MM'S P.O V
"So sigurado ka ba na gusto mo na ganun iyong maging ending?"tanong sa akin ni Alex, tumango naman ako
"Oo,siguradong-sigurado. Maiba naman"nakangitikong sagot.
"Pero maliban lang doon sa suggestion mo!"pahabol ko pa. Natawa naman siya
"Bakit? Natatakot ka ba?"mapang-asar na tanong niya.
"Hindi no! Basta ayaw ko lang"sagot ko
"Talaga lang ha? Baka naman kasi..-"
"Hindi no! Basta walang ganun!"may diin na sabi ko pa.
"Asus! Sabihin mo lang na affected ka"asar pa niya, ang kapal niya!
"Hindi no! Kapal nito!"tanggi ko.
"Talaga? Eh bakit di mo magawa? Wala lang naman iyon eh"sabi pa niya.
"Eh sa ayaw ko eh! At teka nga! Bakit ba pinupush mo? Siguro-"hindi ko naman natuloy ang sasabihin ko ng hinampas niya ako
"Hoy! Hindi no! Tumigil ka nga! Kapal nito! Atsaka inaasar lang kita no. Wala akong balak seryosohin iyon"agad na sabi niya. Nagkibit-balikat na lang ako
"Okay! Sabi mo eh!"natatawang sabi ko.
"Tara na nga sa loob"pag-aaya ko pa, at agad na hinila siya papasok. Pagkapasok namin kaagad namin sinabi Kay direk ang napag-usapan namin. Kung ano iyong gusto naming ending ng story, Hindi naman nagulat si direk. Inaasahan na daw niya iyon, kaya kaagad na kaming naghanda. Retouch-retouchganun! Inhale! Exhale!! Woooaahhh!!!
(SCENE)
JM'S P.O.V
"Excuse me"rinig kong may nagsalita kaya dahan-dahan akong tumingin sa kanya. Gulat, iyon ang una kong naramdaman. Ngumiti naman siya sa akin, pero ako'y nakatingin lang sa kanya. Gusto kong magsalita, pero hindi ko alam ang sasabihin ko. Hanggang ngayon hindi parin ako makapaniwala na narito siya sa harapan ko. Akala ko ay hindi na kami magkikita, pero heto siya nasa harapan ko. Halos samo't-samong emosyon ang nararamdaman ko ngayon. Galit, sakit, pangungulila..hindi ko na maintindihan.
"I miss you"sabi niya habang nakatitig sa akin. Napangiti naman ako ng mapait, sabay iwas ng tingin sa kanya. Agad na akong tumayo para sana ay umalis na.
"Nagsasayang lang pala ako ng oras dito, sana pala hindi na lang ako pumunta"may galit na sabi ko at akmang aalis na, pero agad niya akong hinawakan sa braso ko
"Sandali!"pigil niya sa akin.
"Mag-usap muna tayo oh! Please! Pakinggan mo muna ako, kahit saglit lang"pakiusap pa niya.
"Wala na tayong dapat pag-usapan pa! Kaya pwede ba bitawan mo ako"sagot ko, ng hindi parin tumitingin sa kanya. Pero sa halip na bitawan ako ay lalo pa niyang hinigpitan ang pagkakahawak sa akin.
"No! Hindi kita bibitawan hanggang hindi tayo nag-uusap"matigas na sabi pa niya. Napakuyom naman ako at galit na tumingin sa kanya.
"Alin ba ang Hindi mo maintindihan ha? Di ba sabi ko sayo ayaw kitang makausap! Dahil wala na naman tayong dapat pag-usapan pa."galit na sabi ko, kita ko naman na umiiyak na siya.
"Marami tayong dapat pag-usapan, iyong nangyari sa atin noon, kung bakit ako umal-"
"Wala na akong pakialam doon! Matagal na akong nakamove on. At matagal ko ng kinalimutan ang lahat, at kasama ka na doon! Kaya pwede ba tumigil ka na! Bitawan mo na ako! Dahil doon ka naman magaling di ba?"putol ko sa sasabihin niya. Nagulat naman ako ng bigla niya akong yakapin.
"Please! Hayaan mo muna akong makapagpaliwangoh, after nito titigil na ako! Please baby.."natigilan naman ako ng tawagin niya akong 'baby'. Iyon iyong tawagan namin noon, ngayon alam ko na kung bakit ganon iyong pangalan niya sa twitter. Bakit hindi ko napansin iyon kaagad? Kaya pala ganun na lang iyong sinsabi niya.
"Please"pakiusap pa niya, napabuntong-hininga na lang ako. Siguro ito na iyong right time para pag-usapan namin ang lahat. Gusto ko narin makalaya eh! I know may bahagi parin siya sa puso ko. Kahit sobrang tagal na noon, dami ng nagbago pero still siya parin..at hindi ko maitatanggi sa sarili ko na namiss ko siya ng sobra, namiss ko ang baby girl ko..
"Okay"mahinang sabi ko, agad naman siyang tumingala para tingnan ako.
"Thank you"nakangiti niyang sabi, tumango lang naman ako. At dahil narin masyado na kaming gumagawa ng eksena sa restaurant, niyaya ko na siyang umalis para pumunta sa ibang lugar. At buti naman at malapit lang ito sa lugar na iyon. Kita kong nagulat siya ng makarating kami, sa secret place namin. Oo hanggang ngayon, nandito parin ito, at pag malungkot ako at namimiss ko siya dito ako pumupunta. Madami kaming ala-ala dito, mga masasayang ala-ala.
"Namiss ko ang lugar na ito"sabi niya habang nililibot ang paningin niya lugar. Ako naman ay nakatingin lang sa kanya, at pinapanood bawat galaw niya.
"Dami kong namiss sa lugar na ito, pero higit Kong namiss iyong taong kasama ko palagi sa lugar na ito"sabi pa niya habang diretsong nakatingin sa akin. Agad naman akong umiwas at naupo na lang..
"Halos walang pinagbago ang lugar na ito! Ganun parin tulad ng huli Kong nakita! Sana ganun din tayo no? Pero alam kong Malabo!"dagdag pa niya sabay upo sa tabi ko.
"Iniwan mo kasi ako"hindi ko na napigil sabihin. Kita Kong napayuko siya..
"Bakit mo ako iniwan? Akala ko ba walang bibitaw? Pero bakit ka umalis? Wala ka man lang paalam"tanong ko pa.
"Sorry, alam ko na Mali iyong ginawa ko. Mali na umalis ako, na iniwan kita. Pero iyon lang ang tanging paraan ko para isalba ka. Ayaw ko rin na iwan ka! Pero wala akong magagawa, dahil kung hindi ko gagawin iyon, baka masira ang buhay mo. Baka kung anong gawin sayo ni Daddy, tinakot niya ako, na kapag hindi kita nilayuan! May gagawin siya sayo na pagsisisihan ko. Kaya kahit masakit at mahirap, pinili Kong bitawan at iwan ka. Pinili Kong lumayo at sumama sa kanila papuntang Singapore. Pero maniwala ka! Kahit kailan hindi ka nawala sa puso't-isipan ko. Palagi parin akong gumagawa ng paraan para malaman kung ano ang kalagayan mo. Kahit panakaw na tingin lang sayo mula sa malayo okay na ako. Akala ko nga, okay na ako na ganun na lang pero hindi eh! Gustong-gusto Kong yakapin ka! Lapitan at kausapin ka. Gusto Kong magpaliwanag sayo pero hindi ko magawa, nauunahan ako ng takot. Alam ko kasing galit ka sa akin at hindi kita masisisi doon. Ayaw ko din naman na guluhin ka pa, at natatakot din ako na malaman ni daddy. Pero matagal na pala niyang alam na pinasusundan parin kita at inaalam ko parin lahat ng tungkol sayo. Akala ko magagalit siya pero hindi! Hinayaan niya ako, kaya dahil doon naglakas loob akong kausapin ka, kahit sa tweeter lang. Sobrang saya ko nga na napansin mo ako. At nagkaroon ako ng chance para makipagkita sayo at makausap ka. Para makapagpaliwanag sayo, kahit iyon man lang magawa ko. Don't worry hindi na naman kita guguluhin eh, after nito, aalis na ulit ako."mahabang paliwanag niya. Tahimik lang ako at sinasala ang lahat ng sinabi niya. Hindi ko alam na ganun din iyong pinagdaanan niya. Akala ko ako lang iyong nahirapan mas siya pala. Hindi ko alam na pinasusundan parin niya ako, at inaalam ang lahat sa akin. Samantala ako! Wala akong ginawa, nagalit ako sa kanya pero hindi naman pala dapat..
"Salamat ha! Hinayaan mo akong makausap ka. Hindi ko na hinhiling na mapatawad mo pa ako, o ano? Ang tanging hiling ko na lang ay maging masaya ka sana. At makilala ang totoong magmamahal sayo na hindi ka sasaktan at iiwan tulad ng ginawa ko. Patawad muli at paalam na. Mahal parin kita"sabi pa niya at hinalikan ako sa pisnge. Ramdam Kong tumayo na siya at nagsimula ng maglakad paalis.
'Uupo ka na lang ba diyan? Hindi mo ba siya hahabulin? Ito na ang huling pagkakataon mo! Kapag hinayaan mo siyang umalis wala ka ng pagkakataon muli na makasama siya'sabi pa ng utak ko.
Agad naman akong tumayo para habulin siya..
"Jaki!!"tawag ko sa kanya, tumigil naman siya paglalakad at lumingon sa akin.
"Pwede bang makiusap sayo"sabi ko pa.
"Ano iyon?"tanong niya. Dahan-dahan naman akong naglakad palapit sa kanya.
"Pwede bang makiusap na huwag ka ng umalis, na huwag mo na ulit akong iwan. Na dito ka na lang"sagot ko habang diretsong nakatingin sa kanya. Lalo naman siyang naiyak at tinawid ang pagitan mamin at niyakap ako. Napangiti na lang ako at niyakap din siya.
"Mahal na mahal parin kita JM"umiiyak na sabi pa niya. Kumalas naman ako sa pagkakayakap sa kanya at hinawakan ang mukha niya.
"Mahal na mahal parin kita Jaki at hindi nagbago o nawala iyon"nakangiting sagot ko sa kanya. Ngumiti naman siya sa akin. Dahan-dahan ko namang nilapit iyong mukha ko sa mukha niya..
(Hahaha...akala niya ha...kita ko kung gaano siya kinakabahan. Pero wala naman akong balak ituloy ito, inaasar ko lang talaga si Alex. Nasabi ko narin naman Kay direk na kapag malapit na agad din siyang sisigaw ng cut. Kaya hayun patuloy kong inilapit ang mukha ko sa mukha niya, kita ko naman na pilit niya itong inilalayo. Pero nakangiti parin siya. Gusto ko naman matawa sa itsura niya..hahaha. Konting-konti na lang talaga ang pagitan namin! Pero teka! Bakit ang tagal sumigaw ni direk? Napansin naman niya na parang hindi ko itutuloy kaya lalo siyang napangiti. Nagulat na lang ako ng ikinawit niya sa leeg ko ang kamay niya. Patay! Muli siyang ngumiti sabay hila sa ulo ko. Dahilan para magkiss kami. Oh M G!!!)
"CUT!!!"sigaw ni direk.
-
