ALEX'S P.O.V
Nandito ako ngayon sa mall, naghahanap ako ng pwede kong ibigay kay ate MM. Nahihiya kasi ako sa Kanya, sa mga pinaggagawa ko kahapon at kagabi. Kainis! Bakit pa ba kasi ako naglasing eh! Hayan tuloy! Hiyang-hiya talaga ako sa mga pinaggagawa ko. Hindi ko alam kung paano ako haharap kay ate MM. Atsaka ano kaya ang pwede kong bilhin para ibigay sa kanya.
"Hay!"napabuntong-hininga na Lang ako. At naglibot-libot na Lang, pero habang naglilibot ako, pansin ko ang mga tao na nakatingin sa akin. Kaya naman napatingin ako sa suot ko, okay naman ah. Wala namang Mali! Bakit sila nakatingin sa akin?
"Siya iyon di ba?"
"Oo nga! Siya iyon! Hindi ako pwedeng magkamali"
"Ang ganda niya pala sa personal"
"Tara lapitan natin! Magpapicture tayo"
Ilan lang iyan sa mga naririnig ko, teka! Sino ba ang pinag-uusapan nila? Mahirap naman na mag-assume na ako iyon. Lumingon-lingon ako sa paligid para tingnan kung sino ang pinag-uusapan nila. Pero wala naman akong makitang iba! At sa akin talaga sila nakatingin.
"Hello po ate!"bati sa akin ng ilang kabataan. Ngumiti naman ako sa kanila.
"Hello din"bati ko..
"Ahmm..ate pwede po magpapicture sa inyo"sabi pa nila. Nabigla naman ako, ha?
"Ha? Sa akin?"tanong ko,
"Opo! Di ba po kayo po iyong kaloveteam ni ate MM?"sabi pa nila. Hehehe, kaloveteam talaga? Hindi ba pwedeng nakapartner Lang?
"Ha? Eh! Doon sa bago niyang movie? Hehehe, ako nga iyon"naiilang na sagot ko. Nagliwanag naman ang mukha nila,
"Sabi ko sa inyo eh! Sya iyon eh"rinig ko pang sabi ng isang kabataang babae. Ngumiti lang ako sa kanila.
"Pwede pong magpapicture?"tanong ulit nila, tumango naman ako at ngumiti sa kanila.
"Oo naman! Okay Lang!"nakangiti kong sagot.
"Talaga po? Salamat po"sabi pa nila,ngumiti na Lang ako. Nakangiti Lang ako habang nakayakap sa kanila. Hindi ako sanay sa ganito, hehehe Hindi naman kasi ako celebrity eh.
"Salamat po ate"nakangiti pa nilang sabi bago umalis. Napakamot na lang ako sa ulo ko, hehehe. Maglalakad na sana ako ulit ng naglapitan iyong iba pa. Hala! Patay!
"Ikaw po iyong kasama ni Ate MM sa movie no?"
"Hello po ate!"
"Ang ganda niyo po pala talaga"
"Pwede pong papicture"
Ilan Lang iyan sa mga sinasabi nila, tanging ngiti lang ang nasagot ko sa kanila. Halos hindi ko na maintindihan ang iba pa nilang sinasabi. Gusto kong umalis na,pero parami sila ng parami. Oh my!! tulong!!!MM'S P.O.V
Napuntahan na namin halos lahat ng malapit na store sa bahay, kahit sa park dumaan narin kami. Pero wala siya! Nasaan na ba siya?
"Baka naman na sa mall siya"sabi naman ni Cassy. Oo nga no! Agad kong binaling ang sasakyan papuntang mall.
"Sign na iyan"sabi pa ni Cassy, napalingon naman ako sa kanya.
"Sign ng ano?"tanong ko
"Basta! Malalaman mo din"sagot pa niya.
"Ewan ko sayo"sagot ko at nagmaneho na lang. Agad din naman kaming nakarating sa mall. Lalabas na sana ako ng pigilan ako ni Cassy.
"Saglit lang sis! Baka makilala ka nila! Pagkaguluhan ka pa"sabi pa niya. Oo nga! Pero Bahala na! May suot naman akong jacket eh.
"Bahala na! Mag-iingat na lang ako"sagot ko at dire-diretso ng lumabas ng sasakyan.
"Dito na lang ako! Magbabantay"sabi pa niya, tumango na lang ako at tumakbo na papasok ng Mall. Agad akong lumingon-lingon nagbabakasakaling makita ko si Alex. Lakad takbo ang ginawa ko, buti na nga lang at hindi ako nakikilala pa ng mga tao. Sa pagliko ko sa isang store may napansin akong pinagkakaguluhan ng mga tao. Agad akong lumapit para makita ko kung ano ito! Nagulat na lang ako ng makita ko sa gitna si Alex na halos hindi na maintindihan ang gagawin. Huminga muna ako ng malalim, at walang pakundangan na sumiksik sa kumpol ng mga tao. Hanggang sa maabot ko ang kamay ni Alex. Agad naman siyang tumingin sa akin. Kita ko iyong gulat sa mukha niya.
"Excuse me po!"sabi ko pa sa mga tao. Nakakapagtaka na hindi man lang nakikita ito ng mga guard. Kaloka ha! Dahil sa siksikan hindi inaasahan na matanggal ang hood ng jacket ko. Patay!
"Ate MM!!"
"MM!!"gulat na sabi pa ng mga tao,
"Opo! Pero pasensiya na po ha! Excuse me po! Kailangan na po namin umalis"nakangiti kong sabi. Hawak-hawak ko naman ang kamay ni Alex habang pilit na sumisiksik.
"Okay ka lang?"tanong ko kay Alex pero in shock parin siya sa pangyayari.
"Excuse me po! Pasensiya na po ha! Pero kailangan na po namin makaalis! Masama po ang pakiramdam ng baby ko eh! Kaya please po sana padaanin niyo kami"sabi ko pa, at inakbayan ko si Alex. Kita Kong nagulat ang mga tao sa sinabi ko. At ginamit ko naman iyong chance para makaalis.
"Woooaahhh!! Hay salamat!!"sabi ko pa ng makalayo kami. Tumingin naman ako sa kanya na nakatingin din sa akin.
"Bakit mo sinabi iyon?"tanong niya. Ngumiti lang ako
"Okay lang iyon! Huwag mo ng isipin iyon. Alam naman nila na bakla ako eh! Kaya hindi nila iyon seseryosohin!"nakangiti kong sagot. Napabuntong-hininga lang naman siya
"Okay ka lang ba?"tanong ko, habang naglalakad kami papaunta sa sasakyan. Ngumiti naman siya ng tipid
"Oo okay lang ako! Salamat pala ha! Buti na lang dumating ka"sagot niya. Tumigil naman ako at humarap sa kanya.
"Halika nga dito!"sabi ko habang nakabukas ang kamay ko. Agad naman siyang lumapit sa akin at yumakap. Ramdam ko iyong takot niya..
"Okay lang iyan! Okay na!"sabi ko pa habang yakap-yakap siya.
"Salamat"naiiyak na sabi niya. Napangiti na lang ako..
"Hoy!!! Kayong dalawa!! At talagang diyan pa kayo nagmoment no! Baka gusto niyo munang pumasok sa sasakyan!"sigaw ni Cassy. Agad naman kaming napahiwalay sa isa't-isa at tumingin kay Cassy, na nakangiting nakakaloko sa amin. Hay! Umandar na naman ang pagiging malisyoso ng babaeng ito!-