CHAPTER 65

67 6 0
                                    

ALEX'S P.O.V 
Patay! Patay talaga kami! Akala ko tulog na sila? Anong ginagawa nila dito?
"Hehehe, hello po Papa! Mama!"kinakabahang bati ni MM. Pero nakatingin lang sila sa amin. Wala akong mabasang emosyon sa mukha nila. Galit ba sila? Huwag naman sana!
"Pa! Ma! Ano pong ginagawa niyo dito?"lakas-loob na tanong ko. Pero Mali yata iyong tanong ko kasi sumama iyong tingin ni Papa sa akin. Hehehe! Pwede take 2
"At talagang kami pa ang tinanong mo ng ganyan Alex?"sarkastikong sabi pa ni papa. Napayuko na lang ako, galit nga siya! Alex ang tawag niya sa akin eh, hindi Princess.
"Sorry po"hinging paumanhin ko
"Kaya pala hindi ako makatulog! Kaya pala naisip ko na Icheck muna kayo bago ako matulog! Dahil pala dito! At parang wala talaga kayong balak umayos ng tayo ano?'"galit na sabi pa ni Papa. Doon lang namin napansin na nakakalong pa pala ako kay MM, kaya agad akong umayos ng upo. 
"Ma! Pa! Pasensiya na po sa nadatnan niyo"hinging paumanhin ni MM. 
"Pero wala naman po kaming ginagawang masama ni Alex! Malaki po ang respeto ko Kay Alex, pati narin po sa inyo"dagdag pa niya.
"Mabuti Kong ganun! Iho! Pero hindi parin maganda na makikita kayong magkasama sa iisang kwarto."sabi naman ni mama. Napatango naman kami
"Opo! Alam po namin iyon! Pasensiya na po ulit"sabi pa ni MM.
"Ayaw ko ng mauulit ang ganito! Halos lahat ng dugo ko umakyat sa ulo ko sa nadatnan ko kanina! Hindi magandang tingnan! Lalo na sayo Alex! Ikaw itong babae! Ikaw pa itong pumunta sa kwarto ng bf mo!"pangaral pa ni Papa. Agad naman akong tumango 
"Opo"sabay naming sagot.
"Alam kong nasa tamang edad na kayo! Pero hindi parin tama! Dapat kasal muna! Hindi porke't suportado namin kayo ay okay na ang ganyan!"dagdag pa ni papa. Ano raw? Kasal? Ang advance naman ni Papa mag-isip.
"Oo! Gusto naming magka-apo pero dapat magpakasal muna kayo! Nagkakaintindihan ba tayo! Sagot!"tanong pa niya.
"Opo"agad naming sagot. 
"Relax sweetheart! Masyado mo namang tinatakot ang mga bata eh"saway naman ni Mama Kay Papa.
"Anong mga bata ka diyan! Hindi na mga bata iyan! Kung hindi nga tayo dumating eh! Baka nga nakagawa na ng bata iyan!"sagot naman ni Papa. Para naman akong nasamid sa sinabi ni Papa. Ang advance talaga nilang mag-isip. 
"Pa naman eh!"reklamo ko
"Oh ano? Tama naman ang sinabi ko ah! Kung Hindi kami dumating ng mama mo baka mayroon na akong apo"sagot naman niya. Napasimangot naman lalo ako, napatingin naman ako sa kaabay ko na natatawa lang. Kaya sinamaan ko siya ng tingin..
"At bakit ka tumatawa ha?"pagtataray ko. Umiling lang siya
"Wala! Natatawa lang talaga ako!"sagot niya, hinampas ko naman siya. Buwesit!
"Oh ikaw lalaki! Tawa ka ng tawa diyan! Intindihin mo iyong sinasabi namin! Bawal muna! Kung hindi pa kayo kasal! Pigil-pigil din! Hinay-hinay din pag may time! Huwag masyadong excited!"sabi naman ni papa Kay MM. Lihim naman akong natawa, hahaha akala mo ha! Kita ko namang napakamot na lang sa ulo si MM at tumango Kay Papa.
"Opo Pa! Tatandaan ko po iyon"sagot pa niya.
"Mabuti kung ganun! Oh siya matulog na tayo"pagyaya pa ni Papa.
"Okay po! Goodnight po Ma!Pa!"sabi pa niya. Tumingin naman siya sa akin
"Baby! Tulog na daw tayo"nakangiting sabi niya sa yakap sa akin.
"Ehem! Ehem!"
"Kakasabi lang eh!"sabi pa ni Papa. Agad namang lumayo sa akin si MM. 
"Hehehe, sorry po"sabi pa niya sabay peace sign Kay Papa. Napailing na lang si Papa at Mama.
"Ay siya! Tama na iyan! Tara na matulog,"pag-aaya pa ni Mama. At nauna ng lumabas ng kuwarto. Sumunod narin naman si Papa, tatayo na sana ako ng bigla akong hilahin ni MM at yakapin ulit.
"Uy! Ano ba! Baka bumalik sina papa! At makita tayo!"saway ko sa kanya. 
"Wala na sila! Nakaalis na! Kaya hayaan mo muna ako! Ganito muna tayo"paglalambing pa niya. Napangiti naman ako at hinawakan ang mukha..
"Ikaw talaga! Basta! Ikaw bahala kapag nahuli tayo"sabi ko pa, tumango lang naman siya..at sabay kaming tumawa habang magkayakap.

"Mga pasaway talaga!"
Mabilis naman kaming humiwalay sa isa't-isa at tumingin kina Papa. Nandiyan na naman sila!
"Ang kukulit niyo talaga!"natatawang sabi pa ni mama. Napakamot na lang ako sa ulo at tumayo narin.
"Tara na! Tulog na!"pagyaya ulit ni papa. Tumango na lang ako..palabas na sana ako ng maalala Kong hindi pa pala ako nakakapag-goodnight Kay MM. 
"Saglit lang po pa! Ma!"sabi ko pa at akmang lalapit ulit Kay MM. Pero agad akong hinila ni Papa.
"Hep!hep! Tara na!"sabi pa niya at tuluyan na akong hinila palabas. Basag trip talaga si Papa! Hay!

-

Unexpected Chemistry (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon