HINDI AKO NAPANSIN ni Nora kahit nang makapasok siya sa loob ng Bread Corp., na pag-aari niya pala. Kaya ba parang feeling ko at home ako? Kasi sa kanya 'yun? Baka.
Hindi ko alam ang gagawin ko. So instead na mangarag, I feigned ignorance. I acted natural as much as possible, looking at the survey questionnare, controlling my gaze not to fly on the counter where she went. I started reading Question #24, pero kahit paulit-ulit kong basahin 'yun e walang pumapasok sa utak ko.
Natigil pagsagot ko nang makita ko sa peripheral na pumasok na siya sa loob ng kusina, sa may likod ng counter. Napabuntong-hininga ako. Hindi ko alam kung dahil ba sa matagal ko nang gustong makita ang mga iniwan ko noon at siya ang unang taong nagbalik sa presensya ko, pero sa pagkakataong 'yun e gusto ko pa siyang makita, makausap. Gusto ko silang kumustahin. Gusto kong itanong kung ano na pinagkakaabalahan nila, at kumusta na si Tatay. Si Kael, may restaurant na ba? May galit ba si Wendy sa akin? May balita ba sila kay Anna? Si Tito Manuel, gusto ba akong patayin dahil sa mga ginawa ko? E siya, kumusta ba?Gusto kong malaman kung paano niya naumpisahan 'yung Bread Corp.—at batiin siya sa success na naabot niya. Grabe. At 23 years old, may tatlong branches na ang pag-aari niyang café. Iba. At, may nobyo na ba siya? Bakit wala pa? Hinihintay pa rin ba niya ako? Karapat-dapat ba ako sa ganoong treatment? Hindi. Hindi. Siguro e may nobyo na siya. At sana e maayos 'yung napili niya. Sana natuto siya sa naging karanasan niya sa akin na hindi lahat ng magugustuhan niya e maayos. Masyado ko na bang ibinababa sarili ko? Hindi. Tama lang 'to.
"Sir?" Nabawi ng tawag sa akin ng isang crew ang isip ko. "Okay lang po ba kayo?"
"Oo," sagot ko. Kumuha ng ilang tissue ang crew sa lamesa at iniabot sa akin.
Tinanggap ko 'yun nang nagtataka. "Para sa'n 'to?
"Umiiyak po kayo..."
Agad kong dinampi 'yung mukha ko at nakapa ko ngang may luha sa pisngi ko. Pinunas ko kaagad 'yung tissue doon at nagpasalamat sa crew. In-assure ko sa kanya na okay lang ako bago siya tuluyang umalis. Umiyak na naman ako nang hindi ko namamalayan. Haay. Tinapos ko na lang sagutan 'yung survey bago ako nagbayad. Pero habang inaayos ko 'yung transaction sa lamesa, may naglapag ng isang tasa ng kape malapit sa akin. Napatingin ako sa naglapag noon. At napatitig ako, at bahagyang huminto ang pag-ikot ng mundo. Si Nora. Umupo siya sa may tapat ko, at inilapag sa lamesa ang kape naman niya. Hindi ko napigilang subukang basahin ang mga emosyon sa bahagyang kumikinang niyang mga mata, kahit alam kong nababasa niya rin ang sa akin.
"Hi," aniya. Hearing her voice plucked my heart, and I felt I was home.
~*~
"May major project kami ngayon," itinuro ni Nora ang isang poster sa may tabi ng mga menu sa may dingding ng counter, "First time naming gagawa ng mga sweets sa isang kasal; of course, including 'yung wedding cake."
Sagot niya 'yun nang tanungin ko siya kung kumusta ang business. "Wow, malaking step 'yan," sabi ko. Gusto ko sana siyang asarin na baka masira niya 'yung kasal dahil sa wedding cake, pero hindi 'yun ang tamang panahon para doon. Instead, tinanong ko, "Pa'no magiging design ng cake n'yo n'yan? Maraming cupcake na magkakapatong?" Natanong ko 'yun kasi lahat ng tindang pastries sa Bread Corp. e mga bite-sized.
"Hindi," sagot niya, "gagawa talaga kaming cake." Sumimsim siya sa kape. "Kaya major project namin ngayon 'yun, first time kasi namin."
"Galingan mo, baka makasira ka pa ng wedding dahil d'on." Okay, hindi ko na rin napigilang sabihin 'yung pang-aasar.
Pero imbes na mainis e natawa siya. "Parang gusto ko ngang gawin 'yun, for the impact."
"Hala s'ya, may galit ka sa ikakasal?" natatawa kong tugon.
BINABASA MO ANG
Pages
General FictionHindi naman masyadong romance itong kwento ko. More on a big chunk of a writer's life, na karamihan e may kinalaman sa pag-ibig na nagpaikot sa buhay ko (both in a dizzy and functional way). O baka hopeless romantic lang talaga ako. Ewan.