MM'S P.O.V
"Dali! Tara dito! Bili tayong ice cream"pag-aaya pa niya habang hila-hila ako. Grabe talaga itong babaeng ito, wag niyang sabihin na nagpunta lang kami dito para bumili ng ice cream? Eh may ice cream naman sa bahay.
"Teka nga! Sandali!"pigil ko sa kanya, makahila kasi siya wagas eh. Para yatang gusto niya akong mabalian ng kamay. Tiningnan lang naman niya ako na parang naghihintay sa sasabihin ko.
"Serysoso ka? Nagpunta tayo dito para bumili lang ng ice cream?"di makapaniwalang tanong ko. Umiling naman siya
"Hindi no! Pero bago tayo maggala-gala! Bili muna tayong ice cream! Bigla kasi akong nagcrave sa ice cream eh!"sagot niya sabay hila ulit sa akin. Napailing na lang ako at hinayaan siyang hilahin ako.
"Kuya dalawa nga pong strawberry ice cream"sabi pa niya doon Kay kuya. Tiningnan ko naman siya..
"Bakit strawberry?"tanong ko, Hindi naman sa ayaw ko ng strawberry o hindi ako kumakain. Pero hindi ko din lang talaga hilig iyon, pero kumakain naman ako.
"Favorite ko kasi iyon eh!"nakangiti niyang sagot habang kinukuha iyong ice cream sabay abot sa akin. Kaagad ko namang kinuha iyong ice cream.
"Favorite mo? Kaya hindi mo na ako tinanong kung ganyan din ba ang gusto ko?"tanong ko pa.
"Bakit ayaw mo ba niyan? Hindi ka ba kumakain ng ice cream na ganyan ang flavor?"pagtatanong naman niya, umiling naman ako
"Hindi naman! Kumakain din-"di pa ako natatapos magsalita ay nagsalita na ulit siya.
"Ganun naman pala eh! Dami mo pang-arte diyan! Kainin mo na lang! Pero bago iyan! Bayaran mo muna! Naghihintay si kuya oh"utos niya pa at naglakad ng palayo. Napatingin naman ako kay kuya na nakatingin din sa akin. Pambihira naman oh! Ang galing talaga ng babaeng iyon! Ang lakas makapag-ayang bumili ng ice cream tapos wala naman palang pambayad. Kung alam ko lang na ako pala ang magbabayad eh di sana ako ang pumili ng flavor ng ice cream ko.
"Kuya heto po! Sa inyo na po iyong sukli"sabi ko pa, at umalis na rin para habulin si Alex. Nakita ko naman siyang nakaupo habang kumakain ng ice cream. Kung tinatanong niyo kung nasaan kami? Nandito lang naman kami sa isang park. Ewan ko ba kung bakit dito siya nag-ayang pumunta? Akala ko nga eh sa mall kami pupunta Mali pala ako.
"Ang galing mo din eh ano? Ibang klase ka din talaga"sarkastikong sabi ko pa. At umupo sa kaabay niya. Tumingin lang naman siya sa akin at ngumiti.
"Thank u ha! Thank u dito sa ice cream"nakangiti niya pang sabi, napailing na lang ako at inirapan siya.
"May utang ka sa aking 100"sabi ko sa kanya, dahilan para mapalingon ulit siya sa akin.
"Anong 100? Grabe ka namang magpatubo ha! Isang ice cream lang ito! Tapos 100 ang utang ko sayo! Kainaman!"reklamo niya.
"Hoy! 100 talaga ang utang mo kasi 100, iyong inabot ko Kay kuya kanina. At hindi ko na kinuha iyong sukli!"sagot ko sa kanya.
"Hoy ka din! Hindi ko kasalanan kung 100 iyong inabot mo Kay kuya! At Hindi mo kinuha iyong sukli! Kasalanan mo iyan! Atsaka! Libre mo ito no, wala akong utang sayo"katwiran naman niya. Aba! Talaga naman!
"At sino namang may sabi na libre ko ito aber? Babayaran mo ito no! Basta may utang ka sa akin!"ganting sabi ko pa sa kanya.
"Eh di bahala ka! Maghintay kang pumuti ang uwak bago ko bayaran iyan!"sagot naman niya sa akin. Ibang klase din talaga ito no? Kung sagot sagutin ako!
"Aba! Sumusobra ka na ha! Baka nakakalimutan mo na ako ang Boss mo! At P.A kita! Kaya umayos ka!"paalala ko sa kanya.
"Huwag kang mag-alala! Hindi ko pa naman nakakalimutan! Pero rest day naman natin ngayon! So hindi mo ako P.A ngayon! At hindi rin kita boss ngayon. Gets mo po!"sabi pa niya na halatang nang-aasar pa. Sinamaan ko naman siya ng tingin!
"Buwesit!"pabulong na sabi ko.
"Rinig ko iyon!"sabi pa niya
"Paki ko! Buti nga narinig mo!"pagtataray ko pa.
"Ikaw talaga! Ang taray mo kahit kailan! Atsaka ngumiti ka nga diyan! Pumapangit ka eh! Sige ka! Ikaw din!"ganting sabi naman niya sa akin. Hindi ko na lang siya pinansin, at tumingin na lang sa mga taong naglalakad at mga batang masayang naglalaro.
"Ang saya nila no?"biglang sabi niya, napalingon naman ako sa kanya. Kita ko namang nakatingin din siya doon sa mga tinitingnan ko kanina.
"Bakit nga pala dito mo piniling pumunta? Pwede naman sa mall di ba?"di ko napigilang itanong. Tumingin naman siya sa akin tapos ngumiti.
"Marami kasing tao sa mall! Baka makilala ka nila. Atsaka ang isa pa, gusto ko talagang pumunta dito."sagot niya habang nakangiti parin pero kita Kong medyo malungkot siya.
"Bakit gusto mong pumunta dito?"tanong ko ulit.
"Wala lang!"sagot niya,
"Siguro dito kayo pumupunta ni Tyrone no!? Dito kayo nagdedate!"biro ko pa sa kanya. Bigla naman siyang nalungkot, ay! Mali yata na nagbiro ako!
"Sorry! Okay ka lang?"sabi ko pa, tumango naman siya. Pero nagulat na lang ako ng bigla siyang umiyak.
"Hey! Teka! Okay ka lang ba talaga? Bakit ka umiiyak?"nag-aalalang tanong ko pa.
"Okay lang ako! Medyo malungkot lang!"sagot niya habang pilit na ngumingiti.
"Bakit? May problema ba kayo ni Tyrone?"usisa ko pa. Pero hindi po ako tsismosa ha!. Umiling naman siya
"Wala naman kaming problema!"sagot niya
"Eh bakit ka umiiyak?"tanong ko ulit.
"Anniversary kasi namin ngayon eh"malungkot na sabi niya. Nakaramdam naman ako ng awa sa kanya. Kaya naman bigla ko na lang siyang hinigit at niyakap.
"Andito lang ako ha!"yun na lang ang tanging nasabi ko. Lalo naman siyang umiyak.
"Thank you"sabi pa niya.