Page 57

18 1 0
                                    

ELIZABETH. MAGANDA BANG pangalan ang Elizabeth? Elizabeth kasi naisip kong pangalan ng heroine ng Bubble Gum.

Elizabeth is an easy girl.

Halata sa dami ng kanyang naging syota na madali lang siyang madagit. Naka-plaster silang lahat sa lahat ng kanyang social media accounts. At parang proud pa siya sa ganoon dahil naka-plaster din ang ngiti niya. Tinagurian na siyang "slut", "whore", "kaladkarin", at kung anu-ano pang tawag na ikaiinit na ng ulo ng mga feminist. Pero maski mga feminist e hindi siya ipagtatanggol dahil sa sama ng reputasyon niya.

Singer si Elizabeth. Pero ang mic na hinahawakan niya ay unti-unting napalitan ng ari ng mga lalaki. Mga lalaki. Dahil hindi siya nagkakasya sa isa. Dahil higit sa isa ang kasya sa kanya.

Pornstar si Elizabeth. Hindi siya professional, pero mas sikat pa siya sa ibang hindi naman kilala. Maganda siya at madaling maalala ang mukha, madaling maalala ang hugis ng katawan, madaling malawayan ang balat, madaling paglabasan ng naipong pita ng pagnanasa, babae man o lalaki, may ngipin man o wala, mataba man o payat. Lahat. Lahat sila ay pinagnasahan na si Elizabeth.

Wala nang kaluluwa si Elizabeth. Dahil kung meron, paano niya nagagawang ipagamit ang katawan niya sa marami? Kung totoong ibinabahagi mo ang iyong kaluluwa sa iyong katalik, nahati na ang kaluluwa niya sa libo-libong piraso. Kung meron man siyang kaluluwa dati, ngayon ay wala na.

Naging object na siya: ng mga lalaki sa kanilang pantasya, at ng lipunan sa kanilang galit. Mga impokritong ipanagtatanggol ang karapatan ng tao pero pili lang. Maayos sana kung tama ang pagpili nila, pero kalibugan ng lipunan ang pagbagsak ng mga piling tao. Tumitirik ang mata nila kapag meron na silang masisisi ulit. At sisisihin nila kahit isang simpleng babae lang. Isang simpleng babaeng tulad ni Elizabeth.

Elizabeth is an easy girl.

That's what people are saying.

Pero malis sila. Dahil alam ko ang totoo. Mas kilala ko ang kaibigan ko kumpara sa pagkakakilala ng lipunan sa kanya.

'Yan 'yung prologue ng Bubble Gum. Maganda ba? Nakaka-excite ba? Nakakapagtaka? Bakit ganito sinabi ni... ni... ano bang pangalan ng bida? Ah. Oo nga pala. 'Yung lalaki 'yung bida. Pero sino siya? Ano ang pangalan niya?


Ano ang pangalan mo?

...

...

..

.

.

.

~*~

"Sir, kape n'yo po," sabi ni Drew, 'yung babaeng crew na may freckles sa mukha; dito ako ngayon sa Sta. Monika branch ng Bread. I was a bit disoriented dahil sa nakakulong kong isip sa mundo ng Bubble Gum, kaya ilang saglit pa tsaka ako nakatugon.

"Thanks," sabi ko. Tapos bigla kong naisip, "Wait, 'di pa 'ko umo-order." Tapos na-realize kong tatlong oras na pala ako doon at naupo lang ako sa isang sulok at nagsulat na. Parang nasa bahay lang ako kung umasta. "Sorry, o-order na 'ko."

"Okay lang po, sir! Libre na po kape n'yo dito," sabi niya. "Bilin po ni Ma'am Nora."

Sumilip ako sa counter; wala naman si Nora doon. "Thank you," pagpapasalamat ko na lang ulit.

"Papunta na po si Ma'am," sabi ni Drew, mukhang nabasa ang nasa isip ko.

"Okay," sabi ko na lang.

Tapos nanatili siyang nakatingin sa akin nang nakangiti.

"Yes?" naitanong ko.

"Boyfriend na po ba kayo ni Ma'am?" Namula siya sa pagtatanong n'on.

PagesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon