BOSES NA LANG ng mga characters ang naririnig ko, nang kausapin ako ng isang crew. "Sir...?"
"Hm?" Hindi ko mawaglit tingin sa laptop.
"Sir, magsasara na po kami," nahihiya niyang sabi. Napatingin ako sa kanya, nagtaka, at napatingin ako sa oras sa laptop: 11:08 PM na.
"Hala, sorry," paumanhin ko, at agad akong nag-ayos ng mga gamit. "Ililigpit ko lang 'tong laptop, ta's alis na ako."
"'Wag na." Napalingon ako sa nagsalita: si Nora. Pinauwi na niya ang crew niya na nag-iisa na lang nang mga oras na 'yun.
Sinilip kami ng guwardiya, "Magsasara na po ba, Ma'am?"
"Ako na bahala," sabi niya.
"Sige po Ma'am, uwi na po ako." Itinaas nito ang isang supot, "Salamat po dito!" Mga natirang pastries siguro 'yun.
Patuloy ako sa pag-aayos ng laptop. "Talagang mauunang uuwi si Manong Guard?"
"Oo, 'yun nasa kontrata e," sagot niya. "Tapos ka na bang magsulat?"
Sasabihin ko sanang hindi natatapos ang pagsusulat para medyo cool (at dahil hindi pa naman talaga ako tapos magsulat), pero sinabi ko, "Oo. Sorry, 'di ko napansin 'yung time."
Nag-umpisa na siyang ligpitin 'yung mga pinagkainan ko. "Ganyan ka na ba talaga magsulat?" tanong niya.
"Pa'nong 'ganyan'?"
"'Di mo napapansin 'yung oras? Pagkakatanda ko, maaga ka matulog." Iniliagay na niya sa dalang tray 'yung mga niligpit niyang pinagkainan ko, at umalis na.
Sinakbit ko na 'yung bag ng laptop ko, at sumunod sa kanya. "Sa tuwing may bago lang akong inuumpisahan tsaka ako gan'to."
"May bago na?" pagtataka niya. "Ano 'yung mga sinusulat mo nitong nakaraang mga linggo?"
"Postponed muna, 'di ko pa ma-express nang maayos e." Tumango-tango lang siya bilang tugon.
Dumiretso kaming counter, papasok sa kusina. Akala ko e pipigilan niya ako, pero hinayaan niya akong sumunod sa kanya. Isang maikling hallway ang unang sumalubong sa amin; sa kaliwa ay may kwarto for "Administration", at sa dulo ang "Kitchen". Pagpasok namin doon, naghalo-halo na sa ilong ko ang amoy ng pait ng kape, tamis ng tsokolate, at asim ng mga prutas. Malinis naman na ang kusina, pero mukhang nagmantsa na sa bawat sulok noon 'yung amoy ng mga ingredients nila. Sa kaliwa e may mga kakaibang makinang may mga nguso, kaya in-assume ko na 'yun 'yung part na gawaan ng mga kape nila. Sa gitna naman, may isang malapad na lamesa, kung saan siguro ginagawa 'yung mga tinapay nila. Sa tabi nito e may dalawang machine na hindi ko alam kung para saan, pero mukhang pang-liquid din kasi may nguso rin. Sa kanan naman 'yung rack ng mga tinapay na may ilang layers; sa kanan nito e parang dalawang magkapatong na oven. Sa pinakasulok sa kanan, may CR. At sa pinakalikod 'yung lababo. Doon kami nagpunta.
"Ngayon lang—"
"Ahy!"
Naputol ang sasabihin kong ngayon lang ako nakapasok sa kusina ng isang café nang mapatili siya. "Okay ka lang?" tanong ko.
"Ano'ng ginagawa mo dito?" Nagtataka 'yung tingin niya sa akin.
"Ah... hindi mo ba 'ko pinasunod dito?" pagtataka ko.
"No," sagot niya. "Unauthorized kang pumasok dito; lumabas ka na."
I awkwardly walked out. Bago ako makalabas, sinabi niya, "Hintayin mo na lang ako sa isang table."
Ang sakit sa puso ng ginawa ko. Oo nga naman, bakit ko nga namang naisip na okay lang pumasok doon? Kaya pala bigla na lang siyang tumahimik pagpasok namin sa counter. Akala ko may iniisip lang siya o ano. Haay! Naupo na lang ako sa isang lamesa malapit sa counter, tahimik na nagdurusa sa ginawa kong kahihiyan.
BINABASA MO ANG
Pages
General FictionHindi naman masyadong romance itong kwento ko. More on a big chunk of a writer's life, na karamihan e may kinalaman sa pag-ibig na nagpaikot sa buhay ko (both in a dizzy and functional way). O baka hopeless romantic lang talaga ako. Ewan.