CHAPTER 92

68 5 0
                                    

ALEX'S P.O.V
Masaya ako kasi okay na kami, hindi na niya ako masyadong sinusungitan. Unti-unti na siyang bumabalik sa dati, kaso lang hindi parin niya ako matandaan. Pero okay lang! Atleast okay kami at masaya. 
"Hey! Okay ka lang? Bakit ang tahimik mo?"biglang tanong niya. Agad naman akong tumingin sa kanya.
"Okay lang ako! Medyo parang masama lang ang pakiramdam ko"sagot ko. Agad naman niyang kinapa ang noo ko.
"Wala ka naman lagnat!"sabi naman niya. Napangiti naman ako 
"Okay ka lang ba talaga?"tanong pa niya
"Oo nga! Okay lang ako, ipapahinga ko lang ito!"sagot ko. Pero sadyang masama talaga ang pakiramdam ko. Kaya nga kinacel ko lahat ng appointment ko ngayon eh. 
"Sigurado ka ba talaga? Kasi parang hindi ka okay! Ang putla mo"nag-aalalang sabi pa niya. Pilit ko namang pinasigla ang sarili ko.
"Okay nga lang ako! Kaya huwag ka ng mag-alala diyan!"nakangiting sagot ko. Pero parang hindi siya naniniwala
"Sigurado ka ba talaga? Sure na sure? Ang putla mo kasi eh!"paninigurado pa niya. Kaya medyo natawa na ako
"Ang kulit mo! Okay nga lang ako! Atsaka maputi lang talaga ako kaya akala mo ay maputla ako"sagot ko. Tumayo naman ako para ipakitang ayos lang ako. Kaso parang umikot ang paligid ko kaya agad akong napakapit sa kanya.
"Hey! Okay ka lang?"nag-aalalang sabi pa niya habang inaalalayan ako.
"Nabigla yata ako sa pagtayo ko, medyo umikot ang paligid ko eh"sagot ko. 
"Hayan na nga ang sinasabi ko sayo! Ang yabang mo kasi! Halata namang hindi ka okay eh!"sermon niya sa akin. Agad naman siyang kumuha ng tubig at pinainom ako.
"Okay lang naman kasi ako eh!"katwiran ko pa. Sinamaan naman niya ako ng tingin
"Ganyan ba ang okay? Namumutla kana okay parin? Naku! Alex! Huwag ako! Hindi ka mukhang okay!"talak pa niya sa akin. Kaya napanguso na lang ako. 
"Sorry! Ayaw ko lang naman na mag-alala ka eh!"sagot ko.
"Hay naku! Iyang katwiran mong iyan! Sinasabi ko sayo! Hindi mo ako mapipigilang hindi mag-alala sayo! Kaya huwag ka ng magkunwaring okay ka lang! Kasi hindi ka talaga okay!"sermon pa niya.
"Oo na! Sorry na po"nakangusong sagot ko.
"Oh siya! Maupo ka na muna diyan! Maghahanda lang ako ng makakain mo. Para makainom ka narin ng gamot!"sabi pa niya.
"Ayaw kong kumain! Wala akong gana! Dito ka na lang! Okay na ako"paglalambing ko pa. Ayaw ko talagang kumain! 
"Hindi pwede iyon! Kailangan mong kumain! Kaya huwag ng matigas ang ulo! Maupo ka na lang diyan at maghahanda lang ako ng pagkain mo"sabi pa niya. Napasimangot naman ako at padabog na tumayo.
"Ayaw ko nga kasing kumain eh! Bakit ba ang kulit mo! Bahala ka nga diyan! Akyat na ako sa kwarto ko!"pasigaw na sabi ko pa at padabog na umalis. Nakakainis! Gusto ko lang maglambing eh! Hindi pa nagets! Buwesit!!!...grrrrr!!!..

MM'S P.O.V 
Napanganga na lang ako sa inasal ni Alex. 
"Anyare doon?"natanong ko na lang. Bigla-bigla na lang nagagalit, masama na ba ngayon na pilitin siyang kumain para makainom siya ng gamot? Kaloka ka ha! Hay naku! Mabuti pa ay sundan ko na siya. Baka lalo pang magalit! Agad akong nagtatakbo para habulin siya. Naabutan ko naman siyang papasok sa kwarto niya kaya agad ko siyang pinigilan.
"Teka lang Alex! Mag-usap nga tayo"pigil ko sa kanya. Sinamaan naman niya ako ng tingin.
"Ayaw kitang kausap! Kaya tumabi ka diyan! Matutulog na ako!"pagtataray pa niya. Hay! Nagtransform na po siya!
"Ang kulit mo naman eh! Kumain ka na nga muna! Para makainom ka ng gamot"pilit ko.
"Ikaw ang makulit!!! Sabi ng ayaw kong kumain eh!! Kung gusto mo ikaw ang kumain! Ikaw narin ang uminom ng gamot! Baka sakaling gumaling ka!!"sigaw naman niya akin. Napailing na lang ako
"Ikaw ang may sakit ako ang papainumin mo ng gamot-"
"May sakit ka din naman ah"sabi pa niya. Kaya napakunot ang noo ko
"Ha? Ako? May sakit? Wala akong sakit ah!"pagtataka ko pa
"May sakit ka! Malala pa nga eh!"sagot naman niya. Ha? Wala naman akong sakit ah! Di ba?
"Hoy! Excuse me! Wala akong natatandaan na sakit ko no!"sagot ko naman sa kanya. May sakit ba ako? Inrapan naman niya ako
"May sakit ka! Baka nakalimutan mo lang!!"sigaw naman niya sabay tulak sa akin at padabog na sinarado ang pinto. Naiwan naman akong nagtataka. May sakit daw ako? Pero wala talaga akong naaalala na may sakit ako. Agad ko namang kinuha ang cp ko at dinial ang number ni Cassy. Agad din naman itong sumagot
"Hello sis!"bungad ko.
"Hello! Bakit napatawag ka? Problema?"agad na tanong niya.
"Eh kasi sis! Si Alex hindi ko maintindihan eh!"sagot ko
"Ha? What do you mean?"tanong niya
"Ganito kasi iyon sis! Pinipilit ko siyang painumin ng gamot kasi may sakit siya. Kaso nagalit siya sa akin, at sabi pa niya na ako na lang daw ang uminom ng gamot. Dahil ako daw ang maysakit! Eh wala naman akong natatandaan eh! Nang sinagot ko naman siya nawala akong sakit, sinigawan lang niya ako. At sabi niya na Nakalimutan ko lang daw"pagkukuwento ko. Bigla naman siyang tumawa ng malakas. Kaya napakunot ang noo ko.
"Bakit ka naman tumatawa?"tanong ko.
"Eh kasi Sis! Ang slow mo...!!"natatawang sagot pa niya. Kaya lalong kumunot ang noo ko.
"Ha?"tanong ko.
"Ang slow mo na ngayon sis! Kaya sinabi ni Alex na may sakit ka kasi, may sakit ka naman talaga eh!"natatawa pa niyang sabi
"Wala nga akong sakit!"sagot ko naman
"Meron sis! PAGKALIMOT!!"sagot niya. At tumawa na lang siya ng tumawa. Pinatay ko na lang ang tawag, nabubuwesit lang ako. Pero teka! Napaisip naman ako! 
"Pagkalimot?" Napangiti na lang ako, iyon pala ang sinasabi niyang sakit ko. Hahahaha!

-

Unexpected Chemistry (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon