CHAPTER 107

116 6 0
                                        

MM'S P.O.V
Habang nag-uusap kami ni Doc. Ay Bigla na lang may babaeng sumigaw kaya agad akong napalingon dito. Nagulat ako ng makita kong si Alex pala iyong sinigawan nung babae. Agad akong nagpaalam kay Doc. At naglakad palapit kina Alex. Kita kong umiiyak siya, pero bakit siya umiiyak? Mas nagmadali pa ako para puntahan siya ng makita kong paalis na siya. Agad ko siyang hinawakan para pigilan..
"Alex! Sandali!"pigil ko. Tumingin naman siya sa akin at ang sama ng tingin niya. Kaya napakunot ang noo ko. Galit ba siya?
"Okay ka lang ba? Bakit ka umiiyak? Anong nangyari?"nag-aalalang tanong ko. Ngumit naman siya pero halatang pilit. Lumapit naman ako sa kanya para punasan ang luha niya kaso tinabig niya ang kamay ko. Nagulat naman ako dahil doon.
"Huwag mo akong hahawakan!"madiin na sabi niya. Sabay alis ng kamay ko na nakahawak sa kanya. Lalo naman akong naguluhan sa mga inaasta niya. Anong nangyayari?
"Bakit? Teka! Baby! May problema ba?"tanong ko. Pero tiningnan niya lang ako ng masama. 
"Problema? Tinatanong mo kung ano ang problema ko?"sigaw niya sa akin. Kahit litong-lito na ako, tumango parin ako.
"Ito ang problema ko!!"sigaw niya. Nagulat na lang ako ng bigla niya akong sinampal. Gulat na nakatingin lang ako sa kanya. Hindi ko alam kung paano ako magrereact. Bakit niya ako sinampal? Anong ginawa ko? Magsasalita na sana ako ng agad siyang tumakbo palayo. Agad ko naman din siyang hinabol, ramdam ko pa ang mga tingin ng mga tao sa amin. Pero wala na akong pakialam sa kanila. 
"Alex teka lang! Mag-usap tayo! Ano bang problema?"habolko pa sa kanya. Pero takbo lang siya ng takbo hanggang sa makalabas siya ng Hospital. 
"Alex! Ano ba!! Kausapin mo naman ako! Ano bang problema mo?"tanong ko sa kanya. Agad ko naman siyang hinawakan sa kamay para pigilan siya.
"Bitawan mo ako!!"galit na sigaw niya sabay alis ng kamay ko. Kita ko ang galit sa mata niya habang nakatingin sa akin.
"Alex! Baby! Ano bang problema? Wala akong maintindihan sa nangyayari eh!"pagmamakaawa ko pa. Malapit na talaga akong umiyak, gulong-gulo na ako, nakakaramdam nrin ako ng takot.
"Pwede ba! MM! Tama na! Alam ko na ang lahat! Lahat-lahat!!"sigaw pa niya.
"Anong ibig mong sabihin? Anong?"naguguluhan na tanong ko. Gusto kong punasan ang luha niya pero baka magalit siya. Bigla naman niya akong tinulak
"Anong ibig kong sabihin? Wala kang maintindihan? Talaga ba? O kasama lang iyan sa lahat ng kasinungalinganmo!"galit na sigaw pa niya. Umiling naman ako, wala talaga aoong maintindihan!
"Teka nga Alex! Wala talaga akong maintindihan! Ano bang ibig mong sabihin?"tanong ko pa. Napalingon naman ako sa mga taong nagdadaan. Kita kong lahat sila ay nakatingin sa amin, akala siguro nila may shooting. 
"Sa loob na lang tayo mag-usap! Dumadami na ang tao oh!"sabi ko pa sa kanya. Pero umiling lang siya.
"Ayaw ko! Hindi ako sasama sa isang sinungaling na katulad mo!"galit na sabi pa niya. Gulong-gulo na talaga ako..hindi ko talaga alam kung anong nangyayari! Kung bakit siya galit na galit sa akin. Kanina naman ay okay kami ah!
"Baby please! Mag-usap tayo ng ayos! Huwag ganito! Tara na sa loob ng sasakyan"pakiusap ko pa.
"Ano pa ba ang dapat nating pag-usapan ha? Bakit may tinatago ka pa ba na hindi ko alam? Bukod sa pagsiainungaling mo na may amnesia ka?!"
Gulat! Iyan ang una kong naramdaman, ng marinig ko iyong sinabi niya. Pero Paano niya nalaman? Kaya ba ganyan na lang iyong galit niya sa akin?
"Ano na gulat ka ano? Nagulat ka na alam ko na ang totoo! Akala mo siguro maloloko mo pa ako! Pero pwes! Hindi na! Dahil alam ko na ang lahat! Alam ko na iyang kasinungalingan mo!"sigaw pa niya. 
"Teka lang! Alex please hayaan mo muna akong magpaliwanag"pakiusap ko sa kanya.
"Hindi na kailangan! Dahil wala narin naman akong pakialam! Wala na rin namang magbabago! Hindi rin naman mababago ang katotohanang niloko mo ako!! Sinungaling ka!!"galit na sabi pa niya. Hinila ko naman siya at yinakap.
"Ano ba! Lumayo ka! Manloko ka! Sinungaling ka!! Niloko mo ako!"pagpupumiglas pa niya. Lalo ko naman siyang yinakap
"Please Baby! Hayaan mo muna akong magpaliwanag! Please pakinggan mo muna ako! Parang-awa mo na"pakiusap ko pa. Patuloy lang niya akong sinusuntok habang pilit na tinutulak. Pero deadma na sakin iyong sakit ng suntok niya. Kasi alam kong higit pa dito ang nararamdaman niya ngayon. At deserve ko naman ito.
"Sorry"umiiyak na sabi ko pa. Tinulak naman niya ako
"Sorry? Sorry lang? Akala mo ba maiibsan ng sorry mo! Iyong sakit na nararamdaman ko ngayo?! Hindi! Hinding-hindi! Kasi ang sakit-sakit! Na malaman na nagsinungaling ka sa akin! Na niloko mo lang ako! Na lahat ng iyon palabas mo lang! Para ano ha? Natuwa ka ba? Natuwa ka ba ha? Na makita akong nahihirapan at nasasaktan?"sigaw pa niya. 
"No! Hindi! Maniwala ka o hindi! Nasasaktan din ako na makita kang nasasaktan at nahihirapan. Kaya nga sobra iyong pagsisisi ko dahil sa ginawa ko. Alam ko naman na mali ako eh! Pero please! Hayaan mo muna akong magpaliwanag! Please!"pagmamakaawa ko pa.
"Huli na! Hindi na kailangan! Nagsinungaling ka na! Nasaktan mo na ako! Kahit magoaliwanag ka pa! Hindi narin ako sigurado kung papaniwalaan pa kita! Matapos ang lahat ng ito! Matapos ng panloloko mo!"sagot niya. Napaluhod na lang ako
"Please! Parang-awa mo na! Hayaan mo muna akong magpaliwanag! Pakinggan mo muna ako"pagmamakaawa ko.
"Huwag na muna ngayon MM! Hayaan mo muna ako! Ang sakit pa kasi eh! Ikaw iyong huling tao na inaasahan kong manloloko sa akin. Kaya sobrang sakit na nalaman ko na niloko mo ako. Kasi, kahit anong pilit kong isipin! Hindi ko maisip kung ano ang dahilan mo para gawin ito! Lahat naman di ba ginawa ko para sayo? Pero bakit? Bakit mo ako niloko? Tiniis ko naman lahat di ba? Iyong pagtataboy mo sa akin, iyong pagtataray mo! Tiniis ko lahat ng iyon! Kahit sobrang hirap na hirap na ako! Kahit sobrang sakit na! Tiniis.ko parin! Pero ano? Iyon pala! Palabas mo lang iyon! Wala ka pala talagang amnesia!"umiiyak na sabi pa niya. Yinakap ko naman siya, ang bobo-bobo ko. Gusto ko bugbugin ang sarili ko! Ang sakit makita na umiiyak ang babaeng mahal mo ng dahil sayo. Kung kaya ko lang ibalik ang oras! Gagawin ko! Hindi ko na sana ginawa iyon! Hindi na sana!
"Aaahhhhhhh!!!"biglang sigaw niya kaya bigla akong nataranta. 
"Bakit? Anong nangyayari? Okay ka lang?"nag-aalalang tanong ko. 
"Ang tiyan ko ang sakit...."halos pasigaw na sabi pa niya habang hawak-hawak ang tiyan niya. Nagulat naman ako ng may makita akong dugo na umaagos sa paa niya.
"A-ang baby natin...."huli niyang sabi bago siya tuluyang nawalan ng malay.
"Alex!!"sigaw ko at dali-dali siyang binuhat papasok ulit ng Hospital. 
'Buwesit!!! Ano itong ginawa ko!!??'

-

Unexpected Chemistry (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon