Page 54

14 1 0
                                    

INTERVIEWEE: NORA

Pero syempre hindi ko siya tatanungin nang diretso (baka diretso niya akong suntukin). Nagmasid lang ako, pinagmasdan siya na para akong expert sa stalking. Nasa Eastwood branch siya ng Bread Corp. ulit, at sa pagkakataong 'yon ay may guwardiya na. Ang bilis, nitong Lunes ko lang sinabi sa kanya, ngayon e mayroon na kaagad. Nakinig pa rin naman pala siya sa akin.

Casual ang damit niya, pero para pa rin siyang naka-uniform: pulang polo-shirt na naka-tuck-in sa itim na slacks, itim na doll shoes; nakapusod 'yung buhok niya; may kulay cream na wristwatch sa kaliwang pulso. Ah, may suot din pala siyang itim na sinturon. Halos wala naman siyang ginagawa kapag nakikita ko siya, at madalas siyang nasa loob ng kusina. Siya pa rin kaya nagbe-bake? Wala kasi siyang suot na burloloy sa katawan (bukod doon sa wristwatch). Pero, sa tingin ko e hindi na kaya ng isang tao 'yung pagbe-bake ng ganoong karami at ganoong kabusisi.

"Sir, excuse po," biglang tawag sa akin ng guwardiya.

Napalingon ako sa paligid, pero mukhang ako tinatanong ni Manong. "Ano po 'yun?"

"May kailangan po ba kayo sa loob? Kanina pa po kasi kayo daan nang daan, tingin po kayo nang tingin sa loob."

"Ah..." Masyado siguro akong napalapit sa Bread Corp. (paano ko naman malalaman na kulay cream 'yung orasan niya kung hindi?). Expert sa stalking my foot. Mukha siguro akong tangang padaan-daan sa harapan ng Bread Corp. Kaya siguro e madalas sa loob ng kusina si Nora, kasi nakita na rin niya ako.

"Pasok na lang kayo sir, masarap po pagkain dito," alok ni Manong, na mas nagmukhang sales agent kaysa guwardiya.

"Natikman mo na?" tanong ko.

"Opo, binibigyan po kami ni Ma'am Nora ng mga hindi naibenta, tapos tinatanong n'ya po kami kung ano'ng hindi masarap sa mga 'yun, e kaso masarap naman lahat. Kaya wala rin kaming maibigay sa kanyang maayos na sagot. Pero binibigyan pa rin n'ya kami, masasayang lang daw kasi kung hindi rin naman mabibili. Ayaw kasi ni Ma'am na may masayang."

Medyo madaldal si Manong Guard, nangamba akong baka hindi niya mabantayan 'yung café kakadaldal. Ngumiti na lang ako at pumasok na lang sa café dahil nahalata na rin naman ako. Tinignan ako ng isang grupo ng mga dalaga doon at nagsalita ang mga mukha nila: "Sa wakas, pumasok din." Mukhang hindi para sa akin ang pagiging stalker.

Paupo na sana ako sa isang table nang lumabas si Nora sa kusina. Napatingin siya sa akin at parang nagbuntong-hininga. Hmm, mas maayos 'yun kaysa sa bati niya sa akin nitong mga nakaraan. Naisipan ko tuloy dumiretso sa counter at doon na lang um-order.

At imbes na crew, siya na mismo ang nagtanong sa akin, "Ano sa'yo?" Mataray pa rin.

"Ganyan mo talaga tinatanong customer mo?" sabi ko habang tumitingin sa ilang mga cake doon na hindi masyadong nababawasan ang bilang—mukhang bihirang may bumili roon. 'Yun siguro 'yung mga hindi nabibili at pinamimigay ni Nora sa mga tauhan niya, at mukhang alam ko na kung bakit parang walang bumibili sa mga 'yun. "Masarap ba 'tong mga 'to?" turo ko sa mga 'yun, "Kumpara sa ibang naka-display e parang bland 'yung itsura nila."

"Pa'no mo nasabi?" tanong ni Nora. Tumingin ako sa kanya; walang bahid ng inis sa mukha niya at mukhang hinihingi niya talaga 'yung opinyon ko. Well, hindi man ako expert sa desserts, may mga alam pa rin naman ako kahit papaano't mahilig naman ako sa mga 'yun.

Tatlo ang pinagbabasehan ko sa pagpili ng desserts: presyo, presentation, at lasa. Kung pagbabasehan ko 'yung sinabi ng guwardiya sa akin, walang problema sa lasa ng mga pastries niya. At 'yung price naman e reasonable sa isang café (in short, medyo mahal pero worth it). So, by elimination method, dito ko nakikita ang problema: presentation. At halata 'yun sa demographics pa lang ng mga pastries na naroon: parang alon ng dagat. Marami sa isang gilid, kaunti sa gitna, at marami ulit sa isa pang gilid. At kung ikukumpara sa itsura ng iba, mas hindi sila kapansin-pansin. Of course masarap silang tignan, pero hindi sila nakakaakit.

"Medyo walang dating 'yung iba kumpara dito sa mga mabili," sagot ko sa tanong niya; mataimtim siyang nakikinig. "Kung gusto mong mapansin 'tong mga 'to, baguhin mo 'yung design. Kung ayaw mong baguhin 'yun, pwede mo silang ilagay sa gitna, ta's sa gilid 'yung mga may parokyano na. People tend to look at the sides at first pero mas matagal silang nakatingin sa gitna. Pwede rin ilagay mo sila in-between ng mga mabenta mo nang pastries, sa gan'ong paraan e madadaanan ng mga customer mo 'tong mga 'to habang hinahanap nila 'yung gusto nilang bilhin." Napatingin ako saglit sa dalawang crew doon na mataimtim ding nakikinig. Nagpatuloy ako, "The problem will then be the fact na sa lamesa na lang karamihan umo-order 'yung mga customer. Sa gan'on, mas mainam kung magagawa mong mas kaakit-akit 'yung itsura ng mga pastries mo."

"Sa presentation lang nagkakatalo?" paghingi niya ng linaw.

"Yes," tugon ko. "Masarap naman sila kaya sa tingin ko sa presentation lang nagkakatalo."

Tumango-tango siya, ninanamnam ang mga opinyon ko. Ilang saglit lang, nagtanong ulit siya, "Natikman mo na lahat ng nandito?"

Umiling ako. "Pero alam kong masarap kasi ikaw may gawa; minicakes mo pa nga lang nasasarapan na ako e."

Nakita kong namula siya at nagmamadali namang lumayo ang dalawang crew na kanina lang e nakikinig sa akin. Mukhang may nasabi akong mali. At nalaman ko kaagad 'yun nang mapahawak si Nora sa may puso niya, na para niyang tinatago ang dibdib niya. Defense mechanism niya 'yun; isa sa mga insecurity niya kasi e 'yung hindi niya kalakihang hinaharap. Well, hindi rin naman ganoon kaliit para ikailang niya... Pero wait lang, ano bang sinabi kong mali? Hmm. Ah, 'yung minicakes? Epithet ba sa kanya 'yun? Sino namang loko magsasabi sa kanya n'on? Saglit lang...sinabi ko bang nasasarapan ako sa minicakes niya? Oh. Oh no. Walastik. May pumapasok sa isip ko na hindi ko gustong isipin.

Tumikhim siya at nabawi noon ang atensyon ko. Namumula pa rin siya. Hindi ko mapigilang matawa nang bahagya sa mukha niya.

"Ano?" defensive niyang tanong.

Umisip na lang ako ng palusot. "Sorry, ang dami kong sinabi; don't take it as an advice from a marketing expert, just an opinion from a loyal customer."

Bahagyang humupa ang pamumula ng mukha niya; mukhang effective ang pag-iwas ko. "It's informative. Thanks."

Pagkatapos noon e um-order na lang ako ng Pedronito at kape, nagpuntang sulok at hinintay 'yun.

Pero...bakit nga ba ako nandito? Hindi ko na maalala. Pumapasok sa isip ko 'yung walang hiyang minicakes. Ang sarap batukan ng sarili ko! Pero hindi ko rin mapigilang mapangisi. Tsk.    

PagesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon