CHAPTER 139

57 7 0
                                        

ALEX'S P.O.V
Pagkatapos ng interview namin, agad kaming umuwi sa bahay. Nangako kasi siya na magluluto para sa akin.
"Baby, maupo ka muna diyan, magluluto lang ako"utos pa niya. Umiling naman ako at kumapit sa kanya.
"Sama ako sayo, gusto kitang panoorin"paglalambing ko pa. Napangiti naman siya
"Hay! Naku ang Baby ko, naglalambing"nakangiting sabi pa niya. Yumakap naman ako sa kanya tapos inamoy-amoy siya. Hindi ko alam kung bakit ganito ako. Matagal na naman tapos ang paglilihi ko. Pero Ewan ko ba sa sarili ko.
"Uhmmm baby...huwag kang ganyan! Baka Hindi ako makatuloy sa pagluluto."saway niya sa akin. Pero ngumiti lang ako tapos ay itinuloy ang pag-amoy-amoy sa kanya.
"Baby..."tawag pa niya sa akin. Nakasimangot naman akong tumingin sa kanya.
"Bakit ba? Gusto ko lang naman ikaw amoyin eh!"dabog ko. At iniwan siya
"Baby...sorry na!"habol niya sa akin. Pero tiningnan ko lang siya ng masama at dire-diretsong nagtuloy sa kwarto ko.
"Baby...wait!!"tawag pa niya sa akin.
"Bahala ka diyan!! Naglalambing lang ako ayaw mo pa!"sigaw ko sa kanya. 
"Baby sorry na...sorry na!!"sabi pa niya saka niyakap ako mila sa likuran ko. Grabe kabayo nga po siya! Kasi ang bilis niya.
"Alis!!"pagtataray ko pa. Pero ang totoo po niyan, nagkukunwari lang po akong galit.
"Sorry na..bati na tayo"paglalambing pa niya sa akin at mas hinigpitan pa ang yakap.
"Galit ako sayo! Kami ni Baby!"sagot ko.
"Sorry na...sige payag na akong amoy-amoyin mo ako. Di na kita pipigilan"sabi pa niya. Napangiti naman ako at humarap sa kanya.
"Talaga?"nakangiting tanong ko pa. Tumango naman siya
"Oo! Kaya please bati na tayo"pakiusap pa niya. Nagkunwari naman akong nag-iisip
"Please!!!"pakiusap pa niya. 
"Sige na nga!"sagot ko. Lumiwanag naman ang mukha niya at ngumiti.
"Talaga? Yes!!"tuwang-tuwang sabi pa niya.
"Opppsss!!!"sabi ko sa kanya.
"Bakit?"tanong niya. Ngumiti naman ako sa kanya
"Sa isang kondisyon!"nakangising sabi ko.
"At ano naman iyon?"tanong niya...kumindat naman ako sa kanya tapos hinila siya pababa..hahahaha

MM'S P.O.V
Napapailing na lang ako, hindi ko talaga alam kung anong trip ni Alex ngayon. 
"Ang bango"sabi pa niya. Napangiti na lang ako.
"Alin ang mabango ako o iyong niluluto ko?"tanong ko sa kanya. 
"Hmmmm..pareho"sagot niya. Napailing na lang ako, kaloka talaga! Ewan ko kung anong trip niya talaga, para daw kasi pumayag siya na magbati kami ay kailangan ko siyang lutuan ng masarap. Habang nakayakap sa akin. Aaminin ko medyo mahirap, pero Keri na naman.
"Gutom ka na ba?"tanong ko pa habang inihahanda ang niluto ko. Take note po! Nakayakap parin po siya.
"Medyo"sagot niya
"Saglit lang, patapos na ito! Maupo ka na doon"sabi ko pa.
"Ayaw! Gusto ko ganito lang"sagot pa niya. Umikot naman ako paharap sa kanya.
"Baby...hindi ka ba nahihirapan?"tanong ko. Umiling naman siya
"Hindi! Gusto ko nakayakap lang ako sayo"nakangiting sagot niya. Napakunot naman ang noo ko
"Anong meron sayo ha? Bakit ka ganyan?"tanong ko
"Ewan! Basta gusto ko lang na nasa malapit ka"sagot pa niya.
"Pero, kailangan mo munang umupo doon, at ipaghahanda kita ng makakain"sabi ko pa.
"Pero.."malungkot na sabi pa niya.
"Don't wory! Bibilisan ko,"sabi ko pa.
"Tulungan na lang kita"alok pa niya. Umiling naman ako
"No! Maupo ka na lang doon! Ayaw kitang mahirapan, kaya hayaan mo na lang akong paglingkuran ka"nakangiting sabi ko pa. Ngumiti naman siya tapos pinisil ang ilong ko.
"Ang sweet mo talaga"sabi pa niya sabay hawak sa mukha ay hinalikan ako. 
'Ayos!!'

-

Unexpected Chemistry (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon