CHAPTER 38

102 9 0
                                        

MM'S P.O.V
Dire-diretso lang ako sa paglalakad, pero ngumingiti naman ako kapag may nakakasalubong akong bumabati sa akin. Pero hindi parin mawala iyong inis ko. Sayang naman kasi talaga eh! Opportunity na iyon! Pinalampas pa niya. Dahil ano? Ayaw niyang maging partner ako ganun? Kainis!!
"Uy! Sis! Nandito ka pala?"bati naman sa akin ni Cassy.
"Wala! Wala ako dito! Picture ko lang ito"pamimilosopo ko pa.
"Ewan ko sayo! Pero maiba! Bakit ka nandito? Atsaka bakit ganyan ang mukha mo?"pagtatanong pa niya.
"Wala! Bad trip lang ako! At kaya naman ako nandito ay dahil pinatawag ako ni sir Carlos"sagot ko.
"Bakit daw?"tanong pa niya.
"Saka ko na ikukuwento sayo! Wala Lang ako sa mood magkuwento! Badtrip ako ngayon eh,"sagot ko pa.
"Bakit ka nga ba bad trip diyan? Anyare?"pagtatanong niya ulit.
"Basta!"sagot ko pa. Ayaw ko namang sabihin sa Kanya, kasi kilala ko Sya! Alam kong aasarin Lang ako nito!
"Daya mo naman! Pero okay! Ayaw ko naman na pilitin ka pa! Baka ako pa ang mabuntunan ng galit mo!"pagsuko pa niya.
"Buti alam mo"mataray na sabi ko sa kanya. Sabay irap sa kanya
"Taray mo talaga!"sabi pa niya.
"Sige mauna na ako!"paalam ko pa
"Sandali! May gagawin ka ba ngayon? Labas naman tayo!"pagyaya pa niya. Nag-isip naman ako, wala naman akong gagawin eh! 
"Okay sige! Wala naman akong ibang gagawin eh"sagot ko.
"Talaga? Yes! May makakasama ako sa pagrampa ngayon!"masaya pa niyang sabi. Napailing na lang ako
"Tawagan natin si Alex! Pati iyong mga beks! Para mas marami! Para mas masaya"sabi pa niya, napasimangot naman ako
"Tawagan mo iyong mga bakla! Pero huwag na si Alex"nakasimangot na sabi ko. 
"At bakit naman ayaw mong isama si Alex? May problema ba?"pagtatanong naman niya.
"Wala! Basta ayaw ko Lang!"sagot ko, pero tiningnan Lang naman niya ako name parang Hindi naniniwala.
"Iyong totoo? Bakit nga?"tanong pa niya.
"Wal-"
"Buti na lang naabutan kita"
Agad naman akong napalingon Kay Alex na hinihingal pa.
"Oh Alex? Nandito ka din?"gulat na sabi pa ni Cassy.
"Ah! Hi ate Cassy"nakangiting bati nito.
"Hello din"ganting sabi pa ni Cassy. Tapos tumingin siya sa akin ng nakakaloko.
"Ngayon gets ko na!"sabi pa niya. Pinandilatan ko naman siya.
"Po? Ano pong gets niyo na?"tanon g naman ni Alex sa kanya.
"Ha? Ah wala"sagot naman nito. Buti naman! Tumango Lang si Alex at tumingin na ulit sa akin .
"Sorry na! Hindi mo naman kasi ako pinatapos eh"sabi pa niya. Pero hindi ko naman siya pinansin. 
"Hala! Ano ito? May tampuhang nagaganap?"pagsingit pa ni Cassy.
"Wala no! Tara na nga Lang! Tawagan mo na iyong mga beks"pagyaya ko pa Kay Cassy. At tumalikod na ako ulit para maglakad. Pero nagulat ako ng bigla akong yakapin ni Alex mula sa likuran.
"Sorry na! Pakinggan mo muna kasi ako! Hindi mo naman kasi pinatapos ang sasabihin ko eh"pakiusap pa niya.
"Malinaw naman kasi ang sagot mo! Atsaka huwag kang mag-alala okay lang naman eh"sagot ko naman at tinanggal ang kamay niya sa pagkakayakap sa akin. Naglakad narin naman ako paalis, bahala siya diyan.
"Mali kasi ang akala mo!"sigaw naman niya, kaya napahinto ako sa paglalakad at humarap sa kanya 
"Anong ibig mong sabihin?"tanong ko. Ngumiti naman siya habang papalapit sa akin.
"Hey! Guys! Teka lang ha!-"
Agad naman akong napalingon Kay Cassy.
"Pwede ba! Manahimik ka muna! Nag-uusap pa kami"saway ko sa kanya.
"Pero-"
"Isa! Kapag di ka tumigil diyan! Bubusalan ko iyang bunganga mo"pagbabanta ko pa.
"Okay! Sige na! Usap na kayo"pagsuko niya. Bumaling naman ako Kay Alex na nakatingin lang habang nakangiti.
"So ano na?"pagtataray ko pa, napailing na Lang siya.
"Taray mo talaga teh!"natatawa niyang sabi, sinamaan ko naman siya ng tingin.
"Okay! Heto na! Galit agad eh!"sabi pa niya.
"Bilis!"utos ko pa. Tumawa lang siya, 
"Opo! Kung pinatapos mo lang kasi ako kanina eh! Di sana Alam mo na! Pero dahil nagalit ka kaagad eh! Kaya hayan! Uulitin ko na naman!"reklamo pa niya.
"Eh! Di huwag mo na lang ulitin! Reklamo ka pa diyan eh"sagot ko naman. 
"Hay! Gusto ko ulitin eh! Para marinig mo!"nakangiti naman niyang sabi. Hindi naman ako umimik
"Pumapayag po ako-...aaahhh"sigaw niya ng bigla ko siyang buhatin. Ewan ko din kung bakit ko ginawa iyon? Natuwa Lang siguro ako
"He he he sorry! Masaya Lang ako! Pasensiya ka na pala kanina ha"sabi ko pa at ibinaba ko na siya. Ngumiti Lang siya sabay pisil sa mukha ko.
"Okay Lang iyon!"sagot niya. 
"Ehem! Ehem! Siguro naman pwede na akong magsalita no? Okay na naman kayo di ba?"sabat naman ni Cassy. Tumingin naman kami sa Kanya, ano bang problema nito?
"Ano bang gusto mong sabihin ha? Kanina ka pa diyan eh"tanong ko, ngumuso Lang naman siya sa paligid. Kaya agad ko namang nilibot ang paningin ko. Laking gulat ko ng makita kong ang dami palang tao sa paligid namin
"Nakita niyo na?"tanong pa niya
"Bakit di mo sinabi kaagad?"tanong ko. Umirap Lang naman siya
"Aba! Hoy! Ikaw itong ayaw akong pagsalitain eh! Tapos magtatanong ka pa diyan"sagot naman niya, sinamaan ko Lang siya ng tingin. Buwesit talaga ito kahit kailan!
"Oh ano na? Hindi pa ba tayo aalis? Anong hinihintay niyo? Press? Mukhang parating na sila! Sa ginawa niyo ba namang eksena kanina eh! Hindi na ako magtataka kung imbitahan kayo ni Tito boy! Hahaha"mapang-asar na sabi pa niya. Hindi ko na lang siya pinansin at hinila ko na lang si Alex. Kaasar!!

-

Unexpected Chemistry (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon