ALEX'S P.O.V
Napapanganga na lang ako kanina habang nag-uusap sila. Grabe! Hindi ko kinekeri! Akala nina papa at mama bf ko si MM! How I wish! Kung sana nga lang! Kaso hindi! Tapos isa pa itong baklang ito! Sa halip na sabihin ang totoo, sinakyan pa lalo ang trip ng magulang ko! Kainis!
"Excuse me Pa! Ma! May pag-uusapan lang po kami sandali!"pagpapaalam ko sa magulang ko sabay hatak Kay MM, papunta sa likuran ng bahay namin.
"Sige iha! Pero bilisan niyo lang ha! Para makakain na tayo!"sagot naman ni mama. Tumango na lang ako at mas binilisan pa ang paghila Kay MM. Agad ko siyang binitiwan pagkarating namin at nakapameywang na humarap sa kanya.
"Anong trip mo ha?"agad na tanong ko sa kanya. Tumaas lang naman ang kilay niya
"Ha? Anong trip? Wala naman akong ginagawa ah"sagot naman niya. Hinampas ko naman siya
"Anong wala! Eh ano iyong ginawa mo kanina ha? Bakit mo sinabing bf kita ha?"inis na tanong ko sa kanya.
"Excuse me! Hindi ko sinabing bf mo ako! Iyong magulang mo iyong nag-assume! Kaya sinakyan ko na lang"balewalang-sagot niya. Na lalo ko namang ikinainis.
"Eh bakit hindi mo sinabi ang totoo? Sadyang sinakyan mo pang siraulo ka! Buwesit ka!"inis na inis na sabi ko pa. Pero ngumiti lang siya at umakbay sa akin.
"Relax ka lang! Baby! Huwag ka ng magalit"sabi pa niya. Agad ko naman tinanggal ang kamay niya na nakaakbay sa akin.
"Baby mo mukha mo!"galit na sabi ko pa.
"Puro kana lang ba biro ha?"galit na tanong ko pa. Nawala naman ang ngiti sa mukha niya.
"Teka! Galit ka ba?"balik na tanong niya.
"Hindi masaya ako! Masayang-masayaako!"pabalang na sagot ko sa kanya.
"Baby!"pagtawag pa niya habang lumalapit sa akin, itinulak ko naman siya.
"Pwede tumigil ka na sa kakatawag mo sa akin ng baby! Hindi na nakakatuwa!"inis na inis na sabi ko pa.
"Teka! Bakit ka ba nagagalit? Wala naman akong ginagawang masama ah!"pagtatanong pa niya! Bakit ba ang manhid nito? Sarap sapakin eh!
"Walang ginagawang masama? Eh ano iyong ginagawa mo! Hindi ba masama iyon?"sagot ko sa kanyan.
"Ha? Anong masama doon?"nagtatakang tanong niya
"Basta! Huwag mo na lang itanong!"sagot ko.
"Ha? Ang gulo mo!"sabi naman niya. Sinamaan ko naman siya ng tingin! At ako pa pala ang magulo ngayon?
"Ako pa ang magulo ngayon? Baka ikaw! Ikaw ang magulo"balik ko sa kanya. Nanlaki naman ang Mata niya
"Ako?"sabay turo sa sarili niya
"Bakit naman naging ako ang magulo ngayon?"tanong pa niya.
"Kasi, buwesit ka!"sigaw ko sa kanya.
"Ha? Naging buwesit naman ngayon!"sabi pa niya.
"Oo! Buwesit ka! Nakakainis ka! Ang hirap mong intindihin! Masyado kang paasa! Pafall! Hindi ko maintindihan kung seryoso ka ba? O nagbibiro lang! May times na gusto ko ng maniwala, pero ang hirap naman umasa! Di ba bakla ka? Pero bakit ganyan ka? Bakit sobrang bait at sweet mo sa akin? Hindi mo ba alam na pinapahirapan mo ako! Hindi mo ba alam na nasasaktan din ako! Hindi mo ba alam na unti-unti na akong nahuhulog sayo! Kaya naiinis ako! Nagagalit ako! Nabubuwesit ako sayo! Na pinaasa mo na nga ako! Pati ba naman magulang ko dinamay mo pa! Pinaniwala mo na meron tayo! Na bf kita! Na mahal-"natigilan naman ako sa pagsasalita ng bigla niya akong higitin at halikan. Saglit lang iyon, pero ang lakas ng impact sa akin.
"Pwede ba ako naman ang pakinggan mo ngayon?"tanong pa niya, tumango na lang ako.
"Una sa lahat! Hindi kita pinapaasa! Hindi ako pafall! Kung naguguluhan ka! Mas lalo naman ako Alex! Dahil gaya ng sinabi mo bakla ako! Bakla ako! Alex! Bakla ako! Pero bakit parang gusto kita?"nabigla naman ako sa sinabi niya. Hanu raw? Gusto niya ako?
"No! Mali pala! Gusto na talaga kita! Kaya naiinis ako! Naiinis ako sa sarili ko na hindi ko naman dapat ito nararamdaman sayo pero wala akong magawa. Kaya kung iniisip mo na puro kalokohan lang ako! Puro biro! Nagkakamali ka! Kung naguguluhan ka! Nalilito ka! Parehas lang tayo! Kung nahihirapan ka! Ganun Din ako! Dahil kahit anong pilit Kong sabihin sa sarili ko na bakla ako! Na kahit anong pilit kong sabihin sa sarili ko na hindi pwede! Hindi pwede! Hindi tama! Pero wala akong magawa!"pagpapatuloy pa niya.
"Gu-gusto mo à-ako?"nauutal na tanong ko sa kanya. Tumingin lang siya sa mga Mata tapos ngumiti.
"Oo! Gusto kita! Gustong-gusto kita"nakangiti pa niyang sabi. Hindi ko naman napigilan mapaluha. Agad ko siyang niyakap. Akala ko ako lang! Pero hindi pala! Gusto din niya ako!
"Hey! Bakit ka umiiyak?"pagtatanong pa niya sabay hawak sa mukha at pinunasan ang mga luha ko.
"Masaya lang ako"nakangiti Kong sagot.
"May masaya bang umiiyak?"tanong niya pa.
"Oo! Ako!"sagot ko. Natawa naman siya. At niyakap ako ulit.
"Masaya din ako"sabi pa niya habang yakap yakap ako.
'Thank you Lord!'-