M.M'S P.OV
Medyo badtrip ako ngayon! At dumagdag pa talaga sa pagkabadtrip ko iyong bago kong P.A kainis!! Nandito na kami ngayon sa Location kung saan gaganapin ang photoshoot namin. Nakaupo lang ako habang hinihintay ang sisteret ko. Siya kasi iyong partner ko, buti na nga lang at pumayag siya. Ayaw ko kasing iba pa ang kukunin namin, hindi ko keri makipagpartner sa ibang girls no! Eww!! Yuck!!
"Jon!!nandiyan na ba si Cassy?"tanong ko pa.
"Waley pa! Tawagan mo na kaya"sagot naman niya. Oo nga no! Kaagad ko naman kinuha iyong cp ko para tawagan si Cassy. Pero hindi ko pa nadadial iyong number niya ng tumunog ang cp ko. Galing ng timing ha! Tatawagan ko palang siya eh!
"Hello girl! Nasaan ka na?"kaagad na tanong ko sa kanya.
"Hayun na nga! Sisteret!! Pasensiya ka na! Di ako makakapunta, may emergency kasi! Pasensiya na"sabi naman niya, napatayo naman ako sa kinauupuan ko.
"Ano?? Pero paano iyon? Hindi na pwedeng ipagpaliban ito! Hindi ba pwedeng sumaglit ka muna dito!"pakiusap ko pa sa kanya.
"Pasensiya na sis! Hindi ko talaga magagawang pumunta diyan! On the way na kasi ako papuntang airport ngayon"sagot naman niya.
"Airport? Bakit ka pupuntang airport?"tanong ko sa kanya.
"Basta! Paliwanag ko na lang sayo kapag nagkita tayo! Sige na ha! Pasensiya na talaga sis! Sorry talaga"sabi pa niya sabay end ng tawag. Napahilamos naman ako sa mukha ko! Paano na ito?
"Meme! Tawag ka ni direk"biglang sabi ni RC.
"Okay ka lang meme? Bakit ganyan ang mukha mo? May problema ba?"tanong niya pa.
"Hindi ako okay!! Ang laki ng problema ko!!"sagot ko.
"Ha?bakit? Anyare?"tanong niya pa..
"Hindi makakapunta si Cassy ngayon! Dahil may emergency daw!"sagot ko
"Ano? Pero paano na ngayon? Magagalit si direk niyan!"sabi pa niya.
"Iyon na nga eh! Wala naman akong kilalang pwedeng ipalit kay sisteret! Patay ako nito Kay direk"sabi ko pa.
"Magpaliwanag ka na lang! Siya puntahan mo na siya! At baka lalo pa iyong magalit!"utos pa niya. Kaagad naman akong nagtungo Kay direk
"Oh ano na? Nasaan na si Cassy? Kanina pa tayo dito oh! Kailangan na natin magstart!"kaagad na sabi niya, halatang naiinip na siya.
"Ah..eh..iyon na nga po direk! Tumawag po sa akin si Cassy. Hindi daw po siya makakapunta, dahil may emergency daw po"kinakabahang sabi ko pa.
"Ano?? So paano na ito? Bakit ngayon pa siya nagback-out? Kung kailan kaorasan na! Hindi na naman natin ito pwedeng ipagpaliban pa! Bukas na ang start ng shooting natin! Kaya kailangan na nating matapos itong photoshoot niyo! Tapos ganito? Wala siya! Saan naman tayo kukuha ng pwedeng ipapalit sa kanya?"sigaw pa niya, nagtinginan naman sa amin ang mga tao sa paligid.
"Alam ko po iyon direk! Kaya nga po kanina pa po ako namomroblema dito eh! Hindi ko din po alam ang gagawin!"sabi ko naman sa kanya. Tiningnan naman niya ako ng masama sabay hampas sa akin.
"Aba! Dapat lang na problemahin mo iyan! Ikaw ang kumuha sa kanya kasi dahil diyan sa kaartehan mo! Kaya mag-isip ka! Kung ano ang gagawin natin!"talak pa niya.
"Oo na nga po direk! Kasalanan ko na! Pero baka po may kilala kayo na pwedeng ipalit sa kanya!"sabi ko pa..
"Wala!!"pagalit na sagot niya.
"Sa ganitong kaorasan? Tingin mo may makukuha ako kaagad! Tapos kung meron man! Sigurado akong hindi mo din gugustuhin! Arte mong iyan!"dagdag pa niya. Napakamot naman ako sa ulo ko..
"Direk naman eh!"dabog ko pa..
"Direk naman eh!! Hampasin kaya kita diyan!"sabi pa niya. Napanguso naman ako, sabay lingon sa paligid ko. Napadako naman ang Mata ko sa bagong P.A ko, na nasa sulok lang at busy sa cp niya.
"Teka lang po direk! May pupuntahan lang po ako"paalam ko pa sa kanya. At naglakad papunta sa P.A ko.
"Uy! Ate girl!"tawag ko sa kanya..tumingin naman siya sa akin.
"Ako po?"tanong niya..
"Malamang! May iba pa ba?"balik na tanong ko sa kanya.
"Ah..eh..sabi ko nga po! Ano po iyon?"tanong niya sa akin.
"Pwede bang pakiusapan ka na maging partner ko"tanong ko sa kanya. Napakunot-noo naman siya
"Po?"tanong pa niya
"Ang sabi ko, kung pwede bang maging partner ka! Wala kasi iyong dapat na partner ko sa photoshoot. Eh wala naman kaming makukuha na iba! Kaya pwede ka ba?"paliwanag ko pa.
"Po? Ako po? Pero po-"
"Please!"pakiusap ko pa, kunwari naman akong luluhod. Pero pinigilan niya ako..
"Okay na po! Payag na po ako!! Hindi niyo na po kailangang lumuhod"sagot niya. Napangiti naman ako
"Sabi mo iyan ha!! Wala ng bawian!"sabi ko pa...napatango na lang siya, pero halata namang napipilitan lang...hahaha.no choice siya!! Problem solved!!!!