CHAPTER 121

64 5 0
                                    

ALEX'S P.O.V
Hindi ko na namalayan na nakatulog pala ako sa paghihintay na matapos ang pag-uusap nila. Buti na lang at tumunog ang cp ko kaya nagising ako. And speaking sa cp ko kanina pa nga pala ito tumutunog. Agad ko itong kinuha at sinagot
"Hello! Sino ito?"tanong ko.
"Si Tyrone ito!"sagot niya. Agad naman akong napaayos ng upo. 
"Oh Tyrone! Bakit ka napatawag?"tanong ko ulit.
"Tatanong ko lang sana kung nasaan ka?"sagot niya. Napakunot naman ang noo ko! Bakita naman nito tinatanong kung nasaan ako?
"Bakit mo naman natanong?"balik na tanong ko.
"Basta! Sagutin mo muna ako"sagot niya. Ang weird niya!
"Nasa bahay namin! Bakit?"sagot ko.
"Sa bahay ni MM?"tanong pa niya.
"Hindi! Sa bahay ng mga magulang ko, bakit?"sagot ko. Bakit ba kanina pa ito tanong ng tanong?
"Kung ganun! Alam mo ba ang balita tungkol kay MM?"tanong pa nito. Napakunot lalo ang noo ko. 
"Anong tungkol kay MM?"tanong konsa kanya.
"Ha? Hindi mo alam?"tanong pa nito.
"Ang alin ba?"tanong ko sa kanya.
"Sabi kasi sa balita! Umalis daw siya ng bansa. Hindi lang alam kung anong dahilan"sagot niya. Ha? Umalis ng bansa? 
"Ha? Malabo iyon! Hindi siya umalis ng bansa! Kasama ko ngayon si MM"sabi ko.
"Sigurado ka?"tanong pa nito. 
"Oo! Kausap siya ngayon ng magulang ko"sagot ko. 
"Paano nangyari iyon? Nakita ko sa balita na nasa airport siya"sabi pa nito.
"Naku! Fake news iyan! Huwag kang magpapaniwala! Kasama ko ngayon dito si MM!"sagot ko pa.
"Okay! Pasensiya na! Nag-alala lang ako! Akala ko kasi totoo"sabi pa niya.
"Wala iyon! Thank you sa pag-aalala! Sige!"paalam ko pa at ibinababa na ang cp ko. Napailing na lang ako, kaloka! Nagulat naman ako ng makita ang oras. Hala! Gabi na pala!! Hindi ko namalayan! Ganun pala katagal ang tulog ko! Grabe! Agad akong tumayo at nag-ayos muna. After noon lumabas narin ako para bumaba. Pagkababa ko naman nakita ko si papa na nakaupo at nanonood ng TV.
"Hi Pa!"bati ko at agad na lumapit. 
"Oh Princess gising ka na pala"sabi pa nito. Nagtaka naman ako ng bigla niyang pinatay ang TV.
"Oh Papa! Bakit niyo pinatay?"takang tanong ko. 
"Wala namang magandang palabas eh"sagot niya.
"Ay oo nga pala Pa! Nasaan si Mama?"tanong ko.
"Nasa kusina naghahanda ng pagkain natin!"sagot niya. Napatango na lang ako
"Eh si MM po! Nasaan siya?"tanong ko ulit.
"Ha? Eh.."
"Ah! Tumutulong po ba siya kay mama sa kusina? Naku Pa! Sigurado po akong magugustuhan niyo ang luto niya! Sobrang sarap niya po kasing magluto"masayang kwento ko pa. 
"Ah..ganun ba.."sagot pa ni papa. Napakunot naman ang noo ko. Teka! Bakit parang may mali kay Papa. 
"Okay lang po ba kayo Pa? Bakit parang hindi kayp mapakali diyan?"tanong ko pa.
"Ha? Ako? Hindi! Okay lang ako"natatawang sagot niya. Ngek! Ang weird ni Papa ngayon
"Mabuti po kung ganun! Sige po pupuntahan ko lang po sina mama sa kitchen"paalam ko pa. Natigilan naman ako ng hawakan ni Papa ang braso ko.
"Teka lang"pigil niya sa akin
"Bakit po?"tanong ko.
"Ah..eh..dito ka muna! Magkuwentuhan mo na tayo"sabi pa niya. Talagang nagtataka na ako sa mga kinikilos ni Papa. Hay!
"Tungkol po saan?"tanong ko.
"Kamusta ka na?"seryosong tanong niya. Ngumiti naman ako
"Okay lang po! Masaya"nakangiting sagot ko. Ngumiti naman siya 
"Masaya ako na nakikita kong masaya ka!"sabi pa niya. Yumakap naman ako sa kanya. Namiss ko ito! Iyong nagkukwentuhan kami ni Papa. Tapos maglalambing ako sa kanya..
"Namiss kita Pa! Namiss ko iyong ganito! Ganito tayo"di ko mapigilang sabihin.
"Ako din Princess! Namiss ko ito"sagot niya at mas hinigpitan ang pagkakayakap sa akin.
"Wait lang pa! Baka po maipit si Baby"pigil ko sa kanya. Agad naman niya akong binitiwan.
"Ay Oo nga pala! Sorry!"sabi pa niya. Ngumiti lang naman ako..
"Ilang buwan na ba iyan?"biglang tanong ni Papa. Napatingin naman ako sa tiyan ko at hinawakan ito.
"Dalawang buwan po Pa"nakangiting sagot ko 
"Kamusta naman siya? Healthy ba siya?"tanong pa niya.
"Opo Pa! Sabi po ng doktor okay lang siya!"sagot ko habang hinahaplos ang tiyan ko. Medyo may konting umbok na kasi ang tiyan ko.
"Excited na akong makita siya"nakangiting sabi pa ni Papa. 
"Kami din Pa! Sobrang excited na kaming makita siya"sagot ko.
"Lalo na po si MM!"dugtong ko pa. Kita ko namang nawala ang ngiti niya sa mukha
"Bakit po Pa? May problema po ba?"tanong ko. Umiling naman siya
"Wala iha! Sobrang saya ko lang talaga at masaya ka"sagot niya. Niyakap naman niya ako ulit. Kaya yumakap narin ako

"Oh! Tama na iyan! Kakain na!"

Rinig naming sigaw ni Mama, kaya agad kaming tumayo ni Papa.
"Tara na! Alam kong gutom na kayo"pagyaya pa ni Papa. Tumango naman ako
"Sobra Pa!"sagot ko
"Atsaka excited narin akong matikman niyo ang luto ni MM"sabi ko pa. At naglakad na papapuntang kusina.

Unexpected Chemistry (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon