Page 27

9 0 0
                                    

SINUBUKAN KONG MAKIPAGBUNO sa sariling utak kung ano dahilan ng galit ni Nora sa akin. Ayaw niya lang ba kay Wendy? O may alam ba siyang hindi ko alam? Hmm, for example, pwede kayang pinagtatakpan lang ni Kael na gusto talaga niya si Wendy nang sabihin niya sa aking pinag-match niya kaming dalawa? At alam ni Nora 'yun, kaya galit pa rin siya sa akin? I mean, sa pagkakakilala ko kay Kael, simple-minded lang naman siya (except sa pagluluto), at sa tingin ko e medyo komplikado para sa kanya 'yung ginawa niyang pagma-match sa amin ni Wendy. At paano naman siya a-acting nang ganoong kalupit, na kaya niyang paniwalain lahat ng tao sa paligid niya? Hmm. Ano kaya? 'Yun 'yung pinaka-probable na dahilan ng galit sa akin ni Nora.

"Haay..." Sumasakit lang ulo ko.

"Lalim ah?" narinig kong sabi ni Anna, may ka-chat sa phone niya habang nakahiga sa kama. "Writer's block ba 'yan o ano?"

Imbes na sagutin tanong niya, tinanong ko siya, "May napapansin ka bang kakaiba kay Nora?"

"Pa'nong kakaiba?" paghingi niya ng linaw.

Tapos naalala kong wala pa nga pala siyang isang buwan sa bahay kaya wala rin siyang mapapansing "kakaiba". "Nevermind," sabi ko na lang.

"Pinapalalim n'ya hinga mo? Ano, may...may gusto ka sa kanya?" Napatingin ako sa kanya nang tanungin niya 'yun. Nakadapa na siya, nakatitig sa akin.

"Wala," sabi ko.

Bumangon siya. "Sus, 'wag ka nang mahiyang magsabi sa'kin!" aniya. "I mean, bagay kayo, at wala ka namang girlfriend..."

"Ano'ng sinasabi mo?" sabi ko, kasi somehow naniniwala siyang may gusto ako kay Nora. "Wala akong gusto sa kanya," madiin kong sabi.

Surprisingly, hindi na niya 'yun ipinilit. Instead, may binulong siya  sa sarili na hindi ko narinig nang malinaw, at sinabi niya, "Hindi ko naman nakakausap masyado si Ma'am Nora, kaya wala rin akong mapapansing kakaiba kung sakali." Bumaba siya ng kama at nagpuntang CR.

Kasabay noon, narinig ko 'yung pagdating ni Kael. Lumabas ako ng kwarto para salubungin siya. Hindi ko mapigilang mapansin 'yung lungkot sa mga mata niya, na pilit niyang lang tinatakpan ng bahagyang ngiti. "Okay ka lang, 'Tol?" tanong ko sa kanya.

Nagtataka siyang ngumiti, "Oo naman."

"Parang an'lungkot mo," sabi ko.

"Kung anu-ano napapansin mo, 'Tol. Nag-away ba kayo ni Wendy? O gutom lang 'yan?" tanggi niya. "Magluluto lang akong dinner." Hinayaan ko na lang siya. Mamaya ko na lang siya kakausapin tungkol kay Nora.

Pero pagkaluto niya, natulog na siya kaagad. Si Nora naman, tulog na. Kaming tatlo lang nina Nay Benya at Anna ang kumain.

Pagkakain, naligo muna ako bago humarap sa laptop. Gusto ko munang magsulat...pero wala akong ibang maisip kundi 'yung pagbabago ng ihip ng hangin sa loob ng Buendia Residence. Alam kong may bago, may kakaiba, hindi naman kasi ako manhid. Bilang writer, mahalagang kaya kong malaman kung ano ang nararamdaman ng mga tao sa paligid ko, na ultimately e humahantong sa kilos, salita, at sa kilos nila sa pagsasalita. In that way, makakaya kong ipakitang galit ang isa sa mga character ko kung tahimik lang siya at may tensed na mukha...gaya ni Nora. O kung malungkot siya e sasabihin ko lang na ngumingiti siya pero walang buhay 'yung mga mata niya...gaya ni Kael. Kaso, ayun lang kaya kong gawin; hindi ko kayang mag-observe ng higit sa nakikita ko. Malaman ko man nararamdaman nilang magkapatid, hindi ko pa rin malalaman 'yung dahilan. Haay!    

PagesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon