LINGGO. APAT NA araw nang kasambahay namin si Anna. Noong unang gabi, halos mawasak utak ko sa kakaisip kung ano ang dapat kong gawin at nawatak puso ko sa pagbibigay niya sa akin ng closure. Bumalik lahat ng hinanakit ko sa kanya nang gabing 'yun, pero nag-kick in na 'yung time-heals-all-wounds antibody ko, kaya gumaan na ang loob ko, kahit medyo awkward pa rin sa aking makasama siya.
Nagkaka-usap naman na kami, syempre. Mga tungkol lang sa bahay at kaunting batian ng good morning at good evening, nakakaraos na. Nabigla lang talaga ako noong unang araw. Pero ngayon, okay na ako, nasanay na ako sa presensya niya. Wala na akong ibang nararamdaman, bukod siguro sa mga paunti-unting di-maiwasang emosyon na nakokontrol ko naman na, i.e. hindi ko pa rin maiwasang maakit sa kanya lalo na sa gabi, lalong-lalo na't aware ako na sa pagtulog niya e maninipis na T-shirt at short lang ang suot niya—oo, wala siyang panloob (bukod lang kapag mayroon siya); mabilis kasi siyang mainitan kaya dapat presko ang pantulog niya. Pero kahit ganoon, noong tanungin ako ni Nay Benya kung ayos lang bang magtagal pa si Anna sa kwarto ko, sabi ko kahit doon na siya matulog talaga. Malinis kasi siya sa kwarto, mas nagmumukhang maaliwalas. Kaya ayun, alam ko nang okay na ako. Naka-move on na talaga ako. Ayos na. Okay na.
Kaya...back to normal programming!
Ehem.
Alam mo ba 'yung animism? 'Yung idea na lahat ng bagay e may buhay, may espiritu? It's really intriguing, kasi sobrang daling isiping may buhay 'yung kahit anong bagay. Kunwari, itong hawak kong ballpen ngayon. Pwede kong isiping may buhay ito, at voila! may buhay na ito. Pumapasok bigla sa isip ko na kailangan ko itong ingatang maigi kasi kung hindi, masasaktan ko ito.
O itong notebook ko kung saan ako nagsusulat ng mga bigla-bigla na lang lumilitaw sa utak ko. Kailangan kaya ito nagtatampo? Kapag hindi ko sinusulatan? O...ano kayang mararamdaman nito kung malapit ko nang maubos pahina niya? Matutuwa kaya siya na natupad niya purpose niya sa mundong ito? O malulungkot siya kasi malalayo na siya sa akin? Ano kaya? Ano bang pwede nilang maramdaman? Pagpapala raw at sumpa na maramdaman mo nang higit sa sapat 'yung mga emosyon...e paano pa kaya 'yung emosyon ng mga bagay lang?
"Ano 'yan?" bati sa akin ng isang babae. Napatingin ako at saglit tumigil ang mga sistema ko sa katawan, na agad din namang nag-reboot—si Wendy 'yon; umupo siya sa tabi ko, sa isang upuang semento. "Ah. Writer ka nga pala. Ano'ng sinusulat mo?" tanong niya.
"Kung anu-ano lang," sabi ko.s
"Ba't dito mo pa naisipang magsulat ng kung anu-ano?" tanong niya, tukoy niya sa paligid ng bahaging ito ng Tagalog; hindi ito kalayuan sa lugar kung saan ko siya nakita noong malaman ko ang tungkol kay Ron-Ron.
"Inihatid kong practice ng banda si Nora," sabi ko. At tinanong ko siya, "Ikaw? Ano'ng ginagawa mo dito?"
"Nagliliwaliw lang," aniya. "Day-off, pahinga naman kahit minsan. Puro work-aral na lang ginagawa ko e."
"Napakasipag naman."
"Syempre, para sa future."
"O, e ba't nagpapahinga ka pa?" asar ko sa kanya.
Nag-isip siya saglit. "Syempre, para sa present!" nakangiti niyang sagot. Hindi ko rin napigilang mapangiti.
Si Wendy. Isa pang dahilan kung bakit mabilis umayos pakiramdam ko patungkol kay Anna e si Wendy. Nitong nagdaang apat na araw, nagkakaroon kami ng pagkakataong makapag-text, kahit hindi masyadong nakakapag-reply sa isa't isa. Nasabi kong may gusto ako kay Wendy, hindi ba? Pero ngayong nakita ko si Anna, nabulabog damdamin ko sa kanya, tapos unti-unti ring huminahon para makita ko nang malinaw kung ano ba talagang nararamdaman ko para sa kanya—mukhang kaibigan lang turing ko sa kanya. Or, at least, napagtanto kong dapat hanggang kaibigan lang ang turing ko sa kanya. At, sa totoo lang, masayang maging kaibigan si Wendy. Hindi siya birong babae, bihira akong makakilala ng tulad niya. Masaya ako para kay Kael, kasi sa ngayon e pumili siya nang maayos na babae na pwede niyang mahalin talaga. At, mukhang in-love na talaga ang kumag—saksi ang buong bahay sa kung paano niya ikwento si Wendy sa amin. At sa takbo ng kwento niya, mukhang nagiging magkaibigan na sila. "Uy, lalim na naman ng iniisip mo," tapik sa akin ni Wendy.
BINABASA MO ANG
Pages
Aktuelle LiteraturHindi naman masyadong romance itong kwento ko. More on a big chunk of a writer's life, na karamihan e may kinalaman sa pag-ibig na nagpaikot sa buhay ko (both in a dizzy and functional way). O baka hopeless romantic lang talaga ako. Ewan.