ALEX'S P.O.V
Dalawang araw na rin ng makauwi kami sa Pilipinas. At ang nakakatuwa ay kasama naming umuwi sina ate at Nanay. Kaya maingay na naman sa bahay. At salamat na rin at nandito sila kasi itong si MM ng makauwi kami. Hindi na natali sa bahay, palaging alis ng alis. Hindi naman sinasabi kung saan pupunta. Hindi ko nga minsan maiwasang hindi magduda eh. Pero buo naman ang tiwala ko sa kanya, minsan lang talaga nakakapagduda na. Hay!!!...
"Oh! Iha! Bakit parang ang lalim ng iniisip mo diyan? May problema ba?"tanong sa akin ni Nanay. Ngumiti lang naman ako at umiling.
"Wala naman po! May iniisip lang po"sagot ko. Umupo naman siya sa tabi ko
"Si MM ba?"tanong pa ni Nanay. Tumango naman ako
"Anong problema? Nag-away ba kayo?"nag-aalalang tanong ni Nanay.
"Wala naman pong problema, hindi rin po kami nag-away ni MM"sagot ko habang nakayuko. Iniangat naman ni Nanay ang ulo ko at hinawakan ang kamay ko.
"Umamin ka nga sa akin, may problema ba talaga kayo?"tanong ulit ni Nanay. Umiling lang naman ako
"Wala po talaga"sagot ko.
"Eh ano ang problema?"tanong niya pa.
"Kasi po Nay, si MM po kasi palagi po siyang wala! Tapos hindi po siya nagsasabi sa akin. Kahit ayaw ko po namang mag-isip ng kung ano-ano hindi ko po maiwasan."sagot ko. Ngumiti naman si Nanay
"Wala kang dapat ipag-alala iha! Mahal ka ng anak ko. At hindi siya gagawa ng anumang bagay na magiging dahilan para mawala kayo sa kanya. Kaya wala kang dapat ipag-alala."sagot naman ni Nanay.
"Alam ko naman po iyon eh! Atsaka po may tiwala naman po ako sa kanya. Kaso lang po hindi ko po maiwasang mag-isip ng kung ano. Natatakot lang po kasi ako!"pag-amin ko.
"Iha! Wala kang dapat ikatakot! Mahal ka niya! Mahal na mahal! Kaya huwag ka ng mag-isip ng kung ano-ano pa"sabi naman ni Nanay.
"Alam ko pong mahal niya po ako! Kaso lang po hindi niya naman po ito sinasabi"nakangusong sabi ko. Bigla namang natawa si Nanay. Kaya napakunot naman ang noo ko
"Bakit po kayo tumatawa?"tanong ko.
"Eh kasi iha! Nakakatawa kasi kayo!?"tumatawang sagot ni Nanay.
"Bakit naman po"tanong ko ulit.
"Eh paano kasi iha! Nabuntis kana lahat-lahat! Hindi pa niyo nasasabi na mahal niyo ang isa't-isa"sagot pa ni Nanay. Lalo naman akong napanguso, nakakahiya pala iyon no? Umabot na kayo kung saan-saan! Pero ni minsan hindi niyo nasabi sa isa't-isa iyong salitang 'I love you'. Paano naman kasi! Alam naman namin na mahal namin ang isa't-isa.
"Para naman Nay, bigla akong nahiya sa sinabi niyo po"pagbibiro ko.
"Hahaha! Huwag ka ng mahiya! Ganyan na yata talaga ngayon eh! Advance na ang mundo"natatawang sabi pa ni Nanay. Napayuko na lang ako
"Nay naman eh! Nang asar pa"reklamo ko pa.
"Hay naku iha! Napapatawa mo talaga ako!"sabi pa ni nanay. Hindi naman ako sumagot
"Okay! Okay! Hindi na! Mabuti pa ay lumabas na lang tayo!"yaya pa ni Nanay
"Saan po tayo pupunta?"tanong ko.
"Kahit saan! Sa mall"sagot naman ni Nanay. Napangiti naman ako, namiss ko na din ang lumabas at gumala.
"Sige po! Gusto ko po iyan"nakangiting sagot ko.
"Kung ganun! Oh siya! Magbihis ka na"nakangiting utos naman ni Nanay. Agad naman akong tumango at nagtatakbo
"Iha! Be careful"habol pa ni Nanay. Nagpeace sign lang naman ako..hehehe..MM'S P.O.V
"Okay na ba ang lahat?"kinakabahang tanong ko. Nagthumbs up lang naman sila
"Huwag ka ng mag-alala meme! Okay na ang lahat!"sagot naman ng mga beks. Napangiti na lang ako, hay salamat!. Salamat naayos na ang lahat, ilang araw ko din itong pinagplanuhan. Kahit nasa Canada pa kami, ito na ang iniisip ko. Gusto Kong magperfect ang lahat mg ito. Kaya kahit ayaw ko man na iwan si Alex, wala akong magagawa. Buti na nga lang at nandoon sina ate at Nanay para magbantay sa kanya.
"Excited ka na ba sis?"
Napalingon naman ako kay Cassy, at ngumiti sa kanya.
"Sobra! Sobrang excited na ako"sagot ko. Tinapik naman niya ang balikat ko
"Congrats sayo sis! Este brad na pala"
Natawa naman ako doon,
"Oo nga! Sis ka ng sis! Mukha pa ba akong sis ngayon?"natatawang tanong ko. Umiling naman siya
"Hindi na!"sagot niya. Bigla namang nagseseryoso ang mukha niya.
"Masaya ako para sayo brad! Congrats sayo, sa inyo. Ang tagal mong hinintay ito! Pero worth it ang paghihintay. Kasi ngayon, kasama mo na siya. Ang babaeng mahal mo"nakangiting sabi pa niya. Ngumiti naman ako at yinakap siya.
"Salamat sis! Maraming salamat"sabi ko pa. Agad din naman akong kumalas sa pagkakayakap sa kanya. At ngabuntong-hininga.
"This is it!!"