Page 55

13 1 0
                                    

SA NAGING HULI kong part time, madalas ng mga kumukuha ng serbisyo ko ay mga lalaking wala na sa sariling katinuan kaya hindi na alam kung paano makakauwi. Kaunti lang ang mga babae. Pero sa lahat ng naging customer ko, isang babaeng customer ang tumatak nang maigi sa isip ko.

Tinawagan niya ako, at pinapunta ako sa isang parking lot na sigurado akong hindi ko nabisita kahit kailan para lagyan ng contact info ko. Pumunta pa rin naman ako; ang naisip ko e baka nadampot niya lang sa kung saan 'yung card na isinisingit ko lang din naman sa mga kung saan-saang kotse.

Pagdating ko doon, nakita ko siyang nakaupo sa hood ng isang pulang sedan, habang nakatuon sa kanya ang isang lalaki. She was making out with him torridly, na hindi ko alam ang gagawin ko. Naisip kong baka naman mali lang ako ng napuntahang kotse, pero doon tumuturo ang lahat ng mga landmark na sinabi niya sa akin: pulang sedan sa ilalim ng neon signage ng babaeng nakahiga at nakahawak sa isang cocktail glass, sa gitna ng dalawang poste na ang isa ay pundi, malapit sa gutter, may malaking basurahang itim na kadikit na ng sidewalk, at ilang halaman sa pader ng bar. Nang sinabi niya ang mga landmark na 'yun, naisip kong baka hindi naman niya kailangan ng driver. Pero pumunta pa rin ako, sayang din ang bayad.

Kaso nga, ayun, halos nakikipagtalik na siya roon (kulang na lang e maghubad na sila), hindi alintana 'yung ilang mga dumaraan. Aalis na sana ako nang makita kong napatingin siya sa akin; pinatigil niya ang lalaki at lumingon siya sa akin. Kumirot 'yung puso ko nang makita ko ang mukha niya: si Anna. Pero mabilis kong napagtantong kahawig lang talaga niya 'yun. Mas matanda ang mukha niya, mas malusog, mas maputi. I think she was in her forty's, na hindi naitago ng makapal na make-up. Pinalapit niya ako sa kanila, habang nakasabit pa rin ang mga braso sa leeg ng kahalikan niya. Napatingin sa akin ang lalaki, at nagulat akong mukha itong mas bata nang twenty years sa kanya. Pero agad din 'yung nagbalik sa babae at sinubukan siyang halikan, pero itinulak lang niya ito. Bumaba siya mula sa pagkakabukaka sa hood, kumuha ng wallet sa bitbit na maliit na bag, kumuha ng sanlibong piso sa wallet, at ibinigay ang sanlibo sa binata. Pinaalis na niya ito na agad din namang umalis, ibinubulsa ang sanlibong piso. Sinundan ng babae ng tingin ang binata, bago humarap sa akin.

"Hi, Peter," bati niya sa akin. Mas sweet ang boses niya kumpara kay Anna, at mas malamlam ang mga mata. Naisip ko slightly na mas bata talaga siya kumpara sa una kong hinala.

"Hi," bati ko sa kanya. Lumapit na ako sa kanya at inilahad ang palad. "Akin na 'yung susi, ihahatid na kita."

Tinignan niya ang palad ko, napangiti, at mapang-akit na nag-angat ng tingin sa akin. "Straight to business—I like that." Hindi naman ako nagpatinag at ngumiti lang din ako pabalik. Hinawakan niya ang kamay ko at naglakad siya, kaya nahatak na rin niya ako sa paglalakad. Magkahawak ang kamay naming naglakad palayo sa bar, papunta sa kung saan. Bakit hindi ko inalis ang kamay niya? It was chilly, at medyo parang naninigas na. Hindi ko binitawan ang kamay niya para mainitan man lang 'yun. Tsaka, kahinaan ko talaga ang agresibong babae kaya hindi ko rin alam gagawin ko. So I let her.

Habang naglalakad, nagtanong siya: "Sa'n galing pangalan mo? 'Peter'. Sa apostol ba ni Kristo?" Hindi ko alam kung ano ang mayroon sa sinabi niya, pero nailang ako bigla na parang hindi bagay sa bibig niyang banggitin ang pangalan ng Diyos. "You should not be proud of your name. Mas malala 'yung ginawa n'yang pagtatwa sa kaibigan n'ya – three times at that – kaysa sa ginawang pagtatraydor ni Hudas." Pinisil niya ang kamay ko na para lang siyang naglalambing. Her actions were too far away from her words—I was disoriented. Kaya sa pagkakataong 'yon, tinanggal ko na ang kamay niya. Napatingin siya sa akin at ngumiti lang, at biglang lumiko sa isang convenient store. Sumunod ako sa kanya.

Bumili lang siya ng isang pakete ng bubble gum at nagpasamang umupo sa tapat sa isang bench. Inabutan niya ako ng isa. Hindi ko 'yun kaagad tinanggap. "Ihahatid na kita," sabi ko.

PagesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon