CHAPTER 77

58 6 0
                                    

MM'S P.O.V
Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Aaminin kong nasaktan ako, pero pinilit ko paring ngumiti at magkunwari. Magkunwari na wala akong narinig, kahit ang totoo naman alam kong si Tyrone ang kausap niya. Masakit! Kasi alam kong hindi siya nagsabi sa akin ng totoo. Umasa ako na! Aaminin niya na si Tyrone iyong kausap niya, pero hindi eh. Hindi naman ako magagalit, pero mas pinili pa niya pang magsinungaling...
"Uy meme! Tahimik ka diyan! May problema ba?"panggugulatsa akin ni Jon. Umiling naman ako
"Wala may iniisip lang"sagot ko at uminom na lang. Nag-iinuman kasi kami ngayon
"At ano naman ang iniisip mo?"tanong pa niya.
"Hala ka meme! Alex oh! Ang baby mo may ibang iniisip!"pagsusumbong naman ni RC. Sinipa ko naman siya
"Sira!"sabi ko pa sabay tingin kay Alex na medyo tahimik din.
"Mga baliw talaga kayo! Ako pa ang sinumbong niyo! Eh tingnan niyo nga si Alex! May iba ding iniisip!"sabi ko pa sabay turo kay Alex na tahimik na nakaupo sa gilid. Hindi ko kasi siya pinayagan uminom. Mahirap na!
"Hala! Anong nangyayari sa inyong dalawa? May problema ba kayo?"Tanong naman ni Cassy. Umiling naman ako,
"Wala! Di ba Alex?"baling ko naman sa kanya. Siniko naman siya ni Pauline.
"Ha?"tanong niya. Halatang walang naiintindihan sa mga pinag-uusapan namin. Napailing na lang ako at nagsalin ng alak at ininom ito. After noon ay tumayo na ako 
"Guys! Cr lang ako ha!"paalam ko pa. Nakatingin lahat sila sa akin, halatang naguguluhan pero ngumiti lang ako at naglakad na paalis..

ALEX'S P.O.V
Pagkaalis ni MM, nagtinginan naman sa sila sa akin. 
"Bakit?"nagtatakang tanong ko.
"May problema ba kayong dalawa?"tanong ni ate Cassy. Napakunot naman ang noo ko,
"Problema? Wala"sagot ko
"Eh bakit ganyan kayo?"tanong pa niya.
"Anong ganyan?"balik na tanong ko.
"Ang ibig kong sabihin, bakit ganyan? Ang tahimik niyo! Tapos ang layo niyo sa isa't-isa, na hindi normal ha! Kasi sanay kami na lagi kayong magkadikit!"sagot niya. Natameme naman ako, ano ba dapat kong isagot? Napansin ko din iyon! Mula ng pumasok kami tahimik na siya. Pero pinapansin naman niya ako. Ako naman kanina ko pa iniisip kung ano ang gagawin ko. Hindi ko nga alam kung tama ba ang desisyon ko na pumayag na makipag-usap kay Tyrone eh. Pakiramdam ko kasi parang hindi tama. Tapos ito pa! Hindi ako mapakali kasi nagsinungaling ako kay MM. Kapag nalaman niya ang totoo, sigurado akong magagalit siya. Hay paano ba ito?
"Hoy bes!! Natulala ka na diyan!"panggugulat naman sa akin ni Pauline. 
"Ha?"tanong ko. Napailing naman sila.
"May problema nga sila!"umiiling na sabi pa ni Rhian.
"Ha? Wala! Wala kaming problema!"agad na tanggi ko. 'Sana nga'
"Anong wala? Base sa ikinikilos niyo! Halatang-halatang may problema kayo!"sagot naman ni Lexi. Natahimik naman ako ulit
"Oh! Natahimik ka diyan! Tama ako di ba? May problema talaga kayo?"tanong pa niya.
"Hindi ko alam"malungkot na sagot ko.
"What do you mean?"tanong naman ni ate Cassy. Napabuga na kang ako ng hangin bago sumagot.
"Eh kasi! Hindi ko din talaga alam! Sa pagkakaalam ko naman na okay kami! Wala kaming problema!"sagot ko. Kita ko naman na napakunot ang noo nila. Halatang naguguluhan

"Hay! Bakit ba kasi ang kulit niyo? Sabi na ngang wala kaming problema eh!"
Napalingon naman kami kay MM, na palapit na pala sa amin. Agad siyang umupo sa tabi ko at inakbayan ako.
"See! Okay kami! Di ba baby?"tanong pa niya. Agad naman akong ngumiti at tumango.
"Yes baby! Okay tayo"nakangiti kong sabi. Ngumiti naman siya sa akin..bago bumalik ang tingin sa kanila.
"Eh di wow! Mabuti kung ganun! At okay kayo!"sagot naman ni Jon. At umayos na ulit sila ng upo. Agad naman inalis ni MM ang kamay niya sa pagkaka-akbay sa akin at ngasalin ng alak sa baso at agad din itong ininom. 
"Ganun pala ang walang problema! Kung makainom ng alak ay parang tubig lang"pagpaparinig naman ni Cassy. Inirapan lang siya ni MM at nagsalin ullit. Akmang iinumin niya ulit ito ng pigilan ko siya at inagaw ang baso.
"Painom din ako"sabi ko pa. Pero inagaw niya ulit ang baso at inilayo sa akin.
"Ang kulit mo! Di ba sabi ko sayo bawal kang uminom!"saway niya sa akin.
"Pero konti lang naman eh!"pilit ko pa.
"Hindi nga pwede! Huwag kang makulit!"sabi pa niya. 
"Bakit ba kasi ayaw mo siyang payagan? Nasa bahay naman siya ah!"tanong naman ni ate Cassy, sinamaan naman siya ng tingin ni MM
"Wala kang paki doon! Basta pag sinabi kong hindi siya iinom! Hindi siya iinom!"may diin na sabi pa niya. Napatungo na lang ako
"Ang unfair mo naman yata! Porket ayaw mo! Dapat na niyang sundin? Eh paano naman kung gusto niya"singit naman ni RC. Ramdam ko naman na napipikon na si MM kaya sumingit na ako.
"Don't worry guys! Nagbibiro lang ako! Hindi ko din gustong uminom! Kayo na lang!"sagot ko. Napailing na lang sila!
"Okay!"sabay-sabay nilang sabi at nanahimik na lang. Hinawakan ko naman ang kamay ni MM, agad naman siyang lumingon sa akin.
"Bakit?"tanong niya. Pero sa halip na sumagot ay niyakap ko lang siya. Ramdam kong nagulat siya pero niyakap din niya ako.
"Okay ka lang ba?"tanong pa niya.
"Okay lang ako, kasama kita eh"sagot ko at mas siniksik pa ang mukha ko sa dibdib niya.

"Mahiya naman! Nandito pa kami oh!"rinig kong sabi pa nila. Kumalas naman ako sa pagkakayakap sa kanya at tumingin sa kanila.
"Sabihin niyo inggit lang kayo! Bakit hindi kayo gumaya! Tutal! Sakto naman! Kayo!"pang-aasar ko pa. 
"Inang! Yuck! Huwag na lang!"sagot nila. Natawa naman ako sa reaction nila. Hahaha

Unexpected Chemistry (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon