CHAPTER 99

72 7 0
                                    

MM'S P.O.V
"Arraaayyy!! Nay!! Masakit!!"sigaw ko. Ayaw parin niya kasing bitiwan ang tainga ko. Ito namang si Alex, tinawanan lang ako.
"Nay! Awat na! Masakit talaga!!"pakiusap ko pa. Buti naman at binitiwan na niya. Agad kong hinawakan ang tainga ko. Ang sakit!!
"Dapat lang sayo iyan! Para magtanda ka! Iwan mo ba naman si Alex sa bahay ng mag-isa lang!!"sermon pa niya sa akin.
"Sorry po! Hindi ko naman po alam na mangyayari ito eh..aray!!" Mapanakit talaga ang itong nanay ko.
"At nangatwiran ka pa talagang bata ka! Buwesit ka!!"sabi pa niya sabay hampas ulit sa akin. Huhuhu!! Kawawa naman ako...
"Timeout na nay! Masakit na talaga!"pakiusap ko
"Sorry na po! Mali po talaga ako! Hindi na po mauulit"sabi ko pa. Tumigil naman siya sa paghampas sa akin. Pero masama parin ang tingin..
"At dapat lang! Dahil kung hindi! Malilintikan ka talaga sa akin!"banta pa niya. Tumango naman ako kaagad 
"Opo! Hindi na po mauulit"sagot ko.
"Talagang hindi na dapat maulit iyon! Huwag na huwag mo siyang iiwan na mag-isa at walang kasama sa bahay. Paano na lang kung hindi kami dumating? Eh di may masama ng nangyari sa kanya!"sermon pa niya. Napatingin naman ako kay Alex na nakatingin lang sa amin. 
"Sorry"sabi ko sa kanya. Ngumiti lang naman siya. Hindi ko naman talaga uulitin pa na iwan siyang mag-isa eh.
"Sorry din po nay! Pasensiya na po! Promise po hindi na po mauulit ito. Hindi ko na po siya iiwan mag-isa sa bahay"seryosong sabi ko pa. Buti na lang talaga at dumating sina Nanay. 
"Siguraduhin mo iho! Lalo na ngayon-"di na naman natuloy ang sasabihin ni Nanay ng biglang magsalita si Alex.
"Baby!! Gusto kong Cake!!"sabi pa niya. Habang nakangiti sa akin. Tumango naman ako sa kanya at ngumiti
"Yes Baby! Bibili kitang cake! Saglit lang!"sagot ko. 
"Yehey!! Thank you Baby!!"tuwang-tuwang sabi pa niya. Napailing na lang ako at hinalikan muna ang noo niya bago tuluyang lumabas para bumili ng cake.

ALEX'S P.O.V
Pagkaalis naman ni MM ay agad naman tumingin si Nanay sa akin.
"Bakit hindi mo sinabi sa kanya?"tanong pa niya. 
"Sasabihin ko din po sa kanya, kaso hindi lang po ngayon"sagot ko. Kita ko namang naguguluhan siya
"Please po Nay! Sa atin-atin muna po ito. Pero promise po! Sasabihin ko din po sa kanya. Balak ko lang pong supresahin siya"sabi ko pa. Ngumiti naman siya, 
"Okay! Kung iyan ang gusto! Pero sana huwag mo ng papatagalin ha! Kasi mahahalata at mahahalata rin niya iyan!"natatawang sabi pa niya. Tumango naman ako
"Opo Nay! Promise po! Balak ko lang po isurprise siya"sagot ko. Yinakap naman niya ako.
"Salamat iha ha! Tinupad mo ang pangarap ko"sabi pa ni Nanay habang yakap-yakap ako. Ngumiti lang naman ako at yumakap sa kanya.

"Hay! Ganun parin? Drama parin?"

Napalingon naman kami kay Ate Mika na kakarating lang galing sa pagbili ng mga vitamins ko.
"Heto..huwag mong kakalimutan na itake ito ha. Para healthy ka at si baby"nakangiting sabi pa ni ate sabay abot sa akin. 
"Thank you po ate"nakangiting sabi ko.
"Ay oo nga pala! Parang nakita ko si MM sa labas"sabi pa nito.
"Ah opo! Galing po siya dito. Pinabili ko lang po ng Cake"sagot ko.
"Ah! Pinaglilihihan mo talaga ang cake no?"natatawang sabi pa ni Ate. Natawa na lang ako
"Siguro nga po! Kaya pala po ang hilig ko sa cake"natatawang sagot ko.
"Ay! Oo nga po pala ate! Pwede po bang huwag niyo po munang sabihin kay MM ang tungkol po dito"pakiusao ko pa. Napakunot naman ang noo niya.
"Bakit naman? Di mo pa ba nasasabi sa kanya?"tanong naman niya sa akin. Umiling naman ako
"Hindi pa po, kaya po sana huwag niyo po munang sasabihin sa kanya"sagot ko. 
"Pero bakit naman?"tanong pa ulit niya.
"Balak ko po sanang supresahin siya"sagot ko. Napangiti naman si ate.
"Ang sweet mo naman! Hay! Sige na nga! Support na lang kita"sagot pa niya.
"Thank you po ate!"sabi ko pa.
"Wala iyon! Malakas ka sa akin eh"sagot pa niya. Natawa na lang ako
"Hay! Hanggang ngayon hindi parin ako makapaniwala na pwede palang mangyari ito! Si tutoy magiging lalaki ulit! Akala ko noon, forever na magiging bakla na siya. Pero ngayon! Aba! Matinde! Magiging daddy na siya"tuwang-tuwang sabi pa ni Ate Mika.
"Ako din naman po eh! Hindi ko din po akalin ito! Pero sobrang saya ko"sagot ko
"Kami din iha! Masaya para sa inyong dalawa! Hay! Lola na ulit ako"masayamg sabi pa ni Nanay.
"At finally Tita na ako!"dagdag pa ni ate.
"And finally Mommy na ako"sagot ko din. Nagtawanan na lang kami....

"Mukhang masaya kayo ah! Share naman diyan"

Napalingon naman kami sa may pinto, kung nasaan si MM na may hawak-hawak pang cake.
"Nandiyan ka na pala"sabi ko pa. Lumapit naman siya sa akin.
"Anong pinag-uusapan niyo at parang ang saya-saya niyo?"tanong pa niya.
"Wala iyon! Nagkukwentuhan lang kami nina Nanay at ate"sagot ko.
"Wow! Close na pala kayo ngayon ah! Ayos iyan!!"sagot naman niya. Natawa na lang kami..
"Hindi lang close! Close na close"sabay-sabay naming sabi sabay tawa.

Unexpected Chemistry (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon