CHAPTER 150

57 7 0
                                        

CHAPTER 150
ALEX'S P.O.V
Pakiramdam ko ang sakit ng katawan ko, at hinang-hina ako. Pero pinilit kong iminulat ang Mata ko. Pagakamulat ko, bumungad sa akin ay ang puting kisame.
'Teka! Nasaan ako?'
"Baby! Gising ka na?"tuwang-tuwang sabi pa ni MM. 
"Nasaan ako? Anong nangyari?"tanong ko sa kanya. Nasa hospital ba ako? Akma naman akong babangon ng maramdaman ko ang sakit sa may parteng tiyan ko.
"Teka lang baby! Baka magdugo ang sugat mo! Hindi ka pa masyadong magaling! Hindi ka pa pwedeng bumangon"pigil pa ni MM. Nagtaka naman ako at agad tumingin sa tiyan ko. Nanlaki na lang ang Mata ko ng makita Kong may tahi ako sa tiyan ko. Teka! Ang baby ko?
"Anong nangyari? Bakit may tahi ako sa tiyan ko? Nasaan ang baby natin?"tanong ko sa kanya. Pero umiyak lang siya at niyakap ako.
"Shhhh..huminahon ka muna! Makakasama iyan sayo eh!"pigil niya sa akin. Pero umiling lang ako ay pinilit na bumangon, ramdam ko ang sakit pero hindi ko ininda. Ang mahalaga ay malaman ko kung nasaan ang baby ko!
"Nasaan ang baby natin? Sumagot ka!! Nasaan siya!!?"umiiyak na tanong ko habang hila-hila ang damit niya. Pero tahimik lang siya at sa halip na sumagot ay niyakap ulit ako.
"Baby please! Baka makasama iyan sayo!"pakiusap pa niya pero itinulak ko lang siya.
"Hihinahon lang ako kapag nalaman ko kung nasaan ang baby ko!?"sigaw ko sa kanya.
"Sorry baby..."umiiyak na sabi niya. Kaya lalo akong napaiyak
"Bakit ka nagsosorry? Bakit? Anong nangyayari?"tanong ko pa.
"Dahil kasi sa nangyari...pinagpasiyahan ng mga doktor na tanggalin si baby sa tiyan mo! Kahiy hindi mo pa kapanahunang manganak. Dahil kasi kapag nagtagal pa siya sa tiyan mo! Pareho kayong mapapahamak"paliwanag niya. Napahagulhol naman ako
"Kung ganun? Nasaan ang baby natin? Nasaan siya? Okay lang naman siya di ba? Di ba?"umiiyak na tanong ko. Pero yumuko lang siya kaya hinila ko siya at pinagpapalo.
"Sabihin mo! Okay lang siya di ba? Okay lang siya!! Sumagot ka!!!"sigaw ko pa. Niyakap naman niya ako ulit habang umiiyak siya.
"Sorry baby.."sabi pa niya. Paulit-ulit ko naman siyang pinapalo.
"Wala na si baby.."sagot pa niya. Kaya lalo akong nagwala at umiyak.
"No!!! Hindi patay ang anak ko!!! Sabihin mong nagsisinungaling ka lang!! Sabihin mo?!!"sigaw ko pa.
"No!!! Hindi pa siya Patay!! Hindi pa patay ang baby ko!!!"sigaw ko pa.

MM'S P.O.V
"No!!! Hindi pa patay ang baby ko!!"sigaw ni Alex. Kaya niyakap ko siya
"Hey baby!! Wake up!! Nananiginip ka lang!!"sabi ko pa sa kanya. Kaya iminulat niya ang Mata niya.
"MM..."sambit niya. Ngumiti naman ako sa kanya at pinunasan ang luha niya.
"Shhhhh...tahan na baby..panaginip lang ang lahat ng iyon"sabi ko pa sabay halik sa noo niya at niyakap ulit siya.
"Huhuhu..akala ko totoo na ang lahat ng iyon! Natakot ako"umiiyak na sabi pa niya.
"Shhhh...tahan na! Huwag ka ng umiyak! Makakasama iyan sayo eh!"sabi ko pa sa kanya. Kaya agad siyang kumalas sa pagkakayakap sa akin at tiningnan ang tiyan niya.
"Nasaan ang baby natin?"nag-aalalang tanong niya. Ngumiti naman ako sa kanya at umupo sa tabi niya.
"Huwag kang mag-alala! Okay lang ang baby natin! Kinailangan lang siya ilagay sa incubator kasi medyo nahirapan siyang huminga kanina! Pero sabi naman ni Dok! Okay lang siya!"sagot ko pa. Ngumiti naman siya habamg umiiyak.
"Natakot ako...akala ko wala na siya"sabi pa niya. Umiling naman ako
"Hindi mangyayari iyon! Okay lang si Baby"sagot ko. Yumakap naman siya sa akin
"Hey! Hinay-hinay! Ang tahi mo!"saway ko sa kanya. Agad naman siyang himiwalay sa akin.
"Oo nga pala! Sorry! Masyado lang akong masaya kasi okay at ligtas ang baby natin"nakangiting sabi pa niya. Ngumiti naman ako at inalalayan siyang humiga ulit
"I know! Pero kailangan mong magpalakas muna! Huwag ka munang gumalaw masyado! Kung may kailangan ka, sabihin mo lang sa akin okay?!"sabi ko pa sa kanya. Agad naman siyang tumango
"Thank you"sabi pa niya. Ngumiti naman ako at hinawakan ang kamay niya.
"Tungkulin ko iyon! Tungkulin ko na alagaan kayo. Kaya magpahinga ka na muna diyan. Ako na muna ang bahala sa lahat!"sabi ko pa.
"Ang sweet mo talaga!"nakangiting sabi pa niya. Natawa naman ako tapos hinalikan ang kamay niya
"Ganun talaga pagmahal mo! Hehehe! Sige na magpahinga ka muna! Para makabawi ka ng lakas!"sabi ko pa saka hinalikan siya sa boo papunta sa labi niya.
"Huwag niyo ulit ako tatakutin ng ganyon ha!"bulong ko pa sa kanya. Ngumiti lang siya at tumango bago pumikit. 
'Thank you Lord!'

Unexpected Chemistry (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon