ALEX'S P.O.V
Kanina pa ako nakatingin sa cp ko, at hinihintay ang reply ni Ate M. Nakailang beses na akong nagtext sa kanya para humingi ng 'sorry' pero ni isang reply wala akong natanggap mula sa kanya. Hindi ko naman kasi alam na dadating si Tyrone eh. Nagulat na lang din ako ng biglang sumulpot siya. Hindi na ako nakapagpaliwanag Kay Ate M, kasi bigla niyang pinatay ang tawag. Kaya hindi ko maiwasang hindi mag-alala, baka kasi nagalit siya. Di ba nga? Sa kanya ako umiyak ng nalaman kong nagsisinungaling sa akin si Tyrone. Tapos ito malalaman niya na magkasama kami ngayon, na hindi naman! Kasi biglaan lang! Hay ano ba ito? Bakit pakiramdam ko nagiguilty ako?
"Love! Okay ka lang ba? Kanina ka pa tahimik diyan ah. May problema ba? May hinihintay ka bang tawag or text?"pagtatanong pa niya sa akin, tiningnan ko lang siya sandali at bumalik na ulit ang tingin ko sa cp ko. Nandito kami ngayon sa apartment ko dati, kami lang dalawa ang nandito kasi nagpaalam ang dalawa na may bibilihin lang daw. Pero alam ko naman na sinadya nila talagang umalis para hayaan kaming dalawang mag-usap.
"Love!"pagtawag pa niya sa akin, sabay hawak sa kamay ko. Agad ko namang hinigit ang kamay ko.
"May problema ba tayo?"tanong pa niya, tiningnan ko naman siya ng masama.
"Ikaw ang tatanungin ko niyan Tyrone! Ano sa tingin mo?"balik na tanong ko sa kanya. Umiling naman siya.
"Sa pagkakaalam ko love, wala naman tayong problema"nakangiting sagot niya.
"Talaga lang ha?"sarkastikong sabi ko, tiningnan naman niya ako na parang nagtataka sa pinagkikilos ko.
"May problema ba tayo love? Wala kasi akong natatandaan eh!"tanong pa niya, ang sarap niyang sampalin sa totoo lang!
"Wala kang natatandaan? Sabagay nga naman! Makakalimutin ka nga pala! Kasi kahit anniversary natin hindi mo din naalala"galit na sabi ko sa kanya, nanlaki naman ang Mata niya.
"Oh my! Pasensiya ka na love, kung nakalimutan ko! Masyado lang talaga akong busy, kaya pasensiya na love! Babawi na lang ako"sabi naman niya. Hindi ko naman napigilan ang sarili kong sampalin siya. Halatang gulat na gulat siya sa ginawa ko.
"Matagal ko ng gustong gawin iyan sayo! Atsaka! Anong sabi mo? Masyadong busy ka? Talaga lang Tyrone ha? At tingin mo maniniwala ako? Kapal din mo no?! Ang kapal-kapal ng mukha mo!!"galit na sigaw ko sa kanya. Habang pinaghahampas siya, pilit naman niyang sinasalo bawat hampas ko.
"Teka lang love! Ano ba? Bakit ka ba nagkakaganyan? Di ba nagsorry na naman ako. Alam mo naman di ba? Busy ako masyado. Atsaka nasa Davao ako ng time na iyon, nagshoshoot! Kaya nawala sa isip ko. Pasensiya ka na talaga! Huwag ka ng magalit"pag-amo pa niya sa akin. Tinulak ko naman siya..
"Alam mo Tyrone! Okay lang sana sa akin kung nakalimutan mo eh! Kasi naiintindihan ko naman na busy ka! Pero alam mo kung anong hindi okay? Iyon iyong niloko mo ako!"umiiyak na sabi ko, tinangka naman niya akong lapitan pero pinigilan ko siya.
"Huwag kang lalapit sa akin! Ni ang hawakan ako! Huwag na huwag mong gagawin!"banta ko pa sa kanya.
