ALEX'S P.O.V
"Sino ka?"
Nawala naman ang ngiti sa labi ko dahil sa tanong niya.
"Baby naman! Masyado ka talagang mapagbiro! Huwag mo naman akong biruin ng ganyan! Kinakabahan ako eh"sabi ko sa kanya habang pilit na ngumi-ngiti. Please! Sabihin niya po sanang joke lang ang lahat! Sabihin niyang nagbibiro lang siya! Please po!
"Sorry miss! Pero hindi talaga kita kilala"sagot niya, na ikinaguho ng mundo ko. Napaatras na lang ako habang tumutulo ang mga luha ko. Naramdaman ko naman na biglang may yumakap sa akin. Pagtingin ko nakita ko si Tyrone na bakas ang pag-aalala.
"Ate MM! Sabihin mo nagbibiro ka lang di ba? Nakikilala mo kami di ba?"tanong niya pa. Napatingin naman ako kay MM at hinihintay ang sagot niya.
"Oo nga meme! Naaalala mo kami di ba?"tanong pa nina Jon.
"Sis! Huwag mo naman kaming biruin ng ganyan! Hindi ka nakakatuwa"sabi naman ni Ate Cassy. Tumingin naman siya sa mga ito, tapos ay ngumiti.
"Kinakabahan kami sayo meme"sabi pa ng mga beks!
"Pambihira naman kayo! Ano bang klaseng tanong iyan! Siyempre nakikilala ko kayo! Ano ba?"natatawang sagot niya. Nakahinga naman ako ng maluwag..'salamat'
"Grabe ka meme! Tinakot mo naman kami! Akala naman namin wala ka talagang maalala eh!"sabi pa ni Jon. Kita ko namang napakunot ang noo niya
"Mga sira! Bakit naman mawawala ang ala-ala ko aber? Kaloka kayo"sagot naman niya tapos tumingin sa akin. Napangiti naman ako sa kanya, lalapit na sana ako ulit ng magsalita siya
"Pero kanina pa ako napapaisip! Kung sino siya?"tanong niya sabay turo sa akin. Natulala na lang ako at hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong ireact.
"Si Alex iyan meme! Ano ka ba?"sagot naman ng mga beks.
"Para ka talagang sira sis! Artista ka nga! Pero tigilan mo na iyan! Tinatakot mo na si Alex eh"saway naman sa kanya ni ate Cassy. Ramdam ko iyong paghigpit ng kapit ni Tyrone sa kamay ko. Kaya napalingon ako sa kanya, ngumiti naman siya
"Hindi ako nagbibiro! Hindi ko talaga siya nakikilala! Bakit sino ba siya?"tanong pa niya. Lalo naman akong napaiyak, hindi ko na napigilang lumapit sa kanya at niyakap siya.
"Ba-baby please! Huwag naman ganito oh! Please sabihin mong nagbibiro ka lang!"pakiusap ko pa. Agad naman niya akong inilayo sa kanya.
"Sorry miss! Pero hindi talaga kita kilala! Atsaka pwede ba! Huwag mo akong tawaging baby! Nakakadiri eh!"sabi pa niya sabay tulak sa akin ng mahina. Hindi naman ako nagpatinag at lumapit ulit sa kanya. Agad kong hinawakan ang kamay niya
"Baby please! Tigilan mo na itong pagbibiro mo!"pakiusap ko pa. Hinila naman niya kaagad ang kamay niya.
"Ano ba miss! Sabi ko ng hindi kita kilala eh! Huwag ka ngang makulit diyan"mataray na sabi pa niya. Naiiyak na lang ako pero nagpakatatag parin ako. No! Nagbibiro lang siya! Nagbibiro lang siya!
"Baby! Ako ito si Alex! Ang baby mo"sabi ko pa. Pero sinamaan lang niya ako ng tingin.
"Pwede ba miss! Tumigil ka na sa kakatawag sa akin ng Baby! Nakakadiri kasi! Kung alam mo lang? Atsaka hindi talaga kita kilala! Ngayon lang kita nakita no"sagot naman niya. Napailing na lang ako
"No! Matagal mo na akong kilala! Kahit itanong mo pa sa kanila! Ako iyong baby mo! Ako ito si Alex!"pagmamakaawa ko pa.
"Di ba guys? Kilala niya ako? Di ba totoo lahat ng sinasabi ko? Guys sabihin niyo sa kanya! Sabihin niyo sa kanya na kilala niya ako!"pakiusap ko pa sa kanila. Kita ko naman iyong awa sa mga mata nila habang nakatingin sa akin.
"Ano ba guys!! Huwag niyo lang akong tingnan ng ganyan! Sabihin niyo sa kanya na kilala niya ako! Parang-awa niyo na"pagmamakaawa ko pa.
"Alex..."nag-aalalang sabi pa nila
"Pwede ba miss! Tumigil ka na! Hindi ka na nakakatuwa eh!"sigaw naman niya sa akin. Hindi naman ako nakapagpigil lumapit ako sa kanya at hinawakan ko ang mukha niya. Kita kong nagulat siya, pero wala akong pakialam! At bago niya pa ako maitulak, agad ko siyang hinalikan. Nagulat na lang ako ng bigla niya akong itulak ng malakas. Buti na lang at nasalo ako ni Tyrone.
"Okay ka lang?"tanong pa niya. Tumango na lang ako.
"Siraulo ka ba? Ganyan ka ba talaga kadesperada ha? Hindi ka ba talaga nakakaintindi? Di ba sabi ko sayo hindi kita kilala! Bakit ba ang kulit mo? Pwede ba umalis ka na! Sumasakit ang ulo ko sayo eh! Baka hindi ako makapagpigil! Makalimutan kong babae ka!"sigaw pa niya sa akin. Kita ko iyong galit sa mata niya. Kaya lalo akong napaiyak. Bakit ganun? Bakit hindi niya ako nakikilala? Bakit sa dami niyang makakalimutan? Bakit ako pa?
"Alex..okay ka lang!? Pagpasensiyahan mo na siya! Baka epekto lang iyan ng pagkakaaksidente niya."sabi sa akin ni RC sabay yakap sa akin.
"Oo nga Alex! Huwag kang mag-alala! Magiging maayos din ang lahat!"sabi naman ni Rhian.
"Tatawagin ko lang ang Doctor ha! Para itanong kung anong nangyayari sa kanya. Kaya huwag kang mag-alala! Magiging maayos din ang lahat! Magiging okay din kayo"sabi naman ni Jon. Tumango naman ako bilang sagot sa kanila.
"Salamat"sabi ko pa.
"Sshhhh...kaya mo iyan Alex! Nandito kami para sayo! Tutulungan ka namin"sabi naman ni ate Cassy sabay yakap sa akin. Yumakap narin ako sa kanya at umiyak na lamang. Ito na lang naman ang tanging magagawa ko eh! Ang umiyak!
"Oh? Ano pang ginagawa mo dito? Di ba sabi ko sayo umalis ka na! Pwede ba guys! Paalisin niyo na iyang babaeng iyan dito! Umiinit lang ang ulo ko eh!"pagtataboy naman niya sa akin.
"Sige na...kami muna ang bahala dito! Balitaan ka na lang namin"sabi pa ni Ate Cassy. Napayuko na lang ako, ang sakit sobra! Ang sakit na hindi ka na niya maalala! Pinagtatabuyan ka pa niya.
"Ikaw na muna ang bahala sa kanya Tyrone ha! Ingatan mo siya"rinig ko pang bilin ni ate Cassy kay Tyrone.
"Okay po ate Cassy! Ako na po ang bahala sa kanya! Hindi ko po siya papabayaan"sagot naman ni Tyrone.
"Tara na?"pag-aaya pa niya sa akin habang inaalalayan ako. Sumama na lang ako sa kanya. Kahit naman ayaw kong umalis wala din akong magagawa eh. Ayaw niya akong makita! Hindi niya ako matandaan! Lahat ng ala-ala namin nakalimutan niya! At ang sakit! Ang sakit-sakit! Iyong akala ko okay na ang lahat! Tapos biglang ganito.
"Ssshhhh....kaya mo iyan!! Kayanin mo iyan! Tahan ka na! Magiging maayos din ang lahat"pagpapatahan pa sa akin ni Tyrone sabay yakap sa akin. Yumakap naman ako sa kanya, kailangan ko din kasi ito! Kasi hindi ko alam kung kakayanin ko pa ba? Kasi sobrang sakit na!!
"Ang sakit-sakit!! Hindi niya ako maalala!"iyak ko pa.
"Ssshhhh...magiging maayos din ang lahat! Maaalala ka din niya!"sabi pa niya.
"Sana nga! Sana! Dahil hindi ko kaya! Hindi ko kakayanin!"umiiyak na sabi ko pa.
"No! Kaya mo iyan!! Nandito ako! Hindi kita iiwan"rinig ko pang sabi niya bago ako tuluyang mawalan ng malay.
-
