CHAPTER 51

111 8 0
                                    

MM'S P.O.V 
After ng guesting namin at meeting with the boss ni Alex. Nagyaya akong pumunta sa bar, hindi sumama si Alex dahil nagpaalam siya sa akin na mag-oovernight muna sa kanyang mga kaibigan. Pinayagan ko naman siya, mabuti na rin iyon para sa amin. Kaya si Cassy lang ang kasama ko ngayon kasi ang mga beks ay may sari-sariling lakad. 
"Oh ano na? Nagyaya ka magbar pero nakaupo ka lang diyan at tahimik na umiinom! Bakit hindi ka pumunta doon! Daming boys oh!"biglang sabi ni Cassy sa akin pagkalapit niya sa akin. Umiling naman ako
"Wala ako sa mood! Gusto ko lang uminom"sagot ko.
"Wala sa mood? O hindi ka na talaga interesado sa kanila? Kasi iba na ang gusto mo"tukso pa niya. Inirapan ko lang siya at uminom na lang ako. Maya-maya pa ay may biglang lumapit sa amin. 
"Hi!"bati nito sa amin, pero nakatingin lang sa akin. Halata namang nagpapacute, gwapo siya oo! Pero hindi ko siya type. Tumango lang ako at uminom na lang ulit. Wala akong time sa pakikipaglandian. 
"Hi din!"bati ni Cassy.
"Pwedeng maki-join? Kung okay lang?"tanong nito.
"Sure!"agad na sagot ni Cassy. Pero wala akong pakialam sa kanila, bahala sila.
"Oh by the way I'm Alexander!"pagpapakilala nito, bigla naman akong nasamid. Buwesit na iyan naman oh! Sa daming pangalan sa mundo iyon pa talaga!!
"Okay ka lang ba?"tanong nito sa akin, tumango lang ako. Hindi naman nakalampas ang mapanuksong ngiti ni Cassy sa akin.
"Oh hi! Alexander! Nice to meet you! I'm Cassy"pagpapakilala naman ni Cassy. Sinenyasan naman ako ni Cassy na makipagkilala din pero hindi ko siya pinansin.
"Yeah! Kilala ko na kayo! Di ba celebrity kayo?"sabi pa nito. 
"Yap! Tama ka alexander!"sagot naman ni Cassy. 
"Hehehe, Alex na lang!"sabi pa nito. Biwesit! Kainis naman oh! Di ko nga siya kasama pero hanggang dito ba naman!
"Hi MM, tahimik mo yata!"baling nito sa akin. Inirapan ko lang siya.
"Wala kampake!"pagtataray ko pa sabay tayo. Narinig ko pang humingi ng pasensiya si Cassy bago sumunod sa akin. Nagdire-diretso naman ako palabas ng bar, 
"Buwesit!!"sigaw ko sabay sipa sa gulong ng sasakyan ko. Kainis!! Bakit ba ako nagkakaganito!? 
"Waahhhhhh!'sigaw ko pa, medyo tago naman itong kinatatayuan ko kaya wlaang makakakita sa akin.
"Okay ka lang?"biglang may nagsalita at alam Kong si Cassy iyon.
"Hindi ko alam!"sagot ko, at sumandal sa sasakyan ko.
"Dahil ba Kay Alex?"tanong pa nito, umiling naman ako
"Ha? Doon sa lalaking iyon? Hindi ah!"sagot ko. Napailing na lang siya at umabay sa akin
"Alam mo kung sinong Alex ang tinutukoy ko"sabi pa nito, napangiti naman ako ng mapait bago tumingala sa langit.
"Naguguluhan na ako! Hindi ko na alam kung ano ang nangyayari sa akin"pag-amin ko. Siguro dahil narin sa nainom ko kung bakit malakas ang loob Kong sabihin ito.
"Di ko alam kung bakit ako nagkakaganito! Pumunta ako dito para maglibang, makalimot! Matahimik man lang ang isip ko. Pero hanggang dito siya parin! Siya parin iyong naiisip ko! Nakakainis nga eh! Nakakainis na nakakatawa! Mantakin mo? Sa dinami-daming pwedeng pangalan ng lalaking iyon! Talagang Alex patalaga? Kung hindi ka nga naman inaasar di ba! Kainis!!"pagpapatuloy ko pa. Napasalampak na lang ako,at napaubob, habang ginugulo ang buhok ko.
"Hindi ko naman dapat nararamdaman ito di ba? Di ba? Kasi hindi ito tama! Bakla ako! At hindi ko ito nararamdaman para sa kanya! Dapat sa lalaki lang! Hindi dapat Kay Alex! Hindi dapat sa kanya! Hindi ito tama! Mali ito! Mali!"sabi ko pa.
"Sis!"sambit pa ni Cassy at tinapik-tapik ang balikat ko.
"Sis! Bakit ganito? Sagutin mo ako? Bakit ako nagkakaganito? Please naman,oh! Kasi naguguluhan na talaga ako!"pagmamakaawa ko pa. Niyakap naman niya ako.
"Sis! Hindi ko alam kung ano ba ang tamang sabihin sayo. Dahil kahit ako hindi ko alam amg sagot sa mga tanong mo. Kung ano ba talaga ang nangyayari sayo! Kung ano ba talaga iyang nararamdaman mo. Pero ito lang sis ang sigurado ako. Hindi kailan naging mali na magmahal ka! Sa lalaki man ito o sa babae man."sabi naman niya.
"Pero sis! Mali ito! Di tama ito! Hindi ako ito!"sabi ko pa. Umiling naman siya.
"Walang sinuman ang pwedeng magsabi na mali iyang nararamdaman mo. Kasi nararamdaman mo iyan! At huwag mong sasabihin na mali siya! Kasi tama siya!"sagot pa nito. Napahilamos na lang ako sa mukha ko.
"Anong gagawin ko?"tanong ko pa. Inaangat naman niya ang mukha ko.
"Ano ba ang sinasabi nito?"tanong niya sa akin sabay turo sa dibdib ko.
"Hindi ko alam! Ang gulo kasi nito"sagot ko sabay turo sa isip ko.
"Nasasabi mo lang na magulo, kasi ayaw mong tanggapin ang sinasabi ng puso mo."sabi naman niya.
"Hindi ko kasi alam ang susundin ko!"sabi ko pa.
"Sundin mo kung saan ka sasaya! Iyong hindi iniisip ang sasabihin ng iba!"sagot naman niya. Napatingala na lang ako, at napapikit. Ano ba ang dapat kong gawin?

-

Unexpected Chemistry (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon