CHAPTER 96

77 6 0
                                    

CHAPTER 96
ALEX'S P.O.V
Mag-isa lang ako sa bahay, umalis kasi si MM. May pupuntahan lang daw sila nina Ate Cassy at ng mga beks. Hindi naman sinabi sa akin kung saan. Basta daw secret lang daw iyon! Kaya hindi na ako nagtanong. Tinext ko na lang sina Pauline at Lexi na pumunta sa bahay para may kasama ako. Binilinan ko din silang bumili ng pagkain, hindi ko kasi type ang mga pagkaing nandito sa bahay eh. Siyempre pinagbilinan ko din silang bumili ng cake. Trip ko talagang kumain ng cake sa mga panahon ngayon. Natigil naman ako sa pagmumuni-muni ng biglang may kumatok sa pintuan. Baka sina Pauline at Lexi na ito! Agad akong tumayo at nagtungo sa may pinto para buksan ito. Napakunot naman ang noo ko, pagkabukas ko. Hindi kasi sina Pauline ang bumungad sa akin pagkabukas ko eh. At hindi ko alam kung sino sila?
"Hello po! Magandang araw po! Sino po sila"magalang na tanong ko sa kanila. Tiningnan naman nila ako mula ulo hanggang paa. Hala! Sino ba ang mga ito? Kinakabahan naman ako eh!
"Ikaw ang dapat naming tanungin! Sino ka? At anong ginagawa mo sa loob ng bahay ng anak ko? Hindi ka naman mukhang katulong"mataray na sabi pa nito. Napalunok naman ako. Teka! Ano raw? Anak niya si MM? Ibig sabihin nanay niya ito?
"Na-nanay po kayo ni MM?"gulat na tanong ko.
"Oo! At ikaw naman sino ka?"tanong niya pa. Para naman umurong ang dila ko, teka! Ano bang isasagot ko? Hindi ko naman pwedeng sabihin na gf ako ni MM!. Ano ba ito? ;aano ba ito? Bahala na!!...
"Ka-"di ko naman natuloy ang sasabihin ko ng magsalita iyong kasama ng Nanay niya. Siguro ate niya ito?
"Nay! Siya po niyong sinasabi ko sa inyong Gf ni tutoy!!"
Nanlaki naman ang mata ko dahil sa gulat! Hanu raw? Ako Gf? At tama nga ang hinala ko Ate nga niya ito. 
"Siya ba iyon?"nakataas na kilay na tanong pa ng Nanay niya. Natakot naman ako, mukhang hindi yata niya ako gusto ah! Oh my!! Paano na ang hapoy ending namin nito? Kung hindi ako gusto ng Nanay niya? 
"Alam mo iha...."sabi pa nito, napayuko naman ako halata namang ayaw niya sa akin eh. Inang parang gusto kong umiyak...hindi na nga ako maalala ng taong mahal ko! Mukhang ayaw pa sa akin ng Nanay niya! Bakit parang ang malas ko naman yata!!!
"Gusto kita!! Gustong-gusto kita para sa anak ko"
Napaangat naman ang tingin ko sa kanya, ano raw? Halos hindi pa nagsisink-in sa utak ko ang sinabi niya ay bigla na lang niya akong niyakap.
"Ang ganda mo pala iha sa personal!! Hindi na ako nagtataka kung bakit nagustuhan ka ng anak ko. Sa wakas nakita na kita!! Kaya lang ako umuwi eh! Para mameet kita"sunod-sunod na sabi pa niya habang nakayakap sa akin. Hehehe, ano ba dapat kong sabihin?
"Hala ka Nay! Mukhang binigla mo siya! Halatang natakot sa inyo! Tingnan niyo po oh! Hindi na makapagsalita!"sabi naman ng Ate niya. Agad naman kumalas sa pagkakayakap sa akin ang Nanay niya at tiningnan ako.
"Natakot ba kita iha? Pasensiya ka na! Nagbibiro lang ako"nakangiting sabi pa nito. Ngumiti naman ako
"Hehehe! Okay lang po"nahihiyang sagot ko.
"Naku! Iha! Huwag ka ng mahiya sa akin!"sabi pa nito.
"Sige po! Ako nga po pala si Alex"pagpapakilala ko pa. 
"Kilala na kita!! At natutuwa ako nakita na kita! Iyong anak ko kasing iyon eh! Tinatago ka sa amin. Gustong solohin ka lang! Kaya kami na ang nagpunta dito! Para makita ka!"nakangiting sagot naman niya.
"Thank you po Ma'am"sagot ko.
"Naku iha! Nanay na lang itawag mo sa akin! Nanay Ana! Tutal gf ka naman ng anak ko! At soon magiging asawa narin!!"sabi pa niya sa akin. Tumango naman ako at niyakap siya.
"Thank you po sa pagtanggap Nay"masayang sabi ko.
"Hep! Hep! Pasali naman ako!"biglang sabi naman ng Ate niya. Kaya agad akong tumingin sa kanya at ngumiti.
"Hi Alex! Ako nga pala ang Ate ni MM! Ate Mika"pagpapakilala pa niya.
"Hello po Ate Mika!"nakangiting sabi ko. Yinakap din naman niya ako.
"Oh siya! Enough na iyan! Tara na sa loob! Nangagalay na akong tumayo dito eh"sabi pa ni Nanay. Natawa na lang kami ni Ate at tinulungan ko sila sa kanilang mga bagahe. Mukhang may balak silang magtagal dito ah.
"Oo nga pala iha! Nasaan nga pala si MM?"tanong naman ni Nanay pagkapasok namin.
"Umalis po siya! May pupuntahan po yata sila nina ate Cassy. Sagot ko.
"Hay naku! Iyong bata talagang iyon! Alam niya bang pupunta ka dito? Dahil kung oo! Tatamaan talaga siya sa akin!"tanong pa ni Nanay. Napahawak na lang ako sa batok ko, paano ko ba sasabihin na dito ako nakatira? Baka kung ano pa ang isipin nila?
"Ano po kasi Nay!-"natigil naman ako sa pagsasalita ng biglang may kumatok sa pinto.
"Wait lang po Nay! Ate! Buksan ko lang po ang pinto"paalam ko at dali-daling binuksan ang pinto.
"Hi bes!!"bati nila
"Hello! Behave lang kayo ha!"bilin ko pa. Napakunot naman ang noo nila
"Bakit?"tanong pa ni Lexi.
"Nasa loob kasi ang Nanay at ate ni MM! Kaya behave lang kayo"sagot ko. Kita ko namang nagulat sila
"Ganun ba! Oh siya! Sa susunod na lang kami babalik! Una na kami"biglang paalam nila.
"Hoy! Wala namang ganyanan!! Samahan niyo muna ako dito"pilit ko pa.
"Pero"nag-aalalangang sabi pa nila
"Please!"pakiusap ko pa
"Pasensiya ka na talaga bes ha! Pero di namin keri! Sorry! Sige mauna na kami!"sagot naman ni Pauline. Napasimangot na lang ako
"Daya niyo!!"reklamo ko pa.
"Pasensiya na talaga!! Oo nga pala! Heto na iyong pinabibili mo! Libre na namin iyan sayo! Sige!!"sabi naman ni Lexi at umalis na nga sila. Grabe sila! Ang bait nila!! Kainis!!

-

Unexpected Chemistry (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon