Page 7

33 1 0
                                    

NASA MCDO NA ako. Naka-order na rin ako ng float (green apple flavor), go-to order ko kapag may hinihintay. Ang hinihintay ko? Si Wendy. Ilang minuto na akong nakatambay at tumitingin sa mga naglalakad sa labas (hindi ako tumitingin sa mga kapwa ko customer (isang beses ginawa ko 'yon, tapos napatingin siya sa akin! Awkward! Simula noon hindi na ako tumingin sa ibang customer)). Naka-ilang order na rin ako ng float. Mga isa. At malapit ko nang maubos 'yon. Kaso, wala pa rin si Wendy. Wala kaya siyang pasok? Baka naman ka-date na si Kael? O endo na kaya siya? Marami pa akong naiisip na pwedeng nangyari sa kanya (e.g. na-kidnap ng dragon), at sa gitna ng mga naiisip ko isa lang kinahahantungan ng mga tanong ko: Nasaan si Wendy?

Nasaan si Wendy? Isang tanong. Maraming sagot. Isang pangangailangan-gusto kong makita si Wendy... Ah! May naisip na akong isulat!

Tumingin ako sa phone: 18:03. Ala' siete ko pa susunduin si Nora, at limang minuto lang naman layo ng school nila gamit ang kotse. Kaya ko pang maghintay. Sinusulat ko na 'yung naisip kong pwedeng ilagay sa love letter ni Kael para kay Wendy nang bigla 'yun mag-vibrate. Nag-text si Nora:

Nora: 10 pa uwian namin.


Huh? Alas dyes pa ako pupunta sa school nila? Nag-vibrate ulit.

Nora: Papunta ka na ba? Sorry.

Ako: Ba't ngayon mo lang sinabi?

Nora: Ngayon lang sinabi samin. Busy sa society.

Ako: *sa'min

Nora: -_- Gutom na ko.

Ako: *ako. Kumain ka.

Nora: Walang time.

Ako: Kawawa ka naman.


Hindi na siya nag-reply. Mukhang busy na ulit sa "society" nila. "Society" ang tawag nila kapag may kinalaman sa pagkain ang student organization (o, "org") nila, to say that civilization-that is, society-came about because of food. Masipag sa society niya si Nora, which is Pastry Society (Local Cuisine Society naman ang kuya niya), at madalas tungkol sa mga ginawa nila doon ang ikinukwento niya sa akin kapag sinusundo ko siya.

Hindi siya nagkukwento ng ganoon sa kuya niya. Feeling ko e may inferiority complex siya kay Kael, lalo na't masarap talagang magluto ang kumag, at nahihiya siyang magkwento sa kapatid niyang mas matalas pa ang panlasa kaysa sa mga ginagamit nitong kutsilyo-baka mahusgahan pa siya. Feeling ko lang naman. Pwede rin namang hindi ko lang din alam na nagkukwentuhan din pala sila tungkol sa pagkain lalo na't madalas akong nasa kwarto lang at nagsusulat. Wait, madalas din pala silang nasa kwarto ko at ginagambala ako sa pagsusulat. So, maybe inferioty complex nga? Hindi naman niya kailangang maramdaman 'yon sa kuya niya. Masarap naman mga pastry niya kahit na sample (experimental) pa lang . Ako taga-tikim, para kapag nakakalason, ako (raw) unang mamamatay. So far, masarap pa lang ang nakakain ko, at hindi pa nakakalason. Nag-vibrate ulit ang phone ko.


Nora: Dalan mo kong pagkain.

Nora: *akong :P

Natawa akong bahagya sa magkasunod niyang text.

Ako: *Dalhan. Driver mo 'ko, hindi alila.

Nora: -_- Hindi ka ba naawa sa'kin?

Ako: Hindi.

Nora: E naaawa?

Napangiti ako sa reply niya. Minsan talaga, nakakasakay si Nora sa pagiging matalas ko sa grammar (matalas? Baka maarte lang).

Ako: Hindi rin.


Hindi na siya nag-reply. Baka busy ulit...pero baka nagugutom na talaga siya? Kumulo ang tiyan ko sa pag-iisip. At dahil na rin sa konsensya. Naaawa ako kay Nora. Pagkain niluluto nila pero nalilipasan pa rin ng gutom madalas. Dahil wala naman nang Wendy na nagpapakita sa akin (at dahil hindi ko naman na kailangang makita siya), naisipan ko na lang puntahan si Nora at dalhan siyang pagkain.

PagesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon