MM'S P.O.V
Nandito na kami sa isang school kung saan ang first setting ng movie. Dito kasi namin ishoshoot iyong ilang scene sa movie. Lalo na iyong mga scenes namin ni Alex. Isa siyang student dito, samantalang ako naman ay isang teacher. Magiging student ko siya, at doon mag-istart iyong kuwento namin. Pero hindi magiging happy ending kami dito kasi bigla na lang siyang aalis. At iiwan ako kaya ang ending magiging gay ako. Ganun! Pero hindi ko alam ang ending nito, surprise daw sabi ni direk.
"Okay ready na tayo! MM be ready!!"sigaw pa ni direk. Kaya,kaagad akong naghanda. Hinanap ko naman kaagad si Alex, nasaan na iyon?
-
(First scene)
Naglalakad ako papuntang classroom ng biglang may bumangga sa akin.
"Ay sorry po! Nagmamadali lang po kasi ako"nakatungong sabi ng nakabunggo sa akin.
"Okay lang! Pero mag-ingat ka sa susunod ha"nakangiting sagot ko habang nakatingin sa kanya. Pero still nakatungo parin siya..
"Salamat po! Sige po Una na po ako"sabi pa niya at nagtatakbo na.
"Mga kabataan nga naman"nasabi ko na lang, maglalakad na sana ako ng may mapansin akong isang panyo. Kaagad ko naman itong pinulot at tiningnan.
"Jackque"basa ko sa pangalan na nakaburda sa panyo. Napangiti na lang ako,at nilagay ito sa bulsa ko. Sa babaeng nakabunggo sa akin kanina siguro ito. Napailing na lang ako at nagsimula na ulit maglakad. Malayo-layo palang ay rinig ko na ang ingay ng mga bagong estudyante ko. Hay! College na sila! Pero mukhang mga isip bata parin ah! Dire-diretso lang akong pumasok..
"Good morning class!!"bati ko, dahilan para tumahimik sila.
"Good morning sir"sabay-sabay nilang bati sa akin. Ngumiti lang naman ako at ngumiti sa kanila. Pero may isa akong napansin na isang estudyante, na tahimik lang sa isang tabi.
"Miss?"pagtawag ko sa kanya, at nilapitan siya. Dahan-dahan naman itong humarap sa akin..
'Wow!!'napatitig na lang ako sa Ganda niya...
"Cut!!!"
"Good take!!"sigaw pa ni direk.
-
"Ikaw meme ha! Parang totoo iyong paghanga factor mo kanina ah!!"tukso pa sa akin ni Jon. Di ko na lang siya pinansin. Break time kasi, kaya nandito ako nagreretouch.
"Si Alex?"biglang tanong ko sa kanya.
"Uy! Hinahanap niya!!"tukso niya ulit..
"Malamang! Hindi ko nakikita eh!"sagot ko sa kanya.
"Miss mo?"tanong pa niya, tiningnan ko naman siya ng masama
"Sapak gusto mo?"tanong ko sa kanya, umiling naman siya.
"Ayaw! Ito naman! Hindi na mabiro! Nandoon siya sa labas may kausap sa cp. Jowa yata niya! Narinig ko kasi tinawag niyang love eh"sagot niya. Tumango na lang ako at hindi na nagtanong pa.ALEX'S P.O.V
Kausap ko si love ngayon, nagulat nga ako ng bigla siyang tumawag. Buti na nga lang at break time namin. Bigla ko namang naalala na hindi pa pala ako nakakapagsabi pa sa kanya, about sa ginagawa ko ngayon.
"Ahhmm..love may sasabihin pala ako sayo"sabi ko pa.
"Ano iyon love?"tanong niya
"Ganito kasi iyon love eh! Isinama ako ni Ate M sa movie niya. Pero extra lang naman!"sagot ko pa. Bigla naman siyang natahimik, kaya kinakabahan naman ako. Baka,magalit siya!
"Love galit ka ba?"tanong ko pa. Rinig ko namang nagbuntong-hininga siya.
"Hindi ako galit love! Nagulat lang! Okay lang naman iyon, kung masaya ka naman eh! Okay na sa akin iyon"sabi naman niya, napangiti naman ako.
"Thank u love! Miss u so much"paglalambing ko pa.
"Miss na din kita! Huwag kang mag-alala babawi ako sayo"sagot naman niya.
"Aasahan ko iyan love ha! Excited na ako"masayang sabi ko pa. Rinig ko namang natawa siya
"Mukha ngang excited ka na!! Okay sige na Love ha, ibababa ko na ito. Usap na lang tayo ulit pamaya if di na ako busy"paalam pa niya.
"Okay love! Ingat ka palagi"bilin ko pa.
"Ikaw din love! Ingat ka palagi at huwag mong pababayaan iyong sarili mo ha! I love you"pahabol pa niya, napangiti naman ako ng husto, hay!
"Okay po boss! I love you too"nakangiting sagot ko. Inend narin naman niya ang tawag.
"Mukhang ang saya mo ngayon ah! Siya ba iyan?"
Napalingon naman ako sa nagsalita at nakita Kong nakatayo doon si Ate M na nakatingin sa akin habang nakapamulsa pa.
"Oo!"nakangiting sagot ko sa kanya, tumango lang naman siya at naglakad na
"Tara na daw! Start na ulit tayo"pagyaya pa niya.. At nagdiretso na. Agad din naman akong sumunod sa kanya na may ngiti sa labi...-.
Thank u guys😘😘