CHAPTER 102

72 5 0
                                    

ALEX'S P.O.V
Ngayon ang huling araw nina Nanay at Ate Mika dito sa Pilinas. Kailangan na kasi nilang bumalik sa Canada dahil may naiwan pa silang trabaho doon. Nandoon din kasi ang asawa at anak ni ate Mika. Kaya gustuhin pa sana namin silang makasama ay kailangan na namin magpaalam. Kaya heto tinutulungan namin silang Mag-ayos ng gamit.
"Hindi na ba namin kayo mapipigilan umalis Nay? Ate?"tanong naman ni MM. 
"Pasensiya na Anak ha! Kahit gustuhin pa namin magtagal ay hindi na maaari eh. Kailangan na naming bumalik ng ate mo"sagot naman ni Nanay.
"Oo nga bunso! Pasensiya na! Hinahanap narin kasi ako ng mga bata! Alam mo naman! Kaya kailangan ko ng umuwi"sagot naman ni Ate. Tumango na lang si MM at pilit na ngumiti. Hinawakan ko naman ang kamay niya, dahilan para mapatingin siya sa akin.
"Okay lang iyan!"nakangiting sabi ko sa kanya. Kita ko iyong lungkot sa mata niya. Kahit naman ako nalulungkot din eh!
"Huwag ka ng malungkot iho! Babalik kami pangako iyan!"nakangiti pang sabi ni Nanay sabay lapit kay MM. Agad naman siyang niyakap ni MM.
"Mamimiss kita Nay! Kayo ni ate!"paglalambing pa niya.
"Mamimiss ka din namin! Kayo ni Alex!"sagot naman Ni Nanay. Napangiti naman ako at yumakap din sa kanila.
"Mag-iingat kayo ditong dalawa ha! Alagaan niyo ang isa't-isa."bilin pa ni Nanay sa amin. Tumango naman kami.
"Lalo ka na MM! Alagan mo itong si Alex! Huwag mo sil..siyang pababayaan! Huwag na huwag mo siyang iiwang mag-isa. Sisiguraduhin mong maibigay lahat ng gusto niya! Huwag mong hahayaan na magtampo o sumama ang loob niya. Ingatan mo siya!"bilin pa ni Nanay kay MM. Tumango na lang si MM
"Opo Nay! Tatandaan ko po kahit nakakapagtampo! Dahil ako ang anak niyo pero mas nag-aalala pa kayo kay Alex"parang nagtatampong sabi naman ni MM. Hinampas naman siya ng mahina ni Nanay.
"Hay naku! Ikaw talagang bata ka! Huwag ka ng magtampo! Diyan! Di bagay"natatawang sabi naman ni Nanay. Napanguso na lang si MM,
"Oo nga naman tutoy! Para ka namang bata diyan eh! Tandaan mo hindi ka na bata! Magiging da-...Aray naman Nay!"hindi na naituloy ni Ate ang sasabihin niya ng batuhin siya ni Nanay. Nakahinga naman ako ng maluwag. Hay! Muntik na iyon ah! Tumingin naman ako kay MM, na halatang nagtataka
"Ano iyon ate? Ano iyong sinasabi mo?"tanong pa niya. Agad naman akong tumingin kay ate, iyong tingin na nakikiusap. Naku!
"Ha? Wala sabi ko, hindi ka na bata! Dahil matanda ka na"sagot naman ni Ate. Wwwooohh! Buti na lang!!
"Grabe ka naman! Makatanda ka naman! Eh mas matanda ka pa naman sa akin no?"sagot naman ni MM. 
"Pero hindi naman halata"pang-aasar naman sa kanya ng ate niya. Inirapan lang naman niya ito. Natatawa na lang ako sa kanila habang nag-aasaran naman sila, may naramdaman naman akong may humawak sa kamay ko. Pagtingin ko ay si Nanay pala!
"Iyong bilin ko sayo! Sabihin mo na sa kanya"sabi pa nito. Ngumiti naman ako at tumango.
"Opo nay! Promise po!"sagot ko. Ngumiti naman siya sa akin

"Uy! Uy! Ano iyang pinag-uusapan niyo? Bakit di ako kasali?"singit naman ni MM.
"Wala! Binibilin ka lang ni Nanay sa akin! Magsabi daw ako kapag nagloko ka! Siya na daw ang bahala sayo"sagot ko. Napasimangot naman siya
"Grabe talaga kayo sa akin!! Mukha ba naman akong magloloko? Di ba hindi! Madalas maloko pwede pa"sagot niya. Agad ko naman hinawakan ulit ang kamay niya.
"Hindi na ngayon! Dahil hinding-hindi kita lolokohin"nakangiting sabi ko. Ngumiti naman siya sa akin at niyakap ako.
"Promise iyan ha! Huwag mo akong ipagpapalit! Huwag na huwag mo akong iiwan"paninigurado pa niya. Napatitig na lang ako sa mukha niya. Naalala na ba niya ang lahat? Dahil bakit ganito siya? Ganitong-ganito din ang tanong niya sa akin noon eh! Bago siya maaksidente.

"Ehem!! Tama na muna ang loving-loving niyo!! Tapusin na muna natin ito!!"singit naman ni Ate. Kaya agad kaming napahiwalay sa isa't-isa. Ngumiti lang ako, at bumalik na ulit sa pag-aayos ng gamit, ganun din naman siya. Pero hindi ko naman maiwasang tingnan siya, gusto ko siyang tanungin! Pero natatakot ako! Baka mahopia na naman ako.

MM'S P.O.V
Ramdam kong kanina pa tingin ng tingin sa akin si Alex. At ramdam ko din na parang may gusto siyang itanong. Pero pinipigilan niya lang ang sarili niya. Kahit ako naman din eh! May gusto din akong itanong sa kanya pero pinipigilan ko din ang sarili ko. Baka kasi mali lang ako! At iniisip ko lang iyon. Pero hindi ko din maiwasang mag-isip na baka tama ako. Kasi kung ibabase sa nakikita ko, posibleng tama ako. Hay! Ang gulo! Pero kung tama ang hinala ko, bakit hindi niya sinabi sa akin? Wala ba siyang balak sabihin sa akin?Pero Bakit? 
"Kung ako sayo! Kakausapin ko siya"
Napalingon naman ako kay Ate na nakatingin sa akin.
"Ha?"tanong ko, umiling lang naman siya.
"Sabi ko, kung ako sayo! Kakausapin ko siya! Kaysa parang ewan ka diyan"sagot niya sabay tingin kay Alex.
"Anong ibig mong sabihin ate?"tanong ko ulit. Ngumiti naman siya at tinapik ang balikat ko
"Hay naku Bunso! Alam ko lahat ng nangyayari sa inyo! Kaya wala kang maitatago sa akin!"sabi pa niya kaya napakunot naman ang noo ko. At di makapaniwalang tumingin sa kanya. 
"Hay naku! Huwag ka ng magtanong! Mabuti pa ay ang gawin mo ay kausapin mo siya at ayusin mo ang lahat...habang maaga pa. Huwag mong hintayin na gumulo pa ang sitwasyon. Huwag mong hintayin na sa iba niya pa malaman ang totoo. Dahil pag nangyari iyon baka mangyari ang kinatatakutan mo! Ang mawala siya ng tuluyan sa buhay mo. Kaya bunso! Ayusin mo na ito! Bago mo pa pagsisihin ang lahat!"payo pa niya. Tumango naman ako at niyakap siya.
"Salamat ate"sabi ko pa. 
"Wala iyon! Sana maging maayos na ang lahat sa inyo"sagot niya pa at kumalas na sa pagkakayakap sa akin.

"Uy! Ano iyan? Bakit mukhang seryoso kayo diyan ah!!"tanong pa ni Nanay. Umiling naman kami tapos ay ngumiti na lang.

Unexpected Chemistry (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon