong isinisi sa sikat ng araw.

Kinuha ni Nora 'yung phone sa kamay ko at ibinalik sa babae, at nilinaw, "Mali 'yan." At agad siyang umalis. Hindi ako kaagad nakagalaw dahil sa naguluhang utak, pero agad din naman akong sumunod sa kanya. Mabilis siyang naglalakad, pero nakasabay pa rin naman ako. "Mali 'yun," sabi niya.

"'Yung alin?" paghingi ko ng linaw.

"'Yung picture," aniya.

"Yeah," sabi ko. Pero lalo lang bumaon sa utak ko 'yung picture, 'yung hindi ko maintindihang emosyon sa mata niya roon at sa bahagyang pagngiti, at 'yung pagpupumilit na ang paliwanag sa hindi ko maintindihang emosyon na 'yun e 'yung mismong caption ng picture.

"Pete," tawag niya sa atensyon ko, at kinabahan ako. Walastik, bakit ako kinakabahan kay Nora?! "Ano...papasok na 'ko. Bye!" Naglakad na siya, hindi nagmamadali o ano, pero parang pinipilit niyang umeskapo sa presensya ko. Nang makapasok na siya sa building, nang mawala na siya sa paningin ko, nakahinga na ako nang maluwag. Pero lintik pa rin sa lakas ng tibok ng puso ko!

~*~

Our Princess from the Pastry Arts, Nora Buendia, 3rd year, has her eyes filled with sweetness. This... this is the image of her heart being stolen. Wala na! Sorry, guys! Better luck next time!    

PagesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon