ALEX'S P.O.V
Naalimpungatan ako ng makaramdam ako ng uhaw. Agad kong kinapa ang cp ko at tiningnan ang oras. Hala! 1:00 nq pala ng madaling araw. Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako kanina. Hay! Pumasok muna ako ng cr at nag-ayos pagkatapos noon, ay agad narin akong bumaba para uminom ng tubig. Bigla naman tumunog ang tiyan ko. Oo nga pala! Hindi nga pala ako kumain. Buwesit talaga iyong baklang iyon! Pati pagkain nakalimutan ko na!. Hay! Kainis! Tapos hindi man lang ako ginising para kumain! Wala talagang pakialam sa akin iyon! Kung naalala lang ako noon! Hindi papayag iyon na hindi ako kumain.
"Kaso hindi ka niya naalala eh!"sabi ko naman sa sarili ko. Bigla naman akong nakaramdam ng lungkot. Miss ko na siya! Iyong dating siya! Hay! Sana bumalik na siya....
"Hay naku! Alex! Huwag kang magdrama diyan! Think positive lang! Laban lang!"saway ko pa sa sarili ko. Mukha akong baliw dito! Buti na lang walang ibang tao dito! Ako lang! Mukha kasing tulog na tulog na siya eh. Naghanap na lang ako ng makakain, kaso tinapay at cake lang ang nakita ko.
"Baklang iyon talaga! Wala man lang tinirang pagkain sa akin! Grabe talaga!"reklamo ko pa. Kinuha ko na lang ang cake, tutal nagkicrave din ako sa matamis ngayon, saktong-sakto!
"Wow! Ang sarap!!"parang-bata na sabi ko pa. Habang sunod-sunod na sumusubo ng cake. Ang sarao talaga!!!"Baka naman mabulunan ka niyan!"
Napalingon naman ako kaagad at hinanap ang nagsalita. Nanlaki ang mata ko at muntik na akong mabulunan ng makita ko si MM sa may likuran ko. Agad naman siyang lumapit at binigyan ako ng tubig.
"Hayan na nga! Kakasabi ko lang eh!"sabi pa niya. Agad ko namang ininom ang tubig.
"Thank you!"hinihingal na sabi ko pa.
"Pero teka! Bakit ka ba nanggugulat ha! Akala ko tulog ka na?"tanong ko. Pero sa halip ma sagutin ako ay ngumiti lang siya sa akin, tapos kinuha ang panyo niya at pinunasan ang mukha ko.
"Para ka talagang bata kung kumain ng cake!"sabi pa niya habang pinupunasan ang mukha ko. Natigilan naman ako at napatitig sa kanya. Teka nakakaalala na ba siya? Lagi kasing ganyan ang sinasabi niya kapag kumakain ako ng cake dati eh!
"Hoy! Okay ka lang? Tulala ka girl!"panggugulat pa niya sa akin dahilan para matauhan ako.
"Ha? Ano iyon?"tanong ko. Napailing na lang siya at sumubo din ng cake.
"Sabi ko kung okay ka lang?"tanong niya. Tumango naman ako at ngumiti
"Oo okay lang ako! Salamat pala"sagot ko. Tumango lang din siya at sumubo ulit ng cake. Nakatingin lang ako sa kanya..
"Ang sarap ng cake no?"sabi pa niya
"Oo"sagot ko. Habang hindi parin inaalis ang tingin sa kanya, siya naman ay patuloy lang sa pagkain.
"Gusto mo pa? Favorite mo ito di ba?"alok pa niya. Nagulat naman ako doon, bumalik na ba ang alaala niya?
"Naalala mo na ba ako?"di ko mapigilang itanong. Natigilan naman siya at gulat na tumingin sa akin.
'Please sabihin mo "oo"'dasal ko pa. Ngumiti naman siya sa akin bago sumagot.
"Hala siya! Hoping! Pero sorry ate girl! Di pa talaga kita maalala eh!"nakangiting sagot niya at bumalik na ulit sa pagkain ng cake. Nalungkot naman ako doon! Akala ko pa naman! Hay!!
"Gusto mo?"tanong pa niya. Umiling naman ako at tipid na ngumiti sa kanya.
"No! Ayaw ko na! Sayo na lang! Busog na ako"sagot ko pa. Nagkibit-balikat lang siya at kumain na ulit. Nawalan na ako ng gana! Gusto ko sanang isunod kaso huwag na lang. Kumuha na lang ako ng tubig at uminom. Bigla naman akong napatingin sa suot niya, teka! Bakit parang bihis na bihis siya? May pupuntahan ba siya?
"Saan ang punta mo?"tanong ko. Tumingin naman siya sa akin.
"Ha? Wala naman! Bakit?"sagot niya.
"Eh bakit bihis na bihis ka?"tanong ko pa. Napakamot naman siya sa batok niya
"Hehehe! Galing kasi ako sa bar! Lumabas kasi kami ng mga beks"sagot pa niya. Napataas naman ang kilay ko, at hindi man lang nagpaalam?! Kainaman!!
"Pasensiya ka na ha! Hindi na ako nakapagsabi sayo! Alam ko kasi galit ka pa sa akin"sabi pa niya.
"Pero kahit na! Sana nagsabi ka parin! Para alam ko! Hindi iyong wala akong kaalam-alam na wala pala akong kasama sa bahay!"nagtatampong sabi ko. Tunay naman ah! Asang-asa ako na may kasama ako! Tapos wala pala! Ang sakit ha! Nakakapagtampo talaga!
"Sorry na! Biglaan lang din kasi eh! Kaya nakalimutan kong makapag-alam"paliwanag pa niya.
"Kahit biglaan pa iyan! Kung gusto mong magpaalam! Makakapagpaalam ka! Huwag mo ng sabihin na nakalimutan mo! Kasi sinadya mo talagang kalimutan! Magkaiba iyon"sagot ko sa kanya. Umiling naman siya
"Hindi naman sa ganun! Sadya-"di ko na painatapos ang sasabihin niya at nagsalita muli ako.
"Hindi mo naman kailangan magpaliwanag pa eh! Tanggap ko naman! Oo nga naman pala! Bakit ka nga naman pala magpapaalam sa akin? Sino ba ako? Wala lang naman ako sayo di ba? Ni hindi mo nga ako natatandaan eh! Para lang akong isang kabute sayo na biglang sumulpot sa buhay mo. Babaeng makulit at maingay! Iyon lang naman di ba? Kaya hindi mo na kailangang magpaliwanag! Tutal balewala lang naman ako sayo, walang kwenta ganun!"naluluhang sabi ko pa. Umiiling naman siya.
"No! Mali iyong iniisip mo-"
"No! It's okay! Huwag ka ng magsalita pa! Huwag ka ng magpaliwanag pa! Mas lalo lang akong nasasaktan eh! Okay na! Okay lang!"sabi ko pa at nilagpasan siya.
"Alex!"tawag pa niya, huminto naman ako at tumingin sa kanya.
"Okay lang! Pero sana lang sa susunod! Maisip mo naman ako ha! Kasi ang sakit ng binibalewala!!"sabi ko pa sa kanya. Tuluyan namang bumagsak ang luha ko, pero kaagad ko naman itong pinunasan. At pilit na ngumitu sa kanya bago tumalikod ulit.
"Sige! Una na ako!"paalam ko pa at nagtatakbo na papuntang kwarto ko.-
Huhuhu😭😭😭