MM'S P.O.V
Kanina ko pa napapansin na tahimik lang si Alex. Naglalakad kami ngayon papasok sa office ni sir Carlos.
"Hoy! Para kang tuod diyan! Ayos ka lang ba?"pagtatanong ko pa. Tumingin naman siya sa akin, pero kita ko naman na kinakabahan siya.
"Kinakabahan ako"sagot niya sabay kapit sa akin. Medyo napalayo naman ako..
"Uy! Kinakabahan ka ba talaga? O nanananching ka Lang?"tanong ko sa kanya. Hinampas naman niya ako
"Baliw ka! Kapal mo!"sabi pa niya sabay bitaw sa akin.
"Tinatanggal ko lang iyong kaba mo"nakangiti kong sabi at hinawakan ko ang kamay niya, at pinisil-pisil ito.
"Tara na"yaya ko pa sa Kanya. Tumango lang naman siya sa akin. Sabay kaming pumasok na dalawa, habang magkahawak ang kamay. Nasanay narin naman akong hawakan ang kamay niya eh. Nadatnan namin si sir Carlos na nakaupo, tumayo naman siya ng makita kami at lumapit sa amin.
"Hello po sir Carlos"nakangiti kong sabi sabay beso sa kanya.
"Hello po"nahihiyang bati naman ni Alex. Bumeso din naman sa kanya si sir Carlos.
"Hello din sa inyong dalawa! Good afternoon! Kanina ko pa kayo hinihintay! Sige maupo kayo"nakangiting sabi naman ni sir Carlos.
"Thank you sir"nakangiti kong sabi, at inalalayan si Alex para makaupo ng ayos. Hindi naman nakalampas sa paningin ko ang pasimpleng pagngiti at pag-iling ni sir Carlos habang nakatingin sa amin.
"Hay! Alam niyo kanina ko pa kayo pinapanood."sabi pa niya sabay turo sa screen.
"At masasabi ko na may kakaiba talaga sa inyo. Pati ako kinikilig eh! Kung Hindi ko nga alam na bakla ka MM, mapagkakamalan ko kayong may relasyon eh"dagdag pa niya. Napaubo naman ako! Kaloka si sir Carlos ha.
"Kaloka ka naman sir! Buti na lang pala alam mong bakla ako"pagbibiro ko pa. Natawa naman siya, bumaling naman ako kay Alex na kanina pang tahimik. Hinawakan ko naman ang kamay niya, tumingin naman siya.
"Huwag kang kabahan, ayos lang iyan! Nandito ako"bulong ko sa kanya. Ngumiti naman siya
"Thank you"mahinang sabi niya sa akin.
"Ehem"tikhim pa ni sir Carlos. Kaya napabalik ang tingin namin sa kanya.
"So let's start! Bago pa tayo langgamin dito"nakangiti niya pang sabi. Napailing na Lang ako.
"So hayun nga! Pinatawag ko kayo dahil napansin namin na mula ng ilabas ang trailer ng movie niyo. Ay lagi na itong trending, maging kayo mang dalawa ay pinag-uusapan narin. Bago ito sa paningin ng madlang people, kaya naman bet na bet nila. Kaya naman balak namin na gawin kayong dalawa na official na loveteam. Kung okay lang sana sa inyo, lalo na sayo iha!"sabi pa ni sir Carlos. Medyo nagulat ako doon, kahit may kutob na akong ito nga iyong sasabihin ni sir. Bumaling naman ako Kay Alex na halatang gulat sa narinig. Alam kong bago ito sa kanya, pero malaki itong opportunity para sa kanya.
"Okay lang po sa akin sir! Kung papayag po si Alex"sagot ko, tumingin naman sa akin si Alex
"Ha?"gulat na tanong niya. Ngumiti naman ako sa kanya
"Ano papayag ka ba?"tanong ko sa kanya.
"Hindi ko alam eh"sagot niya. Humarap naman ako sa kanya at hinawakan ang parehong kamay niya.
"Pag-isipan mo! Malaking opportunity na ito para sayo! Sayang naman kung papalampasin mo lang. Atsaka nandito naman ako eh! Hindi kita papabayaan"sabi ko pa. Nakatingin Lang siya sa akin, kita ko naman iyong pag-aalinlangan sa mata niya.
"Pero kung ayaw mo talaga! Okay lang naman. Hindi ka namin pipilitin"sabi ko pa.
"Hindi naman sa ayaw! Natatakot lang ako"sagot naman niya.
"Huwag kang matakot! Kasama mo ako! Hindi kita papabayaan"paninigurado ko pa.
"So anong desisyon mo iha?"tanong naman ni sir Carlos. Nakatingin Lang kami kay Alex at hinihintay ang magiging sagot niya. Huminga muna ito ng malalim at pumikit. Pero Maya-maya ay iminulat narin niya ang mata niya sabay tingin sa amin. Medyo kinakabahan naman ako. Pero okay lang naman kung ayaw niya eh! Nanghihinayang lang ako.
"Ano?"tanong ko, ngumiti naman siya sa akin sabay iling.
"Hindi ko-"
"Okay lang kung ayaw mo! Siguro ayaw mo Lang akong maging partner"putol ko sasasabihin niya.
"Sige po sir! Pasensiya na po! Mauna na po kami! Salamat po"magalang na sabi ko pa Kay sir Carlos. After kong magpaalam ay agad narin akong tumayo at lumabas na.ALEX'S P.O.V
Nakatingin lang ako sa pintong pinaglabasan ni Ate MM. Hindi man Lang niya ako pinatapos ah! Hindi naman iyon ang isasagot ko eh. Tapos sasabihin niya okay Lang! Pero mukhang Hindi naman! Halata namang nagtatampo siya.
"Okay ka lang iha?"tanong sa akin ni sir Carlos. Tumango naman ako
"Opo! Pasensiya na po! Sa inasta ni ate MM"sabi ko pa.
"Okay lang iyon iha! Sanay na ako sa kanya"sagot naman nito.
"Pero oo nga po pala! Opo! Pumapayag po ako! Hindi ko po natuloy eh! Nagreact na po kasi si ate MM eh."nahihiyang sabi ko pa. Napangiti naman si sir.
"Talaga? Mabuti naman kung ganun! Welcome sa kapamilya network"nakangiting sabi pa niya. May ilan pa siyang sinabi bago ako magpaalam. Kailangan ko pang habulin ang taong iyon! Nagtatampo eh! Manunuyo pa ako nito! Hay!!-
Hello po😊👋👋