ALEX'S P.O.V
Hindi mawala ang ngiti sa labi ko after ng nangyari kanina. Tumahimik na rin siya at hindi na nagsusungit sa akin. Iyon lang pala ang katapat niya eh! Hahaha
"Uy! Alex! Anong ginawa mo kay meme? Bakit ang tahimik niya ngayon?"tanong sa akin ni Jon. Kakadating lang nila, bumili pala sila ng pagkain tapos sina ate Cassy naman ay umuwi muna para kumuha ng mga gamit.
"Ha? Wala naman akong ginawa sa kanya ah"tanggi ko at ngumiti sa kanya. Tiningnan naman niya ako na parang hindi naniniwala
"Weh? Iyong totoo? Anong ginawa mo sa kanya? Bakit parang umamo sayo?"tanong pa niya. Natawa naman ako at napatingin kay MM na nakatingin din pala sa amin. May naisip naman ako
"Ah! Tinatanong mo kung ano ang ginawa ko sa kanya? Iyon ba?"pag-uulit ko, sinadya ko talagang lakasan para marinig niya. Pinandilatan naman niya ako ng mata na parang nagsasabi na huwag kong sabihin.
"Oo nga! Ano ng ba ang ginawa mo kay meme?"tanong ulit ni Jon. Naglakad naman ako papalapit kay MM at ngumisi sa kanya.
"Sige subukan mong sabihin sa kanya! Malalagot ka talaga sa aking babae ka"bulong niya sa akin. Napatawa naman ako
"Baby! Huwag mong masyadong ilapit ang mukha mo sa akin! Nakakailang eh!"pang-aasar ko pa. Kita ko namang nagpipigil lang siya, 'hahahaha!'
"Ano bang pinagsasabi mo diyan ha! Pwede ba! Tumigil ka nga! Mahiya ka naman!"bulong niya pa halatang inis na inis na siya.
"Ehem! Excuse me ha!"singit naman ni Jon. Muntik ko ng makalimutan na narito nga plaa ito!
"Ay oo nga pala! Sorry Jon! Nakalimutan ko na may tinatanong ka nga pala! Ito kasing si Baby eh!! Ang kulit!"hinging paumanhin ko kay Jon. Naramdaman ko naman na hinigpitan ni MM ang pagkakahawak sa akin, medyo masakit siya ha! Pero hindi ko pinahalata! Smile lang!
"Hehehe! Okay lang! Naiintindihan ko! Mukhang namiss niyo ng sobra ang isa't-isa, kaya ganun!"sagot pa niya. Napangiti na lang ako
"Hehehe! Mukha ngang namiss ako ng Baby kong ito! Hindi man niya ako naaalala pero ang sweet sweet parin niya"sagot ko naman sabay pisil sa mukha ni MM. Diniinan ko talaga para maramdaman niya. Hahaha
"Aray! Aray! Masakit iyon ha! Patay ka sa akin! Buwesit ka!"bulong niya sa akin. Ngumiti lang ako tapos humarap na ulit kay Jon.
"Ah! Oh siya! Labas muna ako! Huwag mo na sagutin iyong tanong ko. Mukhang alam ko narin kasi ang sagot eh! Kaya sige! Sa labas muna ako! Para makapaglandian...ay este makapag-usap kayo!"sabi pa niya. Natawa naman ako dahil sa sinabi niya...makapaglandian daw? Kung alam lang niya!
"Sige labas ka na! Para makapag-usap kaming dalawa! Marami kasi kaming dapat pag-usapan eh! Di ba BABY?"may diin na sabi niya na habang pinandidilatan ako ng mata. Agad naman akong tumango
"Hehehe! Yes Baby"agad na sagot ko. Mukhang hindi pag-uusap ang gagawin namin ah! Mukhang gusto akong saktan ng isang ito eh! Katakot!!
"Oh siya! Okay! Okay lalabas na ako! Mukhang excited na talaga kayong mag-usap eh! Kung pag-uusap talaga ang gagawin niyo"makahulugang sabi naman ni Jon.
"Pero wait! Paalala ko lang ha! Nasa hospital kayo, kaya konting respeto! Wala kayo sa bahay! Alam niyo na ang sinasabi ko! Atsaka ilock ang pinto! Para walang istorbo! At hindi din magugulat ang papasok. At isa pa pala! Kung nagugutom kayo, may pagkain diyan! Para hindi naman iyong isa't-isa ang kainin niyo! Oh siya sige na labas na ako"bilin pa niya at tuluyan ng lumabas. Napayuko na lang ako, pakiramdam ko namula ako dahil sa sinabi niya. Siraulo talaga iyon! Anong akala niya sa aming dalawa? Kaloka!!
"Aray!! Aray naman! Makatulak ah!"reklamo ko matapos akong itulak ni MM. Sinamaan ko naman siya ng tingin.
"Bakit ka nanunulak ha?"tanong ko, pero inirapan lang niya ako.
"Dahil gusto kong itulak ka! Bakit? May problema ba doon? Atsaka! Bagay lang iyon sayo no! Baliw ka kasi!!"pagtataray pa niya.
"Wow! Grabe siya ha! Itinutulak mo na ako ngayon! Samantalang dati! Kung alagaan mo ako"sagot ko sa kanya.
"Wala akong naalalang gunun kaya pwede ba! Tigil-tigilan mo na ako! Naloloka na ako sayong babae ka eh! Dikit ka ng dikit! Kadiri!"sagot naman niya.
"Ayaw ko ngang tigilan ka! Bakit ko naman gagawin iyon? Ano ako sira? Hindi ako titigil at hindi ako lalayo sayo hanggang sa maalala mo na ako! Hanggang sa maalala mo ng baby mo ako"sabi ko na may kasamang kindat pa.
"Bahala ka sa buhay mo! Mapapagod ka rin! Kaya hanggang maaga pa! Tigilan mo na ako! Maghanap ka na lang ng iba na kukulitin mo! Huwag ako! Gusto kong ipaalala sayo ha! Bakla ako! At hindi kita type!"may diin na sabi pa niya. Ngumiti na lang ako, huwag kang susuko Alex! Kaya mo iyan!
"Sinasabi mo lang iyan dahil hindi mo ako maalala! Pero kahit hindi ako matandaan ng isip mo! Hindi parin ako susuko! Isip mo lang ang nakalimot! Hindi ang puso!"matigas na sabi ko sa kanya. Seryosong tumingin naman siya sa akin. kaya ngumiti na ako sa kanya
"Hindi man ako maalala nito(sabay turo ko sa isip niya) naniniwala naman akong kilala ako nito(sabay turo sa dibdib niya). Kaya hindi ako titigil! Hindi ako susuko! Hanggang sa bumalik ang alaala mo! Hanggang sa maalala mo na ako! Hanggang sa maging ayos na ulit tayo! Hanggang bumalik na ulit tayo sa dati! Hindi ako susuko! Hindi kita susukuan MM! Hinding-hindi!"sabi ko pa, hindi ko naman mapigilang hindi mapaluha. Kahit pilitin ko namang magiging matatag, nahihirapan parin ako eh! Pero tulad nga ng sinabi ko sa kanya! Hindi ako susuko! Maaalala din niya ako! Nagulat naman ako at napatingin sa kanya ng bigla niyang punasan ang luha ko.
"Sorry"seryosong sabi pa niya habang pinupunasan ang luha ko. Yinakap ko naman siya
"Sorry kasi pinapaiyak kita! Hindi ko naman gusto iyon eh. at Sorry din kasi hindi kita maalala! At dahil doon nasasaktan ka! Pasensiya na"sabi pa niya. Lalo ko namang hinigpitan ang pagkakayakap sa kanya. Kahit ganito lang! Kahit hindi pa niya ako maalala! Okay lang!
"Aray"sigaw naman niya, kaya napakalas ako ng pagkakayakap sa kanya at nag-aalalang tiningnan siya.
"Bakit? Anong nangyari? Alin ang masakit?"nag-aalalang tanong ko pa.
"Nasagi mo kasi ang sugat ko eh! Pero okay lang! Ayos na! Keri ko naman"nakangiting sagot naman niya.
"Ay! Sorry! Hindi ko sinasadya"hinging paumanhin ko pa.
"Okay nga lang"sagot naman niya.
"Kiss ko na lang"nakangiting sabi ko pa. Nanlaki naman ang mata niya sabay iling
"No! Hindi na! Okay na ako"sagot niya habang umiiling parin.
"Sige na! Kiss na lang kita! Para makabawi naman ako"nakangiting sabi ko pa
"Hindi na nga! Okay na! Kaya huwag ka ng mag-abala pa!"sagot naman niya. Natawa naman ako, hay! Kung wala siyang amnesia baka siya pa ang nagrequest sa akin na ikiss ko siya.