MM'S P.O.V
(SCENE:) CONTINUATION
Nakatitig lang ako sa kanya, ganun din naman siya sa akin. Tapos ngumiti siya kaya napangiti narin ako sa kanya. Hindi ko alam kung gaano kami katagal na nakangiti at nakatingin lang sa isa't-isa.
"CUT!!"biglang sabi ni direk. Kaya napaiwas kami sa isa't-isa at napalingon Kay direk na nakapaweywang pa.
"Ano ba iyan!! Ano titigin na lang kayo? Papaalala ko lang ha! Mag-ex kayo dito!"sabi pa ni direk.
"Teka lang direk ha! Kaloka ka! Hindi ako handa sa mga paandar mo ha. Atsaka pwede ba direk! Sabihan niyo naman ako kung ano ba iyong dapat kong gagawin.Hindi iyong bibiglain niyo ako! Tapos dinadamay niyo pa si Alex"sabi ko sa kanya. Napangiti naman siya sa akin. Kita niyo, nang-asar pa.
"Sabi ko sayo eh! Magugulat ka!"nakangiti niyang sabi, inirapan ko lang naman siya.
"Ewan ko sayo direk!"pagtataray ko pa sa kanya. Sabay baling kay Alex
"At ikaw naman! Bakit hindi mo sinabi sa akin ito? Pakiramdam ko tuloy napagkaisahan ako"parang nagtatampo na sabi ko sa kanya.
"Sorry! Sabi kasi ni direk huwag kong sabihin sayo eh! Kaya sorry na!"sabi naman niya, pero inirapan ko lang siya.
"Sorry na! Hindi ko talaga kasalanan iyon! Si direk talaga ang may sabi"sabi pa niya sabay yakap sa akin. Pero hindi ko naman siya tinitingnan.
"Naglihim ka parin"sabi ko pa. Lalo naman niya akong niyakap ng mahigpit.
"Sorry na! Hindi na mauulit! Bati na tayo"paglalambing pa niya sa akin. Tiningnan ko naman siya, at muntik na akong matawa sa itsura niya. Nakakatawa kasi ang itsura niya, iyong pagpapacute niya.
"Uy! Nakangiti na siya! Bati na kami"nakangiting sabi niya na may pasundot pa sa mukha ko. Natawa naman ako,
"Baliw ka talaga!"natatawang sabi ko..
"Hehehe, so bati na ba tayo?"tanong pa niya. Tumango naman ako, sabi sa inyo eh! Ang lakas ng convincing powers niya.
"Ehem! Ehem! Ehem!"
Napahiwalay naman kami sa isa't-isa ni Alex at napatingin sa mga taong nasa paligid namin.
"Parang muntikan niyo na kaming makalimutan ah!"mapang-asar na sabi pa ni direk.
"Oo nga! Kung makapaglambingan sila ay parang wala tayo dito!"pagpaparinig pa nina Rhian. Sinamaan ko naman sila ng tingin.
"Che!! Manahimik kayo!"pagtataray ko sa kanila.
"Oh siya! Manahimik daw tayo! Nahihiya yata sila! Kayo naman"pang-aasar pa ni direk. Sabay tawa nila...kainis talaga sila! Sarap ipatapon!
"Kapag hindi kayo tumigil diyan! Lalayasan namin kayo ni Alex"pagbabanta ko pa, napatingin naman sa akin si Alex. Kaagad ko namang hinawakan ang kamay niya at akmang aalis na.
"Hep! Hep! Hindi na! Ito naman!"pigil sa amin ni direk.
"So ano na?"mataray na tanong ko pa Kay direk.
"So iyon nga! Bibigyan ko kayo ng pagkakataon para magdesisyon kung anng gusto niyong maging ending ng movie na ito."seryosong sabi pa ni direk, napakunot-noo naman ako.
"Anong ibig mong sabihin direk?"tanong ko ulit.
"Simple lang! Kayo ang bahala kung ano ang gusto niyong gawin! Kung paano niyo tatapusin ang kwento ni JM and Jaki. Bahala kayo kung happy ending ba? O sad ending! Nasa inyo na iyon!"sagot pa niya. Nagkatinginan naman kami ni Alex.
"Sige! Mag-usap muna kayo! Pag-usapan niyo muna kung anong gagawin niyo. About sa movie ha! Saka na iyong iba."dagdag pa ni direk.
"Ibang klase ka din direk no!? Pinahirapan mo pa kami"sabi ko pa sa kanya. Natawa lang naman siya..
"Ganun talaga! Oh siya! Sige na mag-usap muna kayo saglit diyan! Huwag niyo muna kami intindihin! Parang kanina lang!"mapang-asar na sabi pa ni direk. Sarap talagang pagsasapakin at pagbabatuhin ng mga ito lalong-lalo na si direk.
"Doon na nga tayo! Baka hindi ako makapagpigil, baka kung ano ang magawa ko sa mga iyan!"pagyaya ko kay Alex. Napailing na lang siya sa sinabi ko
"Hayaan mo na lang!"bulong pa niya sa akin. At hinila ako palayo sa mga siraulo! Pero bago pa kami tuluyan makalayo ay narinig ko pa ang kanilang pinag-uusapan.
"Ano sa tingin niyo ang pwedeng ipangalan sa Love team ng dalawang iyan?"tanong pa ni direk. Medyo binagalan ko naman ang aking paglalakad para marinig ang sasabihin pa nila. Ang kaso hinila na akong tuluyan ni Alex. Sayang!!!
"Alam mo pahila ka din no? Talagang nagpahila ka pa sa akin eh!"reklamo pa niya ng makalabas kami. Di ba nga nasa restaurant kami!
"Gustong-gusto mo din naman eh! Lalong-lalo na iyong pagkaka-kapit mo sa kamay ko"tukso ko sa kanya.
"Kapal mo din no! Asa ka!"sagot naman niya sa akin. Inakbayan ko naman siya
"Talaga ba? Eh bakit namumula ka"tukso ko pa sa kanya. Hinampas naman niya ako.
"Tumigil ka nga diyan! Buti pa ay pag-usapan na natin kung anong gagawin natin. Tingnan mo oh nakatingin sila sa atin!"pag-iiba pa niya ng usapan. Natawa na lang ako, at nagkibit-balikat.
"Okay sabi mo eh!"pagsang-ayon ko, sabay kindat sa kanya. Natawa naman ako lalo sa naging reaksiyon niya..hahaha.. Ang sarap niya talagang asarin.
-