"Love! Ano ba talagang nangyayari? Ano ba iyang pinagsasabi mo? Anong niloko? Promise love Hindi kita niloloko"sabi pa niya, na lalo ko pang ikinagalit!
"Ang kapal kapal talaga ng mukha mo! Pwede ba Tyrone tama na iyang mga kasinungalingan mo! Dahil hindi na ako naniniwala sayo!"galit na sigaw ko sa kanya. Nakatingin lang siya sa akin,
"Love"tawag pa niya.
"Huwag na huwag mo na akong matawag-tawag na Love! Sinungaling ka!! Manloloko ka!"sigaw ko pa. Nagulat naman siya sa sinabi ko.
"Love! Teka! Mag-usap naman tayo ng ayos oh!"pakiusap pa niya. Umiling naman ako sa kanya
"Wala na tayong dapat pag-usapan pa Tyrone! Dahil pagod na pagod na ako! Matapos kitang intindihin, pagkatiwalaan! At mahalin! Tapos ganito pa ang igaganti mo sa akin? Ang lokohin lang ako!"sigaw ko sa kanya.
"No! Love! Hayaan mo muna akong makapagpaliwanag! Mali iyong akala mo!"pakiusap pa niya.
"Anong mali doon Tyrone? Mali iyong sinabi Kong manloloko ka? Hindi ako nagkakamali doon Tyrone! Kasi kitang-kita ko mismo! Kitang-kita ko mismo iyong panloloko mo!"galit na sigaw ko pa sa kanya. Hindi naman siya nakapagsalita dahil sa sinabi ko.
"Ano nagulat ka? Dahil tama ako di ba? Akala mo ba wala akong alam Tyrone ha?pwes sasabihin ko sayo nagkakamali ka! Dahil alam ko na iyang mga kasinungalingan mo!"dagdag ko pa.
"Si Ate M ba ang nagsabi sayo?"biglang tanong niya. Umiling naman ako kaagad.
"Wala siyang kinalaman dito! At hindi na niya kailangang sabihin pa! Dahil nakita ko! Kitang-kita ko kayo sa mall! Kitang-kita ko kung gaano kayo kasweet! Sa isa't-isa. Ang sakit noon Tyrone! Sobrang sakit! Pero alam mo ba kung ano pang mas masakit? Iyon ay iyong makita kitang may kasamang iba! Sa araw pa mismo ng ating anniversary! Alam mo iyong pakiramdam na parang sinampal ka ng paulit-ulit!. Iyong sinasabi ko sa sarili ko! Na baka sobrang busy ka, baka kaya nakalimutan mo. Pero ang totoo pala, ay may kasama ka lang iba"habang sinasabi ko iyon patuloy iyong pag-agos ng luha ko.
"Love mag-"
"Tapos sinasabi mo na nasa Davao ka? Tyrone huwag ako! Huwag ako!"sigaw ko pa sa kanya! Lumapit naman siya sa akin at niyakap ako. Pero kaagad ko din naman siyang itinulak.
"Lumayo ka sa akin! Umalis ka na! Ayaw na kitang makita!"galit na sigaw ko pa.
"No! Love! Pag-usapan natin ito!"pakiusap pa niya.
"Wala na tayong dapat pag-usapan pa! At Simula ngayon huwag mo na akong tawaging love! Dahil break na tayo!!"dagdag ko pa sabay tulak sa kanya palabas ng pinto. Nagpupumilit pa siya, pero halos lahat ginawa ko para lang maitulak siya palabas. Pagkalabas niya at kaagad kong sinara ang pinto. At napahagulhol na lang ako. Ang sakit!!
"Love!! Please!! Pag-usapan natin ito!! Magpapaliwanag ako"pakiusap pa niya habang kumakatok sa pinto.
"Umalis ka na!! Ayaw na kitang makita pa!!ganting sigaw ko sa kanya. Katok lang siya ng katok, pero hindi ko na siya pinansin. Maya-maya pa ay tumigil narin siya sa pagkatok. Sumuko na siguro! Napagod na!!
-
