ALEX'S P.O.V
Napapangiti na lang ako habang pinagmamasdan ang mukha ni MM. Himbing ng tulog ng loko, nakangiti pa. Sino kaya iniisip nito? Hay! Pero nagpapasalamat na lang ako at okay siya at wala talaga siyang sakit. Hindi ko din kasi kakayanin kung may sakit talaga siya eh. Nung nalaman ko pa nga lang ang dahilan niya kung bakit siya umalis halos madurog ang puso ko. Kaya agad akong nagmakaawa kay mama at papa na pumayag na sundan ko siya. Pasalamat narin lang ako at pupunta din pala dito sina ate Cassy, kaya sumabay na ako sa kanila.
"Baka matunaw na ako niyan! Kanina mo pa ako tinititigan eh. Akala ko nga hahalikan mo na ako, kaya hindi pa ako namulat dito kaso ang tagal mo, hindi na ako nakatiis"
Agad ko naman siyang hinamapas. Siraulo! Gising na pala siya kanina pa! Kaya pala may pagngiti-ngiti pa. Akala pala niya hahalikan ko siya
"Loko! Asa kang hahalikan kita!"sagot ko sa kanya. Ngumiti lang naman siya at umisog palapit sa akin at yinakap ako.
"Ay! Grave siya!"nakasimangot na sabi pa niya. Pinitik ko lang naman ang ilong niya.
"Aray!!"daing niya. Ngumiti lang naman ako.
"Ikaw ha!! Nag-uumpisa ka na naman! Baka gusto mo mapunta na naman tayo sa kung saan"pilyong sabi niya. Kaya hinampas ko ulit siya.
"Ang landi mo talaga kahit kailan!!"sabi ko pa sa kanya. Tumawa lang naman siya.
"Joke lang"natatawang sabi pa niya.
"Asus!! Joke ka diyan! Maniwala ako!!!"sagot ko.
"Kilalang-kilala mo talaga ako ah"sabi niya.
"Siyempre!! Alam na alam ko kapag sinapian ka na naman ng kalandian mo!"sagot ko. Lalo naman siyang natawa
"Hay!! Don't worry! Awat muna! Okay lang sa akin kahit ganito muna tayo"sagot niya sabay halik sa noo ko. Napangiti na lang ako
"Ahmmm Alex.."tawag niya.
"Hmmm? Bakit?"tanong ko
"Tumawag sa akin si Tito Boy,..gusto daw tayong mainterview. Actually matagal na silang nagrerequest kaso palagi kong tinatanggihan"sagot niya. Agad naman akong bumangon at umupo.
"Anong sinagot mo?"tanong ko sa kanya. Ngumiti naman siya at bumangon din at sumandal sa may Kama.
"Pumayag ako, sabi ko magpapainterview tayo kapag nakauwi na tayo"sagot niya. Tumango na lang naman ako.
"Okay! Payag ako! Kasama naman kita eh"sabi ko.
"Thank you! Don't worry sabay nating haharapin at sasagutin ang mga tanong nila!"sabi pa niya sabay hawak ng kamay ko at hinalikan ito. Ngumiti lang naman ako. Siguro oras na para sagutin namin ang mga tanong ng mga tao. Alam Kong alam narin naman nila, kailangan lang namin ng confirmation.
"Nakahanda naman akong sumagot sa tanong nila eh! Kasi alam Kong nandiyan ka!"sagot ko.
"Pero bago iyon! May kailangan muna akong gawin"biglang sabi niya. Napakunot naman ang noo ko.
"At ano naman iyon?"tanong ko.
"Basta!!"nakangiting sagot niya.
"Ano nga iyon? Dali na! Hayan ka na naman!!"pilit ko. Pero umiling lang naman siya.
"Basta nga!! Malalaman mo din!"nakangiting sagot niya. Napasimangot naman ako
"Ewan ko sayo! Lagi kang ganyan! Laging may tinatago"tampo ko.
"Huwag ka ng magtampo! Promise!! Sasabihin ko din sayo kapag okay na"sagot niya.
"Hindi kalokohan iyan ha?"tanong ko. Natawa naman siya sabay tango
"Promise! Hindi kalokohan iyon!"natatawang sagot niya. Tumango na lang ako at yumakap sa kanya.
"Promise mo iyan ha!! Naku! Pag iyan ay kalokohan! Matatamaan ka sa akin"banta ko.
"Oo nga po!! Pangako! Hindi siya kalokohan jskkskskdksmks"sagot niya. Napakunot naman ulit ang noo ko dahil sa huli niyang sinabi na hindi ko naintindihan.
"Ano iyon? Ano iyong hili mong sinabi?"tanong ko. Ngumiti lang naman siya at umiling.
"Wala! Sabi ko tara na tumayo! At ng makakain na! Baka nagugutom na si Baby"sagot niya. Pero nakakunot parin ang noo ko.
"Iyon ba talaga ang sinabi mo? Parang hindi iyon eh"tanong ko. Tumango naman siya
"Oo! Iyon talaga ang sinabi ko! Kaya Tara na tumayo at bumaba para makakain! Baka nagugutom na si Baby"sagot niya ulit. Kahit naman nagdududa pa ako ay tumango na lang ako at tumayo. Gutom narin kasi talaga ako.
"Sige na nga! Naniniwala na ako! Tara na! Gutom na kami ni Baby"pagyaya ko. Natawa lang naman siya
"Takaw niyo talaga ni Baby!"sabi pa niya kaya sinamaan ko siya ng tingin.
"Anong sabi mo?"mataray na tanong ko.
"Ha? Wala! Sabi ko tara na!!"sagot niya sabay buhat ulit sa akin.
"Ang hilig mong buhatin ako! Hindi ka ba nabibigatan?"tanong ko. Tumawa lang naman siya.
"Medyo! Pero Keri lang!"nakangiting sagot niya. Napangiti na lang naman ako..ang swerte ko talaga sa baklang ito....-