CHAPTER 79

54 4 0
                                    

MM'S P.O.V
Agad narin akong tumalikod at nagtatakbo papunta sa sasakyan ko. Pagkasakay ko doon na tuluyang bumuhos ang mga luha ko. Ang sakit! Ang sakit-sakit! Bakit ganito?
"Aaaahhhhhhh!!"sigaw ko pa habang pinapalo ang manubela. Iyak lang ako ng iyak, bakit ko ba kasi siya sinundan pa? Alam kong ganito na ang mangyayari! Pinilit ko pa. Ang sakit talaga!! Binigyan niya ako ng assurance pero hindi ko alam kung panghahawakan ko ito. Matapos ang nakita ko kanina! Nagawa niyang magsinungaling sa akin, para lang sa lalaking iyon. Akala ba niya hindi ko siya maiintindihan? Ganun ba kakakitid ang ulo ko? Di ba hindi naman! Nagsinungaling siya para ano? Para hindi ako magalit? Para hindi ako masaktan? Buwesit na iyan!! Bakit ganito? Pakiramdam ko napagkaisahan ako! Naloko ako!!! Ang sakit!! Ang sakit-sakit eh!!
"Lagi na lang ba ganito? Lagi na lang ba ako masasaktan ng ganito? Kakapagod na!!"
Agad kong pinunasan ang mga luha ko, at pinaharurot ang sasakyan ko. Wala akong pakialam kung sobrang bilis ng andar ko. Wala na akong pakialam! Huminto ako sa isang supermarket, buti na lang pala at nakacap ako at nakajacket. Agad akong pumasok at namili ng mga inumin. Pagkabayad ko agad ko iting inilagay sa sasakyan ko at pumasok narin ako. Muli kong pinaharurot ang sasakyan ko papunta sa kung saan. Habang nagdadrive, kumuha ako ng isang beer at binuksan ito. Wala akong pakialam kung masita man ako! Alam kong bawal uminom kapag nagdadrive pero bahala na! Gusto kong uminom! Kahit nagdadrive ako..
"Wwooooohhh!!!! Ang saya!!!"sigaw ko pa. Patuloy lang ako sa pagdadrive habang umiinom. Hindi ko na nga alam kung nasaan na ako eh. Dire-diretso lang ako habang umiinom. Hindi ko na nga alam kung nakailan na ako eh! Medyo tinatablan narin ako pero kaya ko pa naman. Pero napatingin naman ako sa cp ko ng tumunog ito. Sino naman kaya ito? Agad ko itong kinuha at sinagot.
"Hello"sagot ko
"Hello meme! Teka! lasing ka ba?"tanong pa niya.
"Jon? Ikaw ba iyan?"balik na tanong ko sa kanya.
"Yes meme! Ako nga! Pero teka! Sagutin mo muna ang tanong ko! Lasing ka ba?"tanong pa niya. Napailing na lang ako
"Hindi ako lasing! Nakainom lang"sagot ko pa. 
"Whaaat? Pero teka! Nasaan ka ba? Nagdadrive ka ba?"tanong pa niya.
"Dami mo naman tanong!"reklamo ko pa
"Sagutin mo na lang ako"utos pa niya
"Hindi ko alam! Hindi ko alam kung nasaan ako! Basta nagdadrive lang ako habang umiinom"sagot ko pa. 
"What???? Asjsjjnmakowk-"hindi ko na naman naintindihan ang sumunod na sinabi niya. Talak lang siya ng talak..
"Bahala ka diyan!!"sabi ko at pinatay na ang tawag. Napailing na lang ako at hinagis ko na lang ang cp ko sa kung saan. Kumuha na lang ako ng isang beer at uminom ulit. Nasaan na nga ba ako? Pero sige na bahala na! Dire-diretso lang ako habang umiinom. Maya-maya pa ay bigla na namang tumunog ang cp ko. 
"Haayssst..ano ba naman iyan!!"yamot na sabi ko at kinapa ang cp ko. Pero hindi ko ito makita. Nasaan na ba iyon? 
"Nasaan na ba iyon?"tanong ko pa. Binagalan ko lang ang pagmamaneho ko habang hinahanap ang cp ko. 
"Buwesit! Nasaan na ba iyon!!"inis na sabi ko. Tumingin muna ako sa kalsada, nang matiyak ko na okay naman at walang sasakyang paparating. Agad akong hinanap ang cp ko sa may likod. Nasaan na ba kasi iyon? Kainis eh!! Busy lang ako sa paghahanap ng biglang...

"Beep!! Beep!! Beep!!"

Napatingin naman ako, at nagulat na lang ako ng makita kong may truck na paparating. Agad akong umayos ng upo at sinubukang iiwas ang sasakyan ko. Hindi ko naman mapigilang hindi mapasigaw..
"Aaaaahhhhhhhhh!!!"

JON'S P.O.V
Kanina pa ako hindi mapakali! Nag-aalala kasi ako kay meme. Lalo na at lasing siya ngayon tapos nagdadrive pa siya. Hindi ko alam ang problema niya kaya lalo akong nag-aalala. 
"Ano ba meme! Sumagot ka!!"sabi ko pa habang tinatawagan siya. Pero ayaw niyang sumagot, ring lang ng ring.
"Please naman meme! Sumagot ka!"
Pero nangalay na ang kamay ko sa kakatawag pero hindi talaga siya sumasagot.
"Ano ba iyan! Hindi ko alam kung anong trip mo meme! Pero please!! Sumagot ka naman! Kinakabahan ako sayo eh!"talak ko pa habang tinatawagan siya, pero wala talaga! Naisip ko namang tawagan si Alex. Agad kong hinanap ang number niya at tinawagan siya. Pero ring lang din ng ring, at walang sumasagot.
"Ano ba iyan! Ano bang problema ng dalawang ito? Bakit ayaw nilang sumagot? Kainis!!"
Itinago ko na lang ang cp ko, tutal at hindi ko naman sila matawagan. Mabuti pa ay mapuntahan na lang sila sa bahay nila. Hindi rin naman ako mapapakali dito! Agad na akong nag-ayos para umalis. Pero bago palang ako makaalis eh biglang tumunog ang cp ko. Napakunot naman ang noo ko ng makita kong unregistered ang number.
"Sino naman ito?"tanong ko pa, kahit naman nag-aalangan agad ko naman itong sinagot.
"Hello"sagot ko, pero natigilan naman ako, at halos mabitawan ko ang cp ko dahil sa sinabi ng sa kabilang linya...
"No!! Hindi pwede!!!"

ALEX'S P.O.V
Pauwi na ako ng biglang tumunog ang cp ko, kaya kaagad ko itong sinagot.
"Hello"sagot ko. Napakunot naman ang noo ko ng marinig kong umiiyak iyong nasa kabilang linya. Kaya agad ko naman tiningnan kung sino ba ito!
"Hello ate Cassy"pag-uulit ko pa. 
"Hello Alex"sagot naman niya, 
"Bakit po? Ano pong nangyari? Bakit ka po umiiyak?"tanongko pa. 
"Alex kasi...huwag ka sanang mabibigla ha!! Si MM kasi..."hindi na naman niya naituloy ng bigla na lang siyang humahagulhol sa pag-iyak. Kinabahan naman ako..
"Ate ano pong nangyari? Please!! Huwag mo naman akong takutin oh! Sabihin niyo pong okay lang si MM! Please po!"pakiusap ko pa.
"Sorry Alex...si MM kasi...naaksidente siya"
Napailing naman ako, no! Hindi! Hindi pwede!
"No! Hindi totoo iyan!! Hindi totoo! Hindi totoo ito!!!!"sigaw ko pa habang umiiyak. No hindi ito totoo!! Hindi!!
-
"Hey! Alex! Gising! Gumising ka!"
Napamulat naman ang mata ko at napatingin kay Tyrone.
"Anong nangyari?"tanong ko.
"Nanaginip ka yata"sagot naman niya. Napayakap naman ako sa kanya. Panaginip lang pala iyon! Akala ko totoo na. Natakot ako! Buti na lang at hindi totoo iyon..

-

Unexpected Chemistry (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon